Pumunta sa nilalaman

Michael Jackson

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Michael Joseph Jackson)
Michael Jackson
Pagtatanghal ni Jackson noong 1988
Kapanganakan
Michael Joseph Jackson

29 Agosto 1958(1958-08-29)
Gary, Indiana, U.S.
Kamatayan25 Hunyo 2009(2009-06-25) (edad 50)
Los Angeles, California, Estados Unidos
Ibang pangalanMichael Joe Jackson
TrabahoMusikero, mang-aawit, mananayaw, manananghal, prodyuser, aktor, negosyante, pilantropo
Aktibong taon1964–2009
Kamag-anakJoe Jackson (ama)
Katherine Jackson (ina)
Rebbie Jackson (kapatid na babae)
Jackie Jackson (kapatid na lalaki)
Tito Jackson (kapatid na lalaki)
Jermaine Jackson (kapatid na lalaki)
La Toya Jackson (kapatid na babae)
Brandon Jackson (kapatid na lalaki)
Marlon Jackson (kapatid na lalaki)
Randy Jackson (kapatid na lalaki)
Janet Jackson (kapatid na babae)
Karera sa musika
GenreMusikang pop, rock, soul, R&B, funk, disco, new wave, new jack swing
InstrumentoBoses
LabelMotown, Universal, Sony, Epic, Legacy, MJJ Productions
Pirma
Lagda ni Michael Jackson

Si Michael Joseph Jackson (29 Agosto 1958 – 25 Hunyo 2009) ay isang Amerikanong mang-aawit, manananghal, mananayaw, negosyante at pilantropo. Kadalasang binabansagang "Hari ng Pop", o sa kanyang inisyal na MJ,[1][2] Tinaguriang pinakamatagumpay na manananghal sa lahat ng panahon si Jackson ayon sa Guinness World Records. Ang kanyang mga ambag sa musika, sayaw, at pananamit, kasama ang kanyang personal na buhay, ang naging dahilan upang siya ay maging tanyag sa buong daigdig.

Pangwalong anak siya ng mag-anak na Jackson, at nagsimula magtanghal ng musika kasama ang kanyang mga kapatid na lalaki bilang kasapi ng The Jackson 5 noong 1964, at lumaon ay nagsimulang magsolo noong 1971. Noong unang bahagi ng dekada 80, naging si Jackson sa musikang popular. Ang mga bidyong pangmusika o music video niya ng "Beat It," "Billie Jean," at "Thriller," ang pinaniniwalaang nagpabago sa mga bidyong pangmusika bilang isang uri ng sining at kasangkapang pang-promosyon. Ang katanyagan ng mga bidyo niya ang tumulong sa bago pa lamang noong himpilang pantelebisyon na MTV na sumikat. Kasama ng mga bidyo na "Black or White" at "Scream", nagpatuloy si Jackson sa pagbago ng medyang ito hanggang dekada 90. Sa mga pagtatanghal niya sa entablado at sa mga bidyong pangmusika, nagpasikat siya ng mga mahihirap na sayaw, gaya ng robot, at ang moonwalk, na siya ang mismo ang nagpangalan.

Ang album ni Jackson noong 1982 na Thriller ay ang pinakamabentang album sa lahat ng panahon. Ang iba pa niyang mga album, kasama na ang Off the Wall (1979), Bad (1987), Dangerous (1991), at HIStory (1995), ay napabilang din sa pinakamabentang mga album sa daigdig.

Ang mga aspeto ng personal na buhay ni Jackson, kasama na ang pagbabago ng kanyang hitsura, mga kaugnayang personal at pag-uugali ay nakagawa ng mga kontrobersiya. Noong kalagitnaan ng dekada 90, inakusahan siya ng pag-aabuso sa mga bata, subalit ang kaso ay naareglo sa halagang $25 milyon at hindi na nagsampa pa ng pormal na kaso.[3] Noong 2005, siya ay nilitis at napawalang sala sa iba pang mga kaso ng alegasyon ng pang-aabuso.

Namatay siya noong 25 Hunyo 2009 habang naghahanda siya sa pagbabalik niya sa mga serye ng pagkokonsiyerto na pinamagatang This Is It. Ang pagkamatay ni Jackson ay sinundan ng pandaigdigang pagkalungkot at ng isang live na pagpapalabas ng kanyang libing na napanood sa buong daigdig.[4]

Si Michael Jackson ay ipinanganak noong 29 Agosto 1958, sa Gary, Indiana, Estados Unidos. Siya ang ikawalo sa sampung mga anak nina Katherine Esther Scruse na isang relihiyosong Jehovah's Witness at ni Joseph Walter "Joe" Jackson, na isang trabahador ng paggawaan ng bakal. Ang kanyang ama ay nagtatanghal kasama ng bandang R&B na The Falcons. Ang pamilya ay tumira sa isang bahay na may tatlong kuwarto. Ang iba pang kapatid ni Jackson sina Rebbie, La Toya, Janet, Jackie, Tito, Jermaine, Marlon, at Randy. Ang isa pang kapatid na lalake na si Brandon na kakambal ni Marlon ay namatay pagkatapos ipanganak. Si Michael ay nakaranas ng pang-aabuso sa masasakit na salita at panggugulpi mula sa kanyang ama. Siya ay tinawag ng kanyang amang "matabang ilong" sa maraming okasyon. Isinaad ni Michael na siya ay emosyonal at pisikal na inaabuso ng kanyang ama sa walang tigil na pageensayo bagaman kinilala ni Michael ang disiplina ng kanyang ama sa kanyang tagumpay. Isinaad ni Michael na nasusuka siya kapag nakikita niya ang kanyang ama. Noong 1964, sina Michael at Marlon ay sumali bilang mga backup musician na nagpapatugtog ng conga at tambourine sa bandang Jackson Brothers na binuo ng kanilang kapatid na sina Jackie, Tito, at Jermaine.

