Milkshake
Ibang tawag | Thick shake, frappe, cabinet |
---|---|
Uri | Inumin |
Lugar | Estados Unidos |
Pangunahing Sangkap | Gatas, sorbetes, at mga pampalasa o pampatamis |
|
Ang milkshake (o minsan shake lang) ay isang matamis na inumin na gawa sa paghahalo ng gatas, sorbetes, at mga pampalasa o pampatamis gaya ng butterscotch, sarsang karamelo, sirup de-tsokolate, sirup de-prutas, o mga buong prutas, nuwes, o binhi sa isang timplang makapal, matamis at malamig. Maaari ring gumamit ng base na gawa sa mga produktong di-lakteo, kabilang ang mga gatas ng halaman gaya ng gatas de-almendras, gata, o gatas de-utaw.
Nagmula ang milkshake sa Estados Unidos noong pagliko ng ika-20 siglo, at sumikat ito noong nagkaroon ng mga blender de-kuryente sa sumunod na dalawang dekada. Naging karaniwang bahagi ito ng kulturang popular ng mga kabataan, dahil katanggap-tanggap na mitingan para sa kanila ang mga sorbeterya, at naging simbolo ang mga milkshake ng inosensiya ng kabataan.
Terminolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nag-iiba ang ginagamit na terminolohiya para sa milkshake na gumagamit ng sorbetes at iba pang uri ng pinalasang gatas. Maaaring tawaging thick shake ang mga milkshake na gawa sa sorbetes upang mapaiba ito sa mga ibang uri. Sa mga bahagi ng Bagong Inglatera at silangang Kanada, ginagamit nila ang salitang frappe ( /fræp/ FRAP).[1][2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ milk shake. The American Heritage Dictionary of the English Language: Fourth Edition. 2000
- ↑ "The Difference between a Milkshake and a Frappe – Yankee Magazine" [Ang Pagkakaiba ng Milkshake at Frappe] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong Hunyo 11, 2016. Nakuha noong Hunyo 2, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)