Roberto del Rosario
Si Roberto L. del Rosario ay isang kilalang Pilipinong imbentor ng Sing-Along System na kilala bilang Minus-One na kalaunan ay kilala bilang Karaoke. Naipaglaban niya sa Kongreso ng Pilipinas ang pagpasa ng panukala para sa insentibo sa mga imbensiyon ng mga Pilipino na kalaunan ay naging batas RA 7459 o Inventors and Invention Incentives Act noong 28 Abril 1992. Siya ay nahalal bilang miyembro ng Executive Board ng International Federation of Inventors Association (IFIA). Siya ay ginawaran ng World Intellectual Property Organization (WIPO) Gold Medal sa kanyang natatanging imbensiyon noong 1985.
Sa edad na pito ay mahusay na siyang magpiyano at lalo pang nahasa nang maging katulong sa pagawaan ng piano ng kanyang tiyuhin na Trebel. Ang nakita niyang hirap sa pagtotono ng piano eng nagbunsod sa kanya upang maimbento ang Piano Tuner's Guide at Piano Keyboard Stressing Device. Taong 1972, nang makilala si Roberto dahil sa kanyang One-Man Band (OMB) na nakakatugtog ng buong orkestra (kumpletong wind, string at brass instruments) sa tugtog ng chacha, boogie, disco, swing, tango at marami pang iba.
Laban sa karapatang-ari ng Karaoke
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taong 1974 nang naimbento ni Del Rosario ang Sing Along System na binubuo ng isang mikropono at amplifier kasama ang iba't ibang panimpla ng boses ng kumakanta. Sumikat ito sa bansag na Minus One sa Pilipinas. Sa kaparehong dekada, sumikat din sa bansang Hapon ang kahalintulad na imbensiyon na kilala bilang Karaoke. Bagama't ang unang nakaimbento ng karaoke ay ang Hapong si Daisuke Inoue noong 1971, nakalaigtaan niya itong i-apply ng patent. Naunang nag-apply ng patent si Del Rosario at ito ginawaran ng patent noong 1983 at 1986. Nanalo si Del Rosario sa demanda sa World Intellectual Property Organization (WIPO) laban kay Inoue ukol sa karapatang-ari ng Karaoke. Si Inoue naman ay kay kinilala ng Time Magazine bilang isa sa pina-impluwensiyang Asyano sa kanyang paglikha ng Karaoke[1].
Ilang mga imbensiyon ni Roberto Del Rosario
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Piano Tuner's Guide
- Piano Keyboard Stressing Device
- Copper Wire String Winding Machine
- One-Man Band (OMB)
- Voice Color Tapes
- Sing-Along System (SAS)
- Method of Determining a Singer's Voice Range
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Daisuke Inoue Naka-arkibo 2008-10-25 sa Wayback Machine. (isinilang 10 Mayo 1940 sa Osaka), 1996 Karaoke now a $10 billion-a-year business, Time 100: Agosto 23-30, 1999 Tomo. 154 Blg. 7/8, Time Asia, Time.com
Bibliyograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Bellis, Mary. Roberto del Rosario - Filipino Inventor[patay na link]
- Doodsdpogi. Famous Filipino Scientists and Inventors Part 3 (...) "Roberto del Rosario is Filipino Inventor and the president of the Trebel Music Corporation. He is the inventor of the Karaoke Sing-Along System, in 1975. The Karaoke Sing Along System is a Japanese expression..." (...)
- G.R. No. 115106: Roberto L. del Rosario, petitioner, vs. Court of Appeals and Janito Corporation, respondents. 15 Marso 1996 Naka-arkibo 12 April 2008[Date mismatch] sa Wayback Machine.
- Filipino Inventors, Karaoke Inventor: Roberto del Rosario Naka-arkibo 2008-11-10 sa Wayback Machine.
- Bert del Rosario is Karaoke inventor![patay na link], Martes, 5 Hunyo 2007