Michael Jackson (gitna) sa The Jackson 5 noong 1972

Nang siya ay walong taon, si Michael ay nagsimulang magsalo bilang lead vocals kasama ni Jermain at ang pangalan ng grupo ay pinalitan na The Jackson 5. Ang banda ay nagtanghal sa gitnang kanluran ng Estados Unidos mula 1966 hanggang 1968 sa mga black club na kilalang "chitlin' circuit". Noong 1966, ang banda ay nanalo sa isang talent show sa kanilang rendisyon ng mga hit ng Motown at ni James Brown na "I Got You (I Feel Good)". Ang Jackson 5 ay nagrecord ng ilang mga kanta kabilang ang "Big Boy", para sa isang record label na Stteltown noong 1967 bago lumagda sa Motown Records noong 1968. Ang apat na single ng grupo ("I Want You Back", "ABC", "The Love You Save", at "I'll Be There") ay nagpeak na number one Billboard Hot 100. Sa pagitan ng 1972 at 1975, si Michael ay naglabas ng apat na studio album sa Motown na lumikha ng mga single gaya ng "Got to Be There", "Ben", at isang remake ng kanta ni Bobby Day na "Rockin' Robin". Ang benta ng grupo ay nagsimulang bumagsak noong 1973 at ang grupo ay umalis sa Motown noong 1975. Noong Hunyo 1975, ang Jackson 5 ay lumagda sa Epic Records na subsidiary ng CBS Records. Ang pangalan ay pinalitan muli ng the Jacksons. Ang kapatid nilang si Randy ay sumali sa bandang ito samantalang si Jermain ay nanatili sa Motown at nagsolo. Ang banda ay patuloy na nagtanghal sa ibang bansa. Sil aay naglabas ng anim pang album mula 1976 at 1984. Si Michael ang sumulat ng mga hit nilang "Shake Your Body (Down to the Ground)", "This Place Hotel", at "Can You Feel It". Noong 1978, si Michael ay bumida bilang Panakot ng Ibon sa musika na The Wiz na isang sakuna sa box-office. Sa musikal na ito na nakipagtulungan siya kay Quincy Jones na nagsasaayos ng score ng pelikula. Pumayag si Jones na iproduce ang susunod na solo album ni Michael na Off the Wall. Noong 1979, nabali ang ilong niya sa isang dance routine. Ang kanyang rhinoplasty sa ilong ay hindi naging matagumpay na nagkaroon ng kahirapan sa paghinga. Siya ay nirefer kay Dr. Steven Hoefflin na nagsagawa ng mga kalaunang rhinoplasty ni Michael.

Noong 1979, inilabas ni Michael Jackson ang solo album niyang Off the Wall na pareho nilang prinodyus ni Quincy Jones. Ang mga manunulat ng kanta sa album na ito ay kinabibilangan nina Michael Jackson, Rod Temperton, Stevie Wonder, at Paul McCartney. Ito ang unang solo album na nakalikha ng apat na top 10 hits sa US kabilang ang mga nanguna sa chart na "Don't Stop 'til You Get Enough" at"Rock with You". Ito ay naging number three saBillboard 200 at nakapagbenta ng 20 milyong kopya sa buong mundo. Noong 1980, si Jackson ay nanalo ng tatlong award sa American Music Awards par asa Favorite Soul/R&B Album, Favorite Soul/R&B Male Artist, at Favorite Soul/R&B Single para "Don't Stop 'Til You Get Enough". Nang taong iyon, siya ay nanalo ng Billboard Year-End for Top Black Artist at Top Black Album at isang Grammy Award para sa Best Male R&B Vocal Performance, para sa "Don't Stop 'Til You Get Enough". Si Jackson ay muling nanalo sa American Music Awards noong 1981 para sa Favorite Soul/R&B Album and Favorite Soul/R&B Male Artist. Noong 1980, nakuha niya ang pinakamataas na royal sa music industry na 37 porsiyento ng wholesale album profit.

Noong 1982, si Jackson ay nagambag ng kantang "Someone In the Dark" sa storybook ng pelikulang E.T. the Extra-Terrestrial na nanalo ng Grammy for Best Recording for Children noong 1984. Noong 1982,inilabas ni Jackson ang kanyang solo album na Thriller na naging pinakabumentang album noong 1983 sa buong mundo. Ito ang naging pinakabumentang album sa lahat ng panahon sa Estados Unidos at pinakabumentang album sa lahat ng panahon sa buong mundo na nakapagbenta ng 65 milyong kopya. Ang album ay nanguna sa Billboard 200 chart ng 37 linggo at nasa top 10 ng 200 sa 80 magkakasunod na linggo. Ito ang unang album na nagkaroon ng pitong Billboard Hot 100 top 10 singles kabilang ang "Billie Jean", "Beat It", at "Wanna Be Startin' Somethin'". Ang Thriller ay certified para sa 29 million shipments ng RIAA, na nagbibigay dito ng Double Diamond status sa US. Ang album ay nanalo ng isang Grammy for Best Engineered Recording – Non Classical noong 1984 kay Bruce Swedien. Si Jackson ay nanalo ng pitong Grammy at walong American Music Awards (kabilang ang Award of Merit, na pinakabatang artist na nanalo nito) na gumawa kay Jackson na artist na may pinakamaraming award sa isang gabi para sa parehong mga palabas. Noong 25 Marso 1983, si Jackson at kanyang mga kapatid ay muling nagsama para sa isang live performance para sa Motown 25: Yesterday, Today, Forever television special. Si Jackson ay nagperform ng Billi Jean na suot ang isang itim sequin jacket at golf glove na may mga rhinestone. Sa palabas na ito na dinebut ni Jackson ang kanyang signature na galaw sa pagsasayaw na moonwalk na tinuro sa kanya ng miembro ng Shalamar ng tatlong taon.

Noong 1987, lumayo na si Jackson Jehovah's Witnesses bilang sagot sa kanilang hindi pagtanggap sa Thriller video. Noong 1987, inilabas ni Jackson ang kanyang unang album sa limang taon na Bad. Ito ay hindi naging kasing tagumpay ng Thriller album ngunit ito ay nakalikha ng pitong hit single sa US. Ang lima rito na "I Just Can't Stop Loving You", "Bad", "The Way You Make Me Feel", "Man in the Mirror" at "Dirty Diana" ay naging number one sa Billboard Hot 100 charts. Ang Bad world tour ay nagsimula noong 12 Setyembre 1987 at natapos noong 14 Enero 1989. Sa Hapon, ang tour ay nagkaroon ng 14 sellouts na pinanonood ng 570,000 tao. Nabasag ni Jackson ang Guinness World Record nang ang 504,000 ay dumalo sa pitong sold out show sa Wembley Stadium.

