Pumunta sa nilalaman

Black Eyed Peas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa The Black Eyed Peas)
The Black Eyed Peas
Ang Black Eyed Peas mula kaliwa hanggang kanan: will.i.am, Fergie, Taboo at apl.de.ap
Ang Black Eyed Peas mula kaliwa hanggang kanan: will.i.am, Fergie, Taboo at apl.de.ap
Kabatiran
PinagmulanLos Angeles, California
GenreHip-hop, electro-hop, pop, sayaw, R&B
Taong aktibo1995–kasalukuyan
LabelInterscope, A&M
Miyembrowill.i.am
apl.de.ap
Taboo
Fergie
Dating miyembroKim Hill
Websitewww.blackeyedpeas.com

Ang Black Eyed Peas ay isang bandang hip hop na bumuo sa Los Angeles noong 1995. Ang grupo ay binubuo ng mang-aawit at mang-iinstrumento na si will.i.am at ang mga mang-aawit na sina apl.de.ap, Taboo, at Fergie. Ang album na Elephunk na nailabas noong 2003, ang istilong ala-hip hop/sayaw ng gruop ay nakabenta ng halos 28 milyong mga album sa buong mundo at 31 milyong mga single. Naipuntos nila ang unang awitin na patok sa buong mundo na "Where Is the Love?" noong 2003, na nanguna sa mahigit na sa sampung mga chart sa buong mundo. Ang isapang single ay patok sa Europa na "Shut Up".

Ang kasunod na album na Monkey Business ay naging patok din sa buong mundo, patunayan na 3x Platinum sa Estados Unidos, na ang awitin na "My Humps" at "Don't Phunk With My Heart" ay matagumpay din. Noong 2009, ang grupong ito ay isa sa labing-isang mga artista na naging pang-1 at pang-2 posisyon sa Billboard Hot 100 na sabay-sabay sa awitin na "Boom Boom Pow" at "I Gotta Feeling", mula sa album na The E.N.D., at ang mga single nito ay nanguna din sa chart sa 26 na sunud-sunod na linggo sa taong 2009.