Pumunta sa nilalaman

Michael Copon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Michael Copon
Kapanganakan
Michael Sowell Copon

(1982-11-13) 13 Nobyembre 1982 (edad 41)

Si Michael Sowell Copon (13 Nobyembre 1982) ay isang artista, modelo, at mang-aawit sa Amerika. Ipinanganak siya sa Chesapeake, ng Pilipinong ama at ng Aleman-Amerikanang ina. Itinampok siya sa Fox Kids Network bilang si Luc, isang Blue Ranger, sa Power Rangers: Time Force pagkatapos niyang mag-aral sa Deep Creek High School noong taong 2001. Kasabay nun ay naging modelo siya sa mga pahayagan sa Los Angeles. Tinaguri rin siya ng People's Magazine bilang isa sa mga "50 Hottest Bachelors" nito noong 2005.

Nagsimula sa pag-arte si Copon sa Power Rangers: Time Force, at mas nakilala siya sa pag-ganap bilang "Felix" sa palabas na One Tree Hill. Mayroon din siyang papel sa mga palabas na Scrubs, Reno 911!, That's So Raven, Even Stevens, at lumabas siya sa mga pelikulang All You've Got, na nakasama si Ciara, at Sideliners. At kalalabas lang niya bilang bida sa ika-apat na yugto ng Bring It On: In It To Win It.

Tugtugin at Pagmo-modelo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Matapos manalo ni Copon sa pangkatotohanang patimpalak na palabas ng VH1, But Can They Sing? (na kung saan kasali lamang ang mga artista at modelo na halos kagaya sa estilo ng American Idol) noong 2005, nakagawa na rin siya ng kanyang sariling album. Nito lang nakaraan ay nakasama siya sa bandang T.K.O. kasama ang m=ga mang-aawit na sina Brandy at Ray J.

Nakapag-kompanyang bayan na rin si Copon para sa mga kompanya ng PacSun at K-Swiss kasama ng iba pa. Lumabas at itinampok na rin siya sa ilang mga pahayagan, tulad ng Seventeen at Teen People.

Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]