Neverland Valley Ranch ni Michael Jackson.

Noong Marson 1988, binili ni Jackson ang lupain sa Santa Ynez, California, upang itayo ang Neverland Ranchsa halagang $17 million. Naglagay siya ng mga Ferris wheels, menagerie, at movie theater sa 2,700-acre (11 km2) property. Mula 1985 hanggang 1990, siya ay nagdonate ng $500,000 sa United Negro College Fund, at lahat ng tubo sa single na "Man in the Mirror" ay napunta sa charity.

Noong Marso 1991, muling binago ni Jackson ang kanyang kontrata sa Sony para sa $65 million, na humigit sa kontratang pagbabago ni Neil Diamond sa Columbia Records. Noong 1991, inilabas ni Jackson ang kanyang ikawalong album na Dangerous. Ang unang single "Black or White" ay naging number one sa Billboard Hot 100 sa pitong linggo. Ang ikalawang single na "Remember the Time" ay nasa top 5 sa 8 linggo na nagpeak na number 3 sa Billboard Hot 100 singles chart. Sa wakas ng 1992, ang Dangerous ay ginawaran ng pinakabumentang album ng taon sa buong mundo at ang Black or White ang ginawaran pinakabumentang single ng taon sa buong mundo. Ang "Heal the World" ay naging pinakamalaking hit mula as album na nakapagbenta ng 450,000 kopya sa UK at naging number 2 ng limang linggo noong 1992. Itinatag ni Jackson ang Heal the World Foundation noong 1992 na isang charity na nagdala ng mga batang underprivileged sa Neverland upang magsaya sa mga theme park ride.

Noong taginit ng 1993, si Jackson ay inakusahan ng pang-aabusong seksuwal sa isang 13 años na batang lalake na si Jordan Chandler at ama nitong dentistang si Evan Chandler(na nagpakamatay noong 5 Nobyembre 2009). Ang pamilya ay humingi ng kabayaran kay Jackson ngunit si Jackson ay tumanggi sa simula. Si Jordan Chandler ay pumunta sa pulis upang sabihing inabuso siya ni Jackson. Sinaad ni Jackson na siya ay biktima ng ama ni Jordan Chandler upang mangikil ng pera mula sa kanya. Noong Agosto 1993, ang bahay ni Jackson ay niraid ng mga pulis at iniulat na nakakita ng mga aklat at litrato sa kwarto ni Jackson na nagpapakita ng mga batang lalaki na may kaunti o walang damit. Noong Disyembre 1993, si Jackson ay hinubaran at nilatratuhan ang kanyang maseselang bahagi ng katawan. Inilarawan ni Jordan Chandler sa pulis ang hitsura ng maselang parte ni Jackson at inulat na tamang nailarawan ni Jordan Chandler ang kulay ng puwit ni Jackson, maikling pubic hair ni Jackson, at may markang pink at kayumangging testicle ni Jackson. Maling nailarawan ni Jordan Chandler na tuli si Jackson bataysa autopsy ng katawan ni Jackson. Iniulat na tumpak na naiguhit ni Jordan ang itim na marka sa ari ni Jackson na makikita lamang kung ito ay itinaas. Ang itim na marka ay ay iniulat na inayunan ng sheriff's photographer at District Attorney sa kanilang sinumpaang salaysay. Noong 1 Enero 1994, iniulat na ang insurance carrier ni Jackson ay nakipagareglo sa mga Chandler sa labas ng korte para sa $22 million. Ang Santa Barbara County grand jury at Los Angeles County grand jury ay binuwag noong 2 Mayo 1994 na walang pagkakaso kay Jackson pagkatapos na tumigil makipagtulungan ng mga Chandler sa kriminal na imbestigasyon noong 6 Hulyo 1994. Ang dokumentasyon ng areglo ay nagsaad na hindi umamin si Jackson sa anumang nagawang masama at walang liabilidad. Ito ay nilagdaan ng mga Chandler. Noong ikalawang mga alegasyon kay Jackson ng pang-aabuso noong 2005, nagfile ng memo ang mga abogado ni Jackson na ang 1994 areglo ay ginawa ng walang pahintulot ni Jackson.

Noong Mayo 1994, pinakasalan ni Jackson ang anak ni Elvis Presley na si Lisa Marie Presley. Sila ay unang nagkakilala noong 1975 nang dumalo si Presley sa isa sa mga engagement ng pamilya ni Jackson sa MGM Grand Hotel and Casino. Ayon sa kaibigan ni Presley, ang pakikipagibigan ni Presley kay Jackson ay nagsimula noong Nobyembre 1992 sa LA. Si Jackson ay nagpropose ng kasal kay Presley sa telepono noong taglagas ng 1993 at lihim na nagpakasal sa Dominican Republic. Sinaad ni Lisa Marie na "hindi ako naniwalang gumawa ng anumang masama si Michael, at siya ay maling inakusahan, at oo, nagsimula akong mahulog sa kanya. Gusto ko siyang iligtas. Nadama kong magagawa ko ito". Hinikayat ni Lisa Marie si Michael na makipag-areglo at magparehabilitate upang makapagpagaling na parehong ginawa ni Michael. Noong Enero 1996, si Lisa Marie ay nakipagdiborsiyo kay Michael sa dahilang hindi mapagkasunduang mga pagkakaiba.

