Miloš Zeman
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (walang petsa)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Si Miloš Zeman (bigkas sa wikang Tseko: [ˈmɪloʃ ˈzɛman] ( pakinggan); ipinanganak noong 28 Setyembre 1944) ay isang Tsekong politiko na nahalal bilang Pangulo ng Republikang Tseko noong 2013 sa kauna-unahang halalan kung saan inihalal ng sambayanang Tseko ang pangulo ng bansa. Dati siyang naglingkod bilang Punong Ministro ng Republikang Tseko magmula 1998 hanggang 2002. Naging pangulo rin siya ng Partidong Demokratikong Sosyal ng Tseko at nagsilbi bilang Tserman ng Kapulungan ng mga Diputado, ng mababang kapulungan ng parlamentong Tseko, magmula 1996 hanggang 1998. Dati siyang madalas na katunggali ni Václav Klaus. Si Zeman ang nagpabago sa mahinang Partidong Demokratikong Sosyal ng Tseko upang maging isa sa pangunahing mga partido sa bansa, sa piling ng Partidong Demokratikong Sibiko.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Politika, Czechoslovakia at Talambuhay ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.