Will.i.am
will.i.am | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | William James Adams[note 1] |
Kilala rin bilang | will.i.am, Zuper Blahq, Will 1X |
Kapanganakan | Los Angeles, California, United States[1] | 15 Marso 1975 ,
Genre | West Coast hip hop, R&B, electro, hip house, techno, electronic dance |
Trabaho | Singer–songwriter, composer, record producer, voice actor, entrepreneur, educator, businessman, dancer, DJ, rapper, philanthropist |
Instrumento | Vocals, keyboards, bass, clavinet, Fender Rhodes, drums, piano, moog bass |
Taong aktibo | 1992–present |
Label | Ruthless, Warner Sunset, Atlantic, Interscope, Columbia, will.i.am Music Group |
Website | will.i.am |
Si William Adams (15 Marso 1975), mas kilala bilang will.i.am (binibigkas na "Will I am") ay isang Amerikanong recording artist, manunulat ng kanta, negosyante, aktor na pamboses, DJ, record producer, pilantropo na kilala bilang isa sa mga tagapagtatag ng bandang hip hop/pop na The Black Eyed Peas. Siya ay nakatanggap ng pitong Grammy Award, walong American Music Award, isang Billboard Music Award, isang Teen Choice Award, dalawang MTV Video Music Awards, at tatlong World Music Award na lahat napanalunan niya kasama ng Black Eyed Peas.
Si will.i.am ay naglabas ng apat na solo album. Ang una Lost Change ay inilabas noong 2001 ng Atlantic Records. Ang ikalawa niyang solo album Must B 21 ay inilabas noong 23 Setyembre 2003. Ang ikatlong solo album, Songs About Girls, ay inilabas noong 25 Setyembre 2007. Inilabas niya ang kanyang ikaapat na studio album #willpower noong 2013.
Siya ay nagproduce ng mga kanta para sa mga artist gaya nina Michael Jackson, Justin Bieber, Eazy-E, Britney Spears, Miley Cyrus, David Guetta, U2, Rihanna, Usher, Justin Timberlake, Earth, Wind & Fire, Nicki Minaj, Cheryl Cole, 2NE1, SMAP, The Game, Nas, Bone Thugs-n-Harmony, Daddy Yankee, Wolfgang Gartner, at Juanes. Siya ay isang coach sa The Voice UK.[2]
sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Maling banggit (Hindi tamang
<ref>
tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalangoprah1
); $2 - ↑ "The Voice line-up revealed". The List. 2011-11-28. Nakuha noong 2012-03-30.
Maling banggit (May <ref>
tag na ang grupong "note", pero walang nakitang <references group="note"/>
tag para rito); $2