Noong 1995, pinagsama ni Jackson ang kanyang ATV Music catalog sa Sony's music publishing division na lumikha ng Sony/ATV Music Publishing.Napanatili niya ang kalahating pag-aari ng kompanya at kumita ng $95 million at mga rights sa mas maraming mga kanta. Inilabas niya ang double album HIStory: Past, Present and Future, Book I. Ang HIStory Begins, ay isang 15-track greatest hits album, kalaunang muling inilabas na Greatest Hits: HIStory, Volume I noong 2001, samantalang ang second disc, HIStory Continues, ay naglalaman ng 13 bagong kanta at 2 cover versions. Ang album ay nagdebut na number one sa mga chart at naging certified para sa pitong milyong shipment sa US. Ito ang pinakabumentang multiple-disc album ng lahat ng panahon na may 20 milyong kopya (40 milyong unit) sa buong mundo. Ang unang single na "Scream/Childhood" ay isang duet sa kanyang kapatid na si Janet Jackson. Ang single ang pinakamataas na debut sa Billboard Hot 100 sa number five. Ang ikalawang single na "You Are Not Alone" ay humahawak ng Guiness World Record para sa unang kanta na nagdebut ng number one sa Billboard Hot 100 chart. Ang ikatlong single "Earth Song" ay nanguna sa UK Singles Chart ng anim na linggo. Ang album ay pinopromote sa HIStory World Tour. Ang tour ay nagsimula noong 7 Setyembre 1996,at natapos noong 15 Oktubre 1997 na kumita ng $165 million. Habang nagtotour, pinakasalan ni Jackson ang kanyang kaibigang si Deborah Jeanne Rowe na nurse sa isang impromptu ceremony sa Sydney, Australia. Si Rowe ay mga anim na buwang buntis sa kanilang unang anak. Si as approximately six months pregnant with the couple's first child at the time. Originally, Rowe and Michael Joseph Jackson Jr (Prince) ay ipinangank noong 13 Pebrero 1997 at ang kanyang kapatid na si Paris-Michael Katherine Jackson noong 3 Abril 1998. Si Jackson at Rowe ay nagdiborsiyo noong 1999 at nakuha ni Jackson ang buong kustodiya ng kanilang anak.

Michel Jackson noong 1997

Noong 1997, inilabas ni Jackson ang Blood on the Dance Floor: HIStory in the Mix, na naglalaman ng mga remix ng mga hit single mula sa HIStory at limang bagong kanta. Ito ay naibenta ng 6 milyong kopya sa buong mundo at ang pinakabumentang remix album na kailanman nailabas. Sa buong 1999, si Jackson ay lumahok sa mga charitable event. Siya ay sumali kay Luciano Pavarotti para sa benefit concert sa Italya. Ang palabas ay pagsuporta sa nonprofit organization War Child, at nakalikom ng milyong dolyar para sa mga refugee ng Kosovo, FR Yugoslavia, gayundin para sa mga bata ng Guatemala. Pagkalipas ng isang buwan, si Jackson ay nagsagawa ng isang "Michael Jackson & Friends" sa Germany at Korea na kinabibilangan nina Slash, The Scorpions, Boyz II Men, Luther Vandross, Mariah Carey, A. R. Rahman, Prabhu Deva Sundaram, Shobana, Andrea Bocelli at Luciano Pavarotti. Ang kinita ay napunta sa Nelson Mandela Children's Fund, the Red Cross at UNESCO. Noong 2001, inilabas ni Jackson ang kanyang album na Invincible. Tatlong single ang inilabas mula sa album na "You Rock My World", "Cry" at "Butterflies". Ang unang at huling single ay nagchart sa top 20 sa Billboard Hot 100 chart at nagpeak na number one sa top 10 sa ilang mga bansa sa buong mundo. Pagkatapos ng alitan sa pagitan at ng kanyang record label na Sony, itinigal na ng Sony Music ang pagpopromote ng album.

Simula Mayo 2002, pinayagan ni Jackson ang paggawa ng isang dokumentaryo ng British na si Martin Bashir na sumama sa kanya saan man nagpunta si Jackson. Ang programa ay ipinalabas noong 3 Pebrero 2003 sa UK at Marso 2003 sa US na Living with Michael Jackson. Ito ay naging kontrobersiyal dahil sa ipinakitang paghawak sa kamay at pagtalakay ni Jackson ng kanyang pagtulog kasama ng batang lalaki na si Gavin Arvizo. Sinabi ng bata ng hindi niya alam na ang dokumentaryo ay ipapalabas sa buong mundo at pagkatapos ipalabas ay tinutukso siya ng mga kaibigan niya.Ang Santa Barbara county attorney's office ay nagsimula ng isang kriminal na imbestigasyon. Ang isang interview sa pamilya ng batang lalaki ay isinagawa ng videographer na si Hamid Moslehi noong 19 Pebrero 2003 kung saan pinuri ng pamilya at ina ni Arvizo si Jackson at iginiit ng batang lalaki na walang nangyaring pangmomolestiya sa kanya ni Jackson at si Jackson ay inosente. Sinabi rin ng pamilya na bagaman natutulog si Arvizo sa kama ni Jackson, si Jackson ay natutulog sa sahig. Kalaunang inakusahan ng pamilya at ni Gavin Arvizo si Jackson ng pang-aabusong seksuwal. Sinabi ng mga abogado ni Jackson na ang mga akusasyon ng pamilya ay paghihiganti ng malaman nilang hindi na itutuloy ni Jackson ang pinansiyal na pagsuporta sa kanila. Si Jackson ay inaresto noong Nobyembre 2003 at sinampahan ng pitong bilang ng molestasyon ng bata at dalawang bilang ng pagbibigay ng nakakalasing na inumin sa nag-akusa sa kanyang 13 años na si Gavin Arvizo. Itinanggi ni Jackson ang mga alegasyon na nagsasabing hindi seksuwal ang kanyang pagtulog kasama ng bata. Ang paglilitis na People v. Jackson ay nagsimula noong 31, 2005, sa Santa Maria, California, na tumagal ng limang buwan. Noong 13 Hunyo 2005, si Jackson ay napawalang sala sa lahat ng ibinibintang sa kanya.

