Milon

Ang milon o melon (Ingles: melon) ay ang katawagan para sa sari-saring mga kasapi ng pamilyang Cucurbitaceae na may matamis at malamang mga bunga o prutas.[1] Sa botanika, ang milon ay isang uri ng ratiles, partikular na isang "pepo". Nanggaling ang salitang melon mula sa salitang Latin na melopepo,[2][3] na siyang latinisasyon ng salitang Griyego na μηλοπέπων (mēlopepōn), na nangangahulugang "milon", na siyang isang salitang pinagsama ng mga salitang μῆλον (mēlon) o "mansanas" o bunga ng puno, at πέπων (pepōn) o "isang uri ng gurd o milon."[4][5]
Maraming mga kultibar ng milon ang ginawa tulad ng milong lunti at milong Kastila.[6] Tumutubo ang halamang ito bilang isang halamang gumagapang o baging. Bagaman isang prutas ang milon, may ilang mga uri nitong maituturing bilang gulay sa larangan ng pagluluto o "kulinaryong gulay".
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga milon ay inakalang nagmula sa Aprika.[7] Gayunpaman, iminumungkahi ng mga kamakailang pag-aaral na nagmula ito sa Timog-Kanlurang Asya, lalo na sa kasalukuyang Iran at Indiya;[8][9] mula roon, unti-unti silang nagsimulang lumitaw sa Europa sa pagtatapos ng Kanlurang Imperyong Romano. Ang mga milon ay kilala na pinalaki ng mga sinaunang Ehipsiyo. Gayunpaman, pinakita ng mga kamakailang pagtuklas ng mga buto ng milon na napetsahan sa pagitan ng 1350 at 1120 BCE sa mga sagradong balon ng Nuragic na ang mga milon ay unang dinala sa Europa ng sibilisasyong Nuragic ng Cerdeña noong Panahon ng Tanso.[10]
Ang mga milon ay kabilang sa mga pinakaunang halaman na pinaamo sa Lumang Mundo at kabilang sa mga unang uri ng pananim na dinala ng mga kanluranin sa Bagong Mundo.[11] Naitalang nagpapalaki ng milong lunti at milong casaba ang mga naunang dayuhang Europeo sa Bagong Mundo noong 1600s.[9] Pinapanatili ng ilan sa mga tribo ng Katutubong Amerikano sa New Mexico, kabilang ang Acoma, Cochiti, Isleta, Navajo, Santo Domingo at San Felipe, ang kaugalian ng pagpapalaki ng kanilang sariling mga katangian ng mga kultibar ng milon, na nagmula sa mga milon na unang ipinakilala ng mga Kastila. Ang mga katipunan tulad ng Native Seeds/SEARCH ay nagsusumikap na tipunin at mapanatili ang mga ito at ang iba pang mga binhing pang-mana.[12]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
- ↑ Harper, Douglas. "melon". Online Etymology Dictionary (sa wikang Ingles).
- ↑ melopepo. Charlton T. Lewis and Charles Short. A Latin Dictionary on Perseus Project.
- ↑ μηλοπέπων. Liddell, Henry George; Scott, Robert; A Greek–English Lexicon sa Perseus Project.
- ↑ πέπων in Liddell and Scott.
- ↑ Gaboy, Luciano L. Cantaloupe - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ The new Oxford book of food plants. Oxford University Press. 2009. p. 134. ISBN 978-0-19-954946-7.
- ↑ Raghami, Mahmoud; López-Sesé, Ana Isabel; Hasandokht, Mohamad Reza; Zamani, Zabihollah; Moghadam, Mahmoud Reza Fattahi; Kashi, Abdolkarim (2014-01-01). "Genetic diversity among melon accessions from Iran and their relationships with melon germplasm of diverse origins using microsatellite markers". Plant Systematics and Evolution (sa wikang Ingles). 300 (1): 139–151. Bibcode:2014PSyEv.300..139R. doi:10.1007/s00606-013-0866-y. ISSN 1615-6110.
Melons or muskmelon are native to Iran and adjacent countries toward the west and east. In fact, 'Musk' is a Persian word for a kind of perfume and 'melon' is derived from Greek words (Robinson and Decker-Walters 1997). The origin of diversity for melon was traditionally believed to be in Africa (Robinson and Decker-Walters 1997), although recent molecular systematic studies, suggested that it may be originated from Asia and then reached to Africa (Renner et al. 2007). Central Asia, Iran, Afghanistan, India, Transcaucasia, Turkmenistan, Tajikistan, and Uzbekistan, as well as Afghanistan and China (Robinson and Decker-Walters 1997) are considered primary diversity centre for melon (Tzitzikas et al. 2009).Two formal infraspecific taxa within C. melo were recognized by Kirkbri
- ↑ 9.0 9.1 "Growing Melons". University of Nebraska-Lincoln (sa wikang Ingles). 3 Abril 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Abril 2012. Nakuha noong 22 Mayo 2025.
Melons are believed to have originated in the hot valleys of southwest Asia—specifically Iran (Persia) and India.
- ↑ D., Sabato; A., Masi; C., Pepe; M., Ucchesu; L., Peña-Chocarro; A., Usai; G., Giachi; C., Capretti; G., Bacchetta (16 Mayo 2017). "Archaeobotanical analysis of a Bronze Age well from Sardinia: A wealth of knowledge". Plant Biosystems. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Marso 2016. Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ Dhillon, Narinder P.S.; Monforte, Antonio J.; Pitrat, Michel; Pandey, Sudhakar; Singh, Praveen Kumar; Reitsma, Kathleen R.; Garcia-Mas, Jordi; Sharma, Abhishek; McCreight, James D. (2012). Jules Janick (pat.). "Melon Landraces of India: Contributions and Importance". Plant Breeding Review (sa wikang Ingles). 35. John Wiley & Sons: 88. ISBN 978-1118100486. Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ Miller, Denise (24 Setyembre 2008). "San Felipe Pueblo melon farmer favors the old ways". Albuquerque Journal (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Nobyembre 2013. Nakuha noong 22 Mayo 2025.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Prutas at Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.