Michael Todaro
Michael Todaro | |
---|---|
Kapanganakan | 14 Mayo 1942
|
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika |
Nagtapos | Yale University |
Trabaho | ekonomista |
Si Michael P. Todaro (ipinanganak 14 Mayo 1942) ay isang ekonomista mula sa Estados Unidos at isang tagapanimula at inobador sa larangan ng ekonomiyang pangkaunlaran. Naging isa siyang Propesor ng Ekonomiks sa New York University sa loob ng labinwalong mga tao at isang Senior Associate sa Konseho ng Populasyon sa loob ng tatlumpung mga taon. Namuhay at nagturo siya sa Aprika sa loob ng anim na mga tao. Lumitaw siya sa Who's Who in Economics at sa Economists of the Twentieth Century. May-akda siya ng walong mga aklat at ng mahigit sa limampung mga artikulong propesyunal. Sa isang natatanging edisyong sentenaryo noong Pebrero 2011, pinili ng American Economic Review ang artikulo ni Todaro na "Migration, Unemployment and Development: A 2-Sector Analysis" (na kasama si John Harris) bilang isa sa dalawampung pinaka mahahalagang mga artikulong nailathala ng babasahing iyon noong panahon ng unang isang daang tao ng pag-iral nito.[1] Isa siyang kasamang may-akda ng malawakang ginagamit na tekstong-aklat na pinamagatang Economic Development, ika-11 edisyon, na nailathala noong 2011.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "American Economic Review Citation as one of top 20 articles in last century".
- ↑ "Textbook, Ika-11 Edisyon". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-06-23. Nakuha noong 2012-09-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Ekonomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.