Pagkatapos mapawalang sala sa paglilitis, si Jackson ay nanirahan sa Bahrain bilang panauhin ni Sheikh Abdullah.Noong Nobyembre 2006, inimbitahan ni Jackson ang Access Hollywood camera crew sa studio sa Westmeath. Iniulat ng MSNBC na si Jackson ay gumagawa sa isang bagong album na prinoduce ni will.i.am ng Black Eyed Peas. Si Jackson ay nagtanghal sa World Music Awards,sa London noong 15 Nobyembre 2006, at tumanggap ng Diamond Award sa pagbenta ng higit 100 milyong record. Noong Marso 2007, binisita ni Jackson ang isang U.S. Army post sa Japan na Camp Zama upang batiin ang mga 3,000 sundalong Amerikano at kanilang pamilya. Ang host ay nagtanghal sa kanya ng isang Certificate of Appreciation para sa kanyang debosyon sa mga sundalong Amerikano at kanilang pamilya.

Noong Marso 2009, inanunsiyo ni Jackson sa isang press conference sa London's O2 Arena ang serye ng kanyang mga comeback concerts na pinamagatang This Is It. Iminungkahi ni Jackson ang kanyang pagreretiro pagkatapos ng mga concert at iyon ang kanyang magiging "final curtain call". Ang simulang plano ay 20 concert sa London na sinundan ng mga concert sa Paris, New York City at Mumbai. Ang concert sa London ay dumami sa 50 concert pagkatapos ng makabasag ng record na pagbili ng mga ticket. Ang isang milyong ticket ay nabili sa kaunting dalawang oras. Si Jackson ay nagensayo sa Los Angeles. Ang karamihan nito ay sa Staples Center.

Noong 25 Hunyo 2009, si Jackson ay namatay sa kanyang inuupahang mansion sa 100 North Carolwood Drive sa the Holmby Hills district ng Los Angeles. Bago siya namatay, si Jackson ay dumating sa pageensayo ng kanyang concert sa Staples Center noong mga 6:30 ng gabi ng Miyerkoles ng 24 Hunyo 2009.Ang anumang tangka na sagiping mabuhay si Jackson habang dinadala siya sa Ronald Reagan UCLA Medical Center ay hindi naging matagumpay. Siya ay inanunsiyong namatay noong 2:26 ng hapon sa Los Angeles(21:26 UTC). Ang sanhi ng kamatayan ni Jackson ang pagkalason sa labis na propofol at ativan. Ito ay ginamit ni Jackson bilang pampatulog para sa kanyang insomnia na ibinigay ng kanyang personal na doktor na si Dr. Conrad Murray na kinasuhan ng homicide. Ang kamatayan ni Jackson ay mabilis na kumalat online. Ang mga TMZ at Los Angeles Times ay dumanas ng outage. Ang Google ay simulang naniwalang ang mga input mula sa milyong taong naghahanap ng Michael Jackson ay mula sa isang DDoS attack. Ang Twitter ay nagcrash gayundin ang Wikipedia noong 3:15 pm PDT (22:15 UTC). Ang AOL ay nagcollapse ng 40 minuto. Ang memorial ni Jackson ay idinaos noong 7 Hulyo 2009 sa Staples Center sa Los Angeles na dinaluhan o pinagtanghalan ng mga kilalang mang-aawit at celebrity gaya nina Mariah Carey, Stevie Wonder, Lionel Richie, John Mayer, Jennifer Hudson, Usher, Jermaine Jackson, Shaheen Jafargholi, Berry Gordy, Smokey Robinson, Queen Latifah. Noong 7 Nobyembre 2011, si Conrad Murray ay natagpuang nagkasala sa hindi boluntaryong pagpatay kay Jackson. Siya ay tumanggap ng maximum sentence na 4 taon sa bilangguan. Siya ay pinalaya noong 28 Oktubre 2013 na mas maaga ng dalawang taon dahil sa siksikang bilangguan at mabuting pag-aasal.

Studio albums

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Title Album details Peak chart positions Sales Certifications
(sales threshold)
US
[5]
AUS
[6]
CAN
[7]
FRA
[8]
GER
[9]
NL
[10]
NZ
[11]
SPN
[12]
SWZ
[13]
UK
[14]
Got to Be There
  • Release date: 24 Enero 1972
  • Label: Motown
14 121 37
  • World: 6,000,000
  • US: 500,000
Ben
  • Release date: 4 Agosto 1972
  • Label: Motown
5 65 12 162 17
  • World: 6,500,000
  • UK: 60,000
Music & Me
  • Release date: 13 Abril 1973
  • Label: Motown
92 27 108
  • World: 4,800,000
Forever, Michael
  • Release date: 16 Enero 1975
  • Label: Motown
101
  • World: 4,900,000
Off the Wall
  • Release date: 10 Agosto 1979
  • Label: Epic
3 1 4 27 25 8 2 11 27 3
Thriller
  • Release date: 30 Nobyembre 1982
  • Label: Epic
1 1 1 1 1 1 1 1 4 1
Bad
  • Release date: 31 Agosto 1987
  • Label: Epic
1 2 1 1 1 1 1 1 1 1
  • US: 9× Multi-Platinum[15]
  • AUS: 6× Platinum[40]
  • CAN: 7× Platinum[21]
  • FRA: Diamond[22]
  • GER: 4× Platinum[33]
  • NL: Platinum[23]
  • NZ: 9× Platinum[34]
  • SWZ: 5× Platinum[41]
  • UK: 13× Platinum[16]
Dangerous
  • Release date: 13 Nobyembre 1991
  • Label: Epic
1 1 3 1 1 1 1 1 1 1
  • US: 7× Multi-Platinum[15]
  • AUS: 10× Platinum[32]
  • CAN: 6× Platinum[21]
  • FRA: Diamond[22]
  • GER: 4× Platinum[33]
  • NL: 3× Multi-Platinum[23]
  • NZ: 6× Platinum[34]
  • SWZ: 5× Platinum[35]
  • UK: 6× Platinum[16]
HIStory: Past, Present and Future, Book I
  • Release date: 16 Hunyo 1995
  • Label: Epic
1 1 1 1 1 1 1 2 1 1
  • US: 7× Multi-Platinum[15]
  • AUS: 8× Platinum[20]
  • CAN: 5× Platinum[21]
  • FRA: Diamond[22]
  • GER: 3× Platinum[33]
  • NL: 3× Multi-Platinum[23]
  • NZ: 10× Platinum[24]
  • SWZ: 3× Platinum[35]
  • UK: 4× Platinum[16]
Invincible
  • Release date: 30 Oktubre 2001
  • Label: Epic
1 1 3 1 1 1 4 2 1 1
"—" denotes releases that did not chart

