Pumunta sa nilalaman

Mga pagrerekord sa Minus-One

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa Pilipinas, ang Minus-One—na karaniwang binabaybay bilang "minus one"[1] (lit. na 'bawas isa') nang walang gitling, dapwat hindi wasto—ay isang variant mix (o baryanteng paghahalo) ng rekording na multi-track, kung saan ang namumunong tinig ng isang awit (na tinaguriang lead vocal track o track ng pangunahing boses) ay naka-mute (pinatahimik) upang magamit ito bilang karagdagan enganyo sa pagbebenta ng vinyl (o binilo) na plaka. Sa Industriyang Pagrerekord sa Pilipinas noong dekada-1980, ang baryanteng ito ay katambal na Side-B (tinaguriang "flip side") ng isang nakatampok na kanta sa Side-A ng plaka.[2][3] Ang 7-inch single (o isahang 7-pulgada) ay isang mabentang produkto na kinalalagyan ng isang isang itinatampok na awot, at ito karaniwang ibinabahagi sa mga istasyon ng radyo.

Ang flip side o ang kabilang banda ay karaniwang hindi nagiging bahagi ng Long Playing album o LP na naglalaman ng mga sunod-sunod na kanta kasama ng pinanggalingang kanta nito. Samakatwid, ang isang B-Side ay nagiging "minus one" dahil lamang sa ang lead vocal track ay tinanggal mula sa A-Side na naglalaman ng orihinal na halo o timpla ng tampok na awitin.

Patenteng pangalan ang Minus-One para sa makinang karaoke na inimbento ng ehekutibo ng negosyo na si Roberto del Rosario noong 1975.[4] Pinagsamang salitang Hapon ang katawagang "karaoke" na mula sa karappo (空っぽ, walang laman) at okestura (オーケストラ, orkestra), na nangangahulugang "orkestrang walang laman" o "orkestrang walang boses," na siyang paglalarawan kung ano ang Minus-One.[4] Bagaman, mababakas ang katawagan ang ideya ng mga rekord na walang tinig sa kumpanyang Music Minus One noong dekada 1950.[5]

Produksyon ng rekord

[baguhin | baguhin ang wikitext]
45 RPM 7-inch vinyl

Bilang isang uri ng musika ng produksyon ng rekord sa Pilipinas,[6] ang pagsasama ng isang "minus one" sa plaka bilang Side-B ay bumabawas sa pangkalahatang gastos sa produksyon ng isang 45 RPM 7-inch (o 7-pulgada) na single—gawa ng pag-iwas sa pangangailangan ng karagdagang kanta sa flip side.[7] Nakapaghihikayat din nito sa mga mamimili na mag-sing along o sabayan ng pag-awit bilang isang bonus o karagdagan na saliw, kung sakali na sasabayan nila nang pag-awit ang naturang patok na awitin.

Ang isang "minus one mix" ay hindi ganap na isang instrumental lamang, dahil may pagkakataon na ang backing vocals ng orihinal na halo ng kanta ay maaaring panatiliin. Ang konsepto ng instrumental na B-Side ay nauso nang bigla sa larangan ng Philippine record industry noong dekada-1980, at ang ideya na ito ay kasunod na ginaya sa ibang mga bansa, lalo na sa Asya.[8]

Sa mga sumunod na taon, ang mga koleksyon ng minus-one ay sinimulang gawan ng mga sarili nilang tinatawag na compilation album.[9][10]

Sa kabila ng matagumpay na pagkakalakal nito, liban sa akala ng mga iba, walang pagpapanggap sa Pilipinas na ang mga minus-one ay imbensyon o inobasyon — dahil ito ay mga kinathang awitin at hindi mga materyal na kasangkapan. Tungkol sa salimuot ng kasangkapang Karaoke, ito ay sapat na maging hiwalay na paksa.

Mga halimbawa ng Minus-One

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang sumusunod na talahanayan ay naglalarawan ng mga maagang B-sides ng 7-inch singles ni Zsa Zsa Padilla — na inilabas ng Blackgold Records. Sa mga sumusunod na taon, maraming Minus-One ay isinalin din pagkatapos sa ibang mga plataporma tulad ng VCD, videoke at mga libreng video sharing na website.

