Michael Collins
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Michael Collins | |
---|---|
![]() Si Michael Collins. | |
Kapanganakan | Kamalian ng Lua na sa Module:Wd na nasa linyang 1890: bad argument #1 to 'ipairs' (table expected, got nil).
|
Kamatayan | 28 Abril 2021
|
Libingan | Pambansang Libingan ng Arlington |
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika |
Nagtapos | U.S. Air Force Test Pilot School United States Military Academy Harvard Business School St. Albans School Academia del Perpetuo Socorro |
Trabaho | opisyal, astronaut, abyador, negosyante, pilotong tagasubok, awtobiyograpo, artista, airman, entrepreneur |
Opisina | Assistant Secretary of State for Public Affairs (6 Enero 1970–11 Abril 1971) |
Asawa | Patricia Finnegan (1957–2014) |
Anak | Kate Collins |
Magulang |
|
Pirma | |
![]() |
Si Michael Collins (ipinanganak noong 30 Oktubre 1930) ay isang Amerikanong dating astronota at pilotong manunubok. Napili bilang kabahagi ng pangatlong bahagi ng labing-apat na mga astronota noong 1963, lumipad siya sa kalawakan nang dalawang ulit. Ang una niyang paglipad sa kalawakan ay ang Gemini 10, kung kailan siya at ang pilotong nag-aatas na si John Young ay nagsagawa ng dalawang pakikipagtagpo sa ibang sasakyang pangkalawakan at si Collins at nagsagawa ng dalawang mga gawain habang nasa labas ng sasakyan (extra-vehicular activity o EVA). Habang lumilibot siya sa Buwan, nagawa nina Neil Armstrong at Buzz Aldrin ang unang paglapag ng tao sa ibabaw ng buwan. Isa siya sa 24 na mga tao na nakalipad papunta sa Buwan.
Bago naging isang astronota, nag-aral siya sa Akademyang Pangmilitar ng Estados Unidos, at mula roon ay sumali siya sa Lakas na Panghimpapawid ng Estados Unidos at nagpalipad ng mga F-86 sa Himpilang Panghimpapawid ng Chambley-Bussieres, Pransiya. Natanggap siya sa U.S. Air Force Experimental Flight Test Pilot School (Paaralan ng Pilotong Manunubok ng Paglipad na Eksperimental ng Puwersang Panghimpapawid ng Estados Unidos) sa Himpilan ng Lakas na Panghimpapawid ng Edwards noong 1960. Hindi siya naging matagumpay sa pagsali sa pangalawang pangkat ng mga astronota, subalit natanggap para sa pangatlong pangkat.
Pagkaraang magretiro mula sa NASA noong 1970, kumuha siya ng isang trabaho sa Kagawaran ng Estado bilang Katulong na Kalihim ng Estado para sa mga Bagay-bagay na Pangmadla. Pagkalipas ng isang taon, naging direktor siya ng Pambansang Museo ng Himpapawid at Kalawakan. Hinawakan niya ang tungkulin hanggang sa 1978, nang bumaba siya mula sa tungkuling ito upang maging undersecretary (literal na "kalihim na nasa ilalim") o "pangalawang ministro" ng Smithsonian Institution. Noong 1980, tinanggap niya ang hanapbuhay bilang Pangalawang Pangulo ng LTV Aerospace. Nagbitiw siya mula sa tungkuling ito noong 1985 upang simulan ang sarili niyang negosyo.
Kasal siya kay Patricia Collins, at mayroon silang tatlong mga anak: sina Kate, Ann, at Michael.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Estados Unidos at Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.