Title Album details Peak chart positions Sales Certifications
(sales threshold)
US
[5]
AUS
[6]
CAN
[7]
FRA
[8]
GER
[9]
NL
[10]
NZ
[11]
SPN
[12]
SWZ
[13]
UK
[14]
The Best of Michael Jackson
  • Type: Best of
  • Release date: 28 Agosto 1975
  • Label: Motown
156 76 16 3 11
  • World: 2,400,000
  • UK: 60,000
One Day in Your Life
  • Type: Best of
  • Release date: 25 Marso 1981
  • Label: Motown
144 29
  • World: 2,000,000
18 Greatest Hits
  • Type: Greatest hits
  • Release date: 1983
  • Label: Motown
53 23 22 1
  • UK: 300,000
9 Singles Pack
  • Type: Box set
  • Release date: 1983
  • Label: Epic
66
14 Greatest Hits
  • Type: Greatest hits
  • Release date: 1984
  • Label: Motown
168
Farewell My Summer Love
  • Type: Unreleased tracks
  • Release date: 8 Mayo 1984
  • Label: Motown
46 90 94 40 47 50 9
  • World: 3,000,000
  • UK: 300,000
Anthology
  • Type: Box set
  • Release date: 14 Nobyembre 1986
  • Label: Motown
17 89
  • World: 3,000,000
Their Very Best – Back to Back
(with Diana Ross/Gladys Knight/Stevie Wonder)
  • Type: Best of
  • Release date: 1986
  • Label: Motown
21
Love Songs
(with Diana Ross)
  • Type: Greatest hits
  • Release date: 1987
  • Label: Motown
86 12
  • UK: 1,300,000
Singles Souvenir Pack
  • Type: Box set
  • Release date: 1988
  • Label: Epic
91
Motown's Greatest Hits
  • Type: Greatest hits
  • Release date: 1992
  • Label: Motown
27 6 53
Tour Souvenir Pack
  • Type: Box set
  • Release date: 1992
  • Label: Epic
83 32
The Best of Michael Jackson & The Jackson 5ive
  • Type: Best of
  • Release date: 1997
  • Label: Motown
5
  • UK: 1,000,000
The Very Best of Michael Jackson with The Jackson Five
  • Type: Best of
  • Release date: 1999
  • Label: Motown
41 15
20th Century Masters – The Millennium Collection:
The Best of Michael Jackson
  • Type: Best of
  • Release date: 2000
  • Label: Motown
27
Greatest Hits: HIStory, Volume I
  • Type: Greatest hits
  • Release date: 13 Nobyembre 2001
  • Label: Epic
85 44 8 10 54 45 15
  • World: 4,000,000
  • US: 1,000,000
  • AUS: 35,000
  • UK: (245,000)[46]
Number Ones
  • Type: Greatest hits
  • Release date: 18 Nobyembre 2003
  • Label: Epic
13 2 1 5 2 17 1 17 9 1
  • World: 11,900,000
  • US: 4,000,000

(4,753,000)[52]

  • AUS: 350,000
  • GER: 100,000
  • NZ: 60,000
  • SWZ: 20,000
  • UK: 2,100,000
Off the Wall / Thriller
  • Type: Box set
  • Release date: 2004
  • Label: Epic
25 87 65
Bad / Dangerous
  • Type: Box set
  • Release date: 2004
  • Label: Epic
27 85 58 163
The Ultimate Collection
  • Type: Box set
  • Release date: 17 Nobyembre 2004
  • Label: Epic
170 29 29 37 46 29 33 75
  • World: 1,020,000
  • US: 250,000
The Essential Michael Jackson
  • Type: Greatest hits
  • Release date: 19 Hulyo 2005
  • Label: Epic
98 1 4 1 10 19 1 23 2 1
  • World: 8,900,000
  • US: 2,120,000[53]
  • AUS: 420,000
  • FRA: 200,000
  • NZ: 30,000
  • UK: 900,000

(829,884)[54]

  • US: 3× Multi-Platinum[15]
  • AUS: 6× Platinum[55]
  • FRA: 2× Gold[22]
  • NZ: 2× Platinum[34]
  • UK: 3× Platinum[16]
Blood on the Dance Floor: HIStory in the Mix / Invincible
  • Type: Box set
  • Release date: 2006
  • Label: Epic
125 112
Visionary: The Video Singles
  • Type: Box set
  • Release date: 20 Pebrero 2006
  • Label: Epic
27
  • World: 5,000,000
Les 50 plus belles chansons
  • Type: Best of
  • Release date: 2007
  • Label: Motown
14 4 36 4 12 7 19 4
  • AUS: 35,000
King of Pop
  • Type: Best of
  • Release date: 22 Agosto 2008
  • Label: Epic
5 1 1 1 6 1 1 3
  • World : 6,000,000
  • AUS: 140,000
  • FRA: 100,000
  • GER: 500,000
  • NZ: 7,500
  • UK: 300,000
Gold
  • Type: Best of
  • Release date: 26 Agosto 2008
  • Label: Motown
139 46 60
Dangerous / Dangerous – The Short Films
  • Type: Box set
  • Release date: 2008
  • Label: Epic
62
The Collection
  • Type: Box set
  • Release date: 29 Hunyo 2009
  • Label: Epic
2 1 2 2 1 4 14
  • FRA: 100,000
The Definitive Collection
  • Type: Best of
  • Release date: 25 Agosto 2009
  • Label: Motown
39
  • World: 1,200,000
La Légende de la Pop
  • Type: Box set
  • Release date: 2009
  • Label: Pias France
19
Michael
  • Type: Unreleased tracks
  • Release date: 10 Disyembre 2010
  • Label: Epic
3 10 2 4 1 1 10 2 2 4
  • World: 6,000,000
  • US: 1,000,000
  • AUS: 35,000
  • CAN: 80,000
  • FRA: 200,000
  • NL: 25,000