Tampok na Kanta
sa Side A
Minus One ng Kanta
sa Side B
Record Label Catalog Taon na Inilabas Format
When I'm With You
(Rene Novelles)
When I'm With You (minus one)
(Arranged by Dante Trinidad)
Blackgold Records BSP-392 1985 45-RPM 7" Vinyl
Eversince
(Alvina Eileen Sy)
Eversince (minus one)
(Arranged by Dante Trinidad)
Blackgold Records BSP-397 1985 45-RPM 7" Vinyl
To Love You
(Danny Javier)
To Love You (minus one)
(Arranged by Menchu Apostol)
Blackgold Records BSP-401 1985 45-RPM 7" Vinyl
Hiram
(George Canseco)
Hiram (minus one)
(Arranged by Danny Tan)
Blackgold Records BSP-404 1986 45-RPM 7" Vinyl
Mambobola
(Rey-An Fuentes)
Mambobola (minus one)
(Arranged by Homer Flores)
Blackgold Records BSP-410 1986 45-RPM 7" Vinyl
Ikaw Lamang
(Dodjie Simon)
Ikaw Lamang (minus one)
(Arranged by Menchu Apostol)
Blackgold Records BSP-413 1986 45-RPM 7" Vinyl
Minsan Pa
(Jun Sta. Maria & Peewee Apostol)
Minsan Pa (minus one)
(Arranged by Menchu Apostol)
Blackgold Records BSP-417 1986 45-RPM 7" Vinyl
Maybe This Time
(Marlene del Rosario)
Maybe This Time (minus one)
(Arranged by Menchu Apostol)
Blackgold Records BSP-432 1988 45-RPM 7" Vinyl
Pangako
(Dodjie Simon)
Pangako (minus one)
(Arranged by Egay Gonzales)
Blackgold Records BSP-447 1990 45-RPM 7" Vinyl
Ang Aking Pamasko
(Tony Velarde)
Ang Aking Pamasko (minus one)
(Arranged by Egay Gonzales)
Blackgold Records BSP-459 1990 45-RPM 7" Vinyl
► Noong 1987, isang kanta ng Pilipinong bandang, The Dawn ay inilabas bilang 7-inch 45 RPM single (b/w minus-one) ng kanilang record label, OctoArts.
► Sa mga taon ng milenyo, ang bandang Narda mula sa Pilipinas, ay nagtampok ng pahina ng kanilang album sa AllMusic[11] na may nakatuon na nilalamang Minus One.

Ang Minus one ay ang nilalaman, hindi ang kagamitan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang daloy ng "Minus-one" vinyl B-Sides ay nagdulot ng genre sa industriya ng recording sa Pilipinas, na sinimulan ng magpinsan na Vic del Rosario at Orly Ilacad,[12] na kapwang may-ari at executive producer ng Vicor Music Corporation at ang mga sanga nitong mga record label. Sila ang mga unang naglabas ng (7-inch B-side) na mga Minus-One, na kalaunan ay pinagsama-sama bilang mga tinaguriang minus-one compilations sa mga cassette tape, CD at pagkatapos ay mga online.[13] At sa walang ano pa kundi pagiging 'background', ang mga instrumental na ito ay naging pasimula sa laganap na pangharabas na kantahan sa loob at labas ng tahanan. Ang pinagmulan nito[14] ay epektibong natunton sa mga produkto ng Music Minus One noong kalagitnaan ng dekadang-1950s. Bilang katangiang ng mga magkakapwa Pilipino,[15] nang magsaya,[16] ang pagiging maakit ng mga minus-one ay tumawid sa lawak ng pambansang kultura.[17][18][19]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Minus One | britannica.com (sa wikang Ingles), inarkibo mula sa orihinal noong 2024-02-15, nakuha noong 2024-12-04{{citation}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Merriam-Webster: Flip side Definition & Meaning | Merriam-Webster (sa wikang Ingles)
  3. Collins Dictionary: FLIP SIDE definition and meaning | Collins Dictionary (sa wikang Ingles)
  4. 4.0 4.1 "#ANONGBALITA Karaoke inventor Negishi dies, 100, family reports". Manila Standard (sa wikang Ingles). 2024-03-17. Nakuha noong 2024-12-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Music Minus One Series Hal Leonard Online". Hal Leonard Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-12-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Production Genre | soundroll.com (sa wikang Ingles)
  7. Oxford Languages: flipside | Google.com (sa wikang Ingles)
  8. Bedroom Beats & B-Sides: Instrumental Hip-Hop & Electronic Music at the Turn of the Century. Velocity Press. ISBN 9781913231040.
  9. Vocal Removal and Isolation | audacityteam.org (sa wikang Ingles)
  10. Epekto ng OPM Orihinal na Musika ng Pilipino | musixmatch
  11. Minus One | AllMusic (sa wikang Ingles)
  12. Vic, Orly & Tito: Philpop's music trio | The Philippine Star (sa wikang Ingles)
  13. Minus-One OPM Alternative Love Songs | Universal Records, Polycosmic (sa wikang Ingles)
  14. The Jim Odrich Experience: Music Minus One Piano. Music Minus One. ISBN 978-1-59615-056-0.
  15. Folk Music in the Philippines (volume 10, issue 4, pages 26–64) | jstor.org (sa wikang Ingles)
  16. communal celebration | Collins Dictionary (sa wikang Ingles)
  17. Pinoy music artists sing of love and hope for Philippines {mention of minus one) | goodnewspilipinas (sa wikang Ingles)
  18. "Quincentennial Theme Song Minus One MP3" (sa wikang Ingles). National Quincentennial Committee Philippines, National Historical Commission of the Philippines, March 25, 2020.
  19. "Bagani Quincentennial Theme Song" (sa wikang Ingles). National Quincentennial Committee Philippines, National Historical Commission of the Philippines, March 25, 2020.
[baguhin | baguhin ang wikitext]

(lahat na sa wikang Ingles)