Michael Halliday
Michael Halliday | |
---|---|
Kapanganakan | 13 Abril 1925
|
Kamatayan | 15 Abril 2018[1]
|
Mamamayan | United Kingdom Australya |
Nagtapos | Unibersidad ng Peking Pamantasan ng Londres |
Trabaho | lingguwista, pilosopo, pedagogo, propesor ng unibersidad |
Si Michael Alexander Kirkwood Halliday ay isang lingwista na pinanganak sa Inglatera.
Sa pag-aaral ng wika ng mga bata
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1975, nilista ni Halliday ang pitong tungkulin ng wika kapag ito'y inaaral ng mga bata.
Instrumental
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang instrumental na tungkulin ng wika ay ang paggamit nito upang maipahayag ang kanilang mga kagustuhan o pangangailangan.
Regulatory
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang regulatoryong tungkulin ng wika ay ginagamit upang magsilbing gabay sa mga pangyayaring nagaganap.
Interactive
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang interaksiyonal na tungkulin ng wika ay ang paggamit ng wika bilang isang pamamaraan ng komunikasyon. Sa interaksyunal na tungkulin ng wika, nakakapagtatag ang ibat ibang tao ng relasyong sosyal.
Personal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang personal na tungkulin ng wika ay ang paggamit ng wika upang mailahad at mapahalagahan ang anumang preperensya o pagkakakilanlan ng tao.
Impormatibo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Impormatibo na tungkulin ng wika ay ang paggamit ng wika para sa pagkalat ng impormasyon.
Heuristika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang heuristikang tungkulin ng wika ay ang paggamit ng wika upang maunawaan ang nangyayari sa kapaligiran.
Imahinasyonal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang imahinasyonal na gampanin ng wika ay magpinta at magsalin ng mga grupo ng salitang bigkas o sulat na bubuo ng mga eksena o larawan sa isip. Nagiging aktibo ang punsyong ito tuwing ang nagsasalita ay gumaganap bilang isang imahinasyonal o kathang-isip na karakter, o kaya naman ay gumagamit ng tauhan upang makalikha ng imahinasyonal na sitwasyon.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.