(30,000)[57]

  • NZ: 7,500
  • UK: 300,000
The Indispensable Collection
  • Type: Box set
  • Release date: 21 Hunyo 2013
  • Label: MJJ Productions
The Ultimate Fan Extras Collection
  • Type: Box set
  • Release date: 24 Hunyo 2013
  • Label: MJJ Productions
  • In the United States, between 25 Mayo 1991 and 25 Nobyembre 2009, the catalog albums (albums at least 18 months old, have fallen below No. 100 on the Billboard 200 chart and do not have an active single on Billboard's radio charts), weren't more eligible in the Billboard 200, but only for the Top Catalog Albums, so between 20 Nobyembre 2003 and 25 Nobyembre 2009, Billboard launched the Top Comprehensive Albums that included Current and Catalog albums.[59][60][61][62] Here, a list of his albums reached a major position in this chart while not eligible for the Billboard 200: Number Ones (#1), The Essential Michael Jackson (#2), Greatest Hits: HIStory, Volume 1 (#28), The Ultimate Collection (#32) and 7 CD Mega Bundle (#78). Here a list of his current albums (at the time) reached a minor position in this chart cause the presence of the catalog albums: The Definitive Collection (#43), The Stripped Mixes (#67), Selections from Michael Jackson's This Is It (#102) and Gold (#166).[63]
Year Film Role Director Ref
1978 The Wiz Scarecrow Lumet, SidneySidney Lumet [64]
1982 Michael Jackson's Thriller Himself/Werewolf/Zombie Landis, JohnJohn Landis [65]
1986 Captain EO Captain EO Coppola, Francis FordFrancis Ford Coppola [66]
1988 Moonwalker Himself Kramer, JerryJerry Kramer [67]
1997 Michael Jackson's Ghosts Maestro/Mayor/Ghoul/Skeleton Winston, StanStan Winston [68]
2002 Men in Black II Agent M (cameo) Sonnenfeld, BarryBarry Sonnenfeld [69]
2004 Miss Cast Away and the Island Girls Agent MJ (cameo) Stoller, Bryan MichaelBryan Michael Stoller [70]
2009 Michael Jackson's This Is It Himself Kenny Ortega [71]
2011 Michael Jackson: The Life of an Icon Himself Andrew Eastel
2012 Bad 25 Himself Spike Lee [72]
2014 Michael: The Last Photo Shoots Himself Craig Williams

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Biography for Michael Jackson". Internet Movie Database. Nakuha noong 15 Oktubre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Ryan, Joal (2009-06-25). "Michael Jackson, Pop's Thrilling King, Dead at 50". E! Online. Nakuha noong 2009-06-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Mankiewicz, Josh (3 Setyembre 2004). "New details about 1993 Jackson case". NBC News. Nakuha noong 13 Disyembre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Hazarika's funeral creates world record". MSN. 8 Hulyo 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-08-07. Nakuha noong 2014-01-29.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Peak chart positions for albums charting on the United States chart:
  6. 6.0 6.1 Peak chart positions for albums charting on the Australian chart:
  7. 7.0 7.1 Peak chart positions for albums charting on the Canadian chart:
  8. 8.0 8.1 Peak chart positions for albums charting on the French chart:
  9. 9.0 9.1 Peak chart positions for albums charting on the German chart:
  10. 10.0 10.1 "Michael Jackson - Dutch Albums Chart". dutchcharts.nl. Nakuha noong 13 Mayo 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 "Michael Jackson - New Zealand Albums Chart". charts.org.nz. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-24. Nakuha noong 6 Pebrero 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 Peak chart positions for albums charting on the Spanish chart:
  13. 13.0 13.1 "Michael Jackson - Swiss Albums Chart". IFPI Switzerland. Nakuha noong 27 Marso 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 14.0 14.1 Peak chart positions for albums charting on the United Kingdom chart:
  15. 15.00 15.01 15.02 15.03 15.04 15.05 15.06 15.07 15.08 15.09 15.10 15.11 "United States albums certifications". RIAA. Nakuha noong 12 Setyembre 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.00 16.01 16.02 16.03 16.04 16.05 16.06 16.07 16.08 16.09 16.10 16.11 16.12 16.13 16.14 16.15 16.16 16.17 "British certifications". BPI. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Enero 2010. Nakuha noong 26 Agosto 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Michael Jackson: Off the Wall - Classic albums - Music - Virgin media". Virgin Media. Nakuha noong 2008-12-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. King of Pop. Branden Books. Nakuha noong 2012-04-24.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Craig Halstead, Chris Cadman. Michael Jackson The Solo Years. Books.google.com.bd. Nakuha noong 2012-06-03.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. 20.0 20.1 20.2 20.3 20.4 20.5 "Australian albums accreditations (2009)". ARIA. Nakuha noong 22 Pebrero 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. 21.0 21.1 21.2 21.3 21.4 21.5 "Canadian certifications". Music Canada. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Marso 2012. Nakuha noong 10 Hulyo 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. 22.0 22.1 22.2 22.3 22.4 22.5 22.6 22.7 "French albums certifications". InfoDisc. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Hunyo 2010. Nakuha noong 14 Hunyo 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. 23.0 23.1 23.2 23.3 23.4 23.5 "Netherlands certifications (until 2006)". NVPI. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-11-25. Nakuha noong 13 Nobyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. 24.0 24.1 24.2 Scapolo, Dean (2007). The Complete New Zealand Music Charts, 1966-2006: Singles, Albums DVDs, Compilations. Maurienne House. ISBN 1-877443-00-X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Leopold, Todd (2012-06-25). "Michael Jackson, pop music legend, dead at 50". CNN. Nakuha noong 2012-12-03.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Gitlin, Martin (2011-03-01). The Baby Boomer Encyclopedia. ABC-CLIO. p. 196. ISBN 9780313382185. Nakuha noong 2012-03-15.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. 27.0 27.1 Dale, David (2013-01-13). "The music Australia loved". The Sydney Morning Herald. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-05-15. Nakuha noong 2013-01-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Springsteen Big in canada too. Billboard. Nakuha noong 2012-04-22.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. 29.0 29.1 29.2 29.3 "InfoDisc: Les Certifications — Les Disques de Diamant". InfoDisc.fr. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-10-16. Nakuha noong 2010-08-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. 30.0 30.1 "Een ster in het land van lilliputters". Trouw.nl. Nakuha noong 2012-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. 31.0 31.1 "Adele overtakes Michael Jackson in all-time biggest selling albums chart". The Official Charts Company. Nakuha noong 2012-02-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. 32.0 32.1 "Australian albums accreditations (2011)". ARIA. Nakuha noong 7 Setyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. 33.0 33.1 33.2 33.3 33.4 33.5 33.6 "German albums certifications". IFPI Germany. Nakuha noong 13 Nobyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. 34.0 34.1 34.2 34.3 34.4 34.5 34.6 "New Zealand albums certifications (2007-to date)". RadioScope. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-14. Nakuha noong 30 Hunyo 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. 35.0 35.1 35.2 35.3 35.4 "Swiss certifications (1988-to date)". IFPI Switzerland. Nakuha noong 30 Mayo 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. Roberts, Randall (2012-09-18). "Michael Jackson's 'Bad 25' box: Is it worth your time and money?". Los Angeles Times. Nakuha noong 2013-06-18.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. Kaufman, Gil (2010-11-05). "Michael Jackson's New Album Cover Decoded Painting is packed with iconic MJ images". MTV. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-11. Nakuha noong 2012-05-25.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. 38.0 38.1 38.2 "?NUMBER ONES?:????". SonyBMG Japan. 10 Oktubre 2003. Nakuha noong 19 Abril 2009. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. "Adele overtakes Dire Straits to become UK's sixth biggest selling album of all-time". The Official Charts Company. Nakuha noong 2012-03-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. "Bad six-time Platinum in Australia, page 80". Julien's Auctions. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-04-10. Nakuha noong 10 Abril 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "Bad five-time Platinum in Switzerland, page 74". Julien's Auctions. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-04-10. Nakuha noong 10 Abril 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. "Michael Jackson's Life as Prodigy, Superstar and Jacko". Time. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-08-26. Nakuha noong 2013-02-28.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. "Michael Jackson sales special". music week. Nakuha noong march 10,2012. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  44. 44.0 44.1 "Michael Jackson: list of his records". The Daily Telegraph. London: Telegraph Media Group. 2009-06-26. Nakuha noong 2010-03-25.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. 45.0 45.1 "Michael Jackson: The Numbers, An Exclusive Look Into The Lifetime Sales Of The King Of POP". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-07-18. Nakuha noong 2013-07-09.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. 46.0 46.1 Day, Elizabeth (16 Marso 2008). "The whole world in his hands". London: The Guardian. Nakuha noong 21 Abril 2008. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. "Nielsen SoundScan Top Catalog Album Chart: week ending Hulyo 5th, 2009". Billboard. Nakuha noong 9 Hulyo 2009. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. "Michael Jackson Dominates Charts For Third Week". MTV. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Hulyo 2009. Nakuha noong 15 Hulyo 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. 49.0 49.1 Jim, Slotek (2 Disyembre 2004). "Sales jumped over balcony incident". Jam! Showbiz. Nakuha noong 4 Hunyo 2009. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. "Key Releases". Music Week. 2009-09-05. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-11-25. Nakuha noong 2012-10-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. "Australian albums accreditations (2001)". ARIA. Nakuha noong 28 Enero 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. Grein, Paul. "Chart Watch Extra: Top Albums Of Last 10 Years". Nakuha noong 17 Marso 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. Paul Grein (7 Agosto 2013). "Week Ending 4 Agosto 2013. Albums: Robin Thicke, Call Katy Perry". Yahoo Chart Watch.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. "Key releases". Music Week. 2009-10-31. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-05-26. Nakuha noong 2012-10-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. 55.0 55.1 "Australian albums accreditations (2010)". ARIA. Nakuha noong 12 Setyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  56. "Certifications Albums Platine - année 2010". SNEP. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Disyembre 2010. Nakuha noong 1 Marso 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  57. 57.0 57.1 "Goud voor Michael Jackson". Parool.nl. Nakuha noong 19 Disyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  58. "Certifications Albums Double Platine - année 2010". SNEP. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-12-24. Nakuha noong 1 Marso 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  59. Grein, Paul. "Week Ending 28 Hunyo 2009: He's Still Setting Records". Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Hulyo 2009. Nakuha noong 1 Setyembre 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  60. New Charts To Track Exclusives. Billboard Magazine. Nakuha noong 25 Nobyembre 2009.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  61. "John Mayer Snares No. 1 On Busy Billboard 200". Billboard. Nakuha noong 25 Nobyembre 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  62. Grein, Paul. "Week Ending 22 Nobyembre 2009: Mayer Zooms As Boyle Looms". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-11-29. Nakuha noong 25 Nobyembre 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  63. Peak chart positions for some albums charting on the Billboard Comprehensive Albums chart:
  64. Jones, pp. 229, 259
  65. 610 Taraborrelli, p. 610
  66. Taraborrelli, pp. 355–356
  67. Taraborrelli, pp. 413–414
  68. Taraborrelli, p. 610
  69. Scott, A. O (3 Hulyo 2002). "Defending Earth, With Worms and a Talking Pug". The New York Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-06-30. Nakuha noong 7 Pebrero 2009. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  70. Chaney, Jen (19 Hulyo 2005). "'Miss Cast Away': You Know It's Bad". The Washington Post. Nakuha noong 7 Pebrero 2009. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  71. Le, Danny (11 Agosto 2009). "'Michael Jackson's "This Is It," to be Presented In Theaters Around The World". MichaelJackson.com. Nakuha noong 11 Agosto 2009. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  72. By Karen Bliss (2012-09-17). "Spike Lee Revisits Michael Jackson's Career for 'BAD 25' Documentary | Music News". Rolling Stone. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-10-25. Nakuha noong 2012-11-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)