Pumunta sa nilalaman

Minami Takahashi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Minami Takahashi
高橋 みなみ
Kabatiran
Kilala rin bilangTakamina (たかみな)
Kapanganakan (1991-04-08) 8 Abril 1991 (edad 33)
PinagmulanTokyo, Japan
GenreJ-pop
TrabahoSinger, Actress
Taong aktiboDecember 8, 2005 - present
LabelKing Records

Si Minami Takahashi (高橋 みなみ, Takahashi Minami, born April 8, 1991 in Tokyo), ay isa sa mga kauna-unahang miyembro ng grupong AKB48. Siya ang kasalukayang kapitan ng Team A pati na rin ng buong grupo ng AKB48, dahilan ng pagkakalarawan sa kanya ni Yasushi Akimoto; general producer ng AKB48, bilang "eldest daughter of 48 sisters (48人姉妹の長女)" sa isang panayam kila Akimoto at Takahashi noong Hunyo 2010.[1] Isa rin siya sa mga miyembro na laging nabibilang sa Senbatsu para sa mga single ng AKB48. Isa rin siyang miyembro ng no3b, isang sub-unit ng AKB48, kasama sina Haruna Kojima at Minami Minegishi.

Simula ng Propesyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Agosto 2005, nakasama si Takahashi sa huling 15 na kandidato para sa "The 30th HoriPro Talent Contest"; subalit nabigo siyang makuha ang Grand-Prix prize. Noong Oktubre ng parehas na taon, siya ay napili bilang isa sa unang 24 na miyembro ng AKB48, mula sa 7,924 aplikanteng nag-audition. Dalawang bagay ang nakatulong sa kanya upang makapasa sa nasabing audition; ang kanyang kaarawan (Abril 8) at ang kanyang taas (148 cm) ay parehong nagtataglay ng numerong "48", ito ay ayon kay Tomonobu Togasaki, tagapamahala ng teatro ng AKB48. Nagsimula siyang magtanghal sa teatro noong Disyembre 8, 2005.

Bilang Miyembro ng AKB48

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Taong 2008, lumabas siya sa isang drama ng TV Tokyo na may pamagat na Men Dol. Gumanap siya bilang si Nami/Kai, kabilang ang iba pang miyembro ng AKB48 na sina Haruna Kojima at Minami Minegishi.

Noong Agosto 23, 2009, opisyal na naging kapitan ng Team A si Takahashi.

Si Takahashi ay natatampok sa halos lahat ng single ng AKB48 bilang isa sa mga pangunahing mang-aawit; siya rin ang malimit na kumakatawan sa grupo sa mga programa sa telebisyon, mga konsiyerto, mga press conference at iba pa.[2] Ang 3-day live na konsiyerto na gaganapin sa Marso 25–27 taong 2011 sa Yokohama Arena ay pinalitan ang pamagat sa "Takamina ni tsuite ikimasu" (たかみなについて行きます, lit. "We will follow Takamina"), subalit ito'y naudlot dahilan ng katatapos lamang na lindol at sunami sa Tohoku ng nasabing taon.[3]

Halalan ng Senbatsu ng AKB48

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Ika-limang puwesto sa Unang halalan ng Senbatsu, taong 2009
  • Ika-anim na puwesto sa Ikalawang halalan ng Senbatsu, taong 2010
  • Ika-pitong puwesto sa Ikatlong halalan ng Senbatsu, taong 2011
Senbatsu
Team A 1st Stage
  1. Skirt, Hirari (1st + 2nd Units)
  2. Hoshi no Ondo (2nd Unit)
Team A 2nd Stage
  1. Nageki no Figure
  2. Glass no I love you
  3. Senaka Kara Dakishimete
  4. Rio no Kakumei
Team A 3rd Stage
  1. Bird
  2. Seifuku ga Jama o Suru
Team A 4th Stage
  1. Jun-ai no Crescendo
Himawari-gumi 1st Stage
  1. Higurashi no Koi
Himawari-gumi 2nd Stage
  1. Bye Bye Bye
Team A 5th Stage
  1. Renai Kinshi Jorei
  2. Manatsu no Christmas Rose
Team A 6th Stage
  1. Itoshisa no Accel
  • 3seconds Persona
  • Relax!
  • Chrismat Present Persona
  • Tane
  • Kiss no Ryuusei
  • Lie
  • Kimi Shika
  • Kuchibiru Furezu
Taon Pamagat Gumanap Bilang
2007 Densen Uta (伝染歌) Ai-chan (愛ちゃん)
2011 Documentary of AKB48: To Be Continued Sarili
Taon Pamagat Gumanap Bilang
2008 Saito-san (斉藤さん) Kei Niimi
2008 Men Dol: Ikemen Idol Nami/Kai
2010 Majisuka Gakuen (マジすか学園) Minami
2010 Honto ni atta Kowai Hanashi (ほんとにあった怖い話 夏の特別編2010 AKB48まるごと浄霊スペシャル2) Sarili
2010 Sakura Kara no Tegami (桜からの手紙 〜AKB48 それぞれの卒業物語〜) Minami Takahashi
Taon Pamagat Gumanap Bilang
2008 AKB 1ji 59fun! (AKB1じ59ふん!) Sarili
2008 AKB 0ji 59fun! (AKB0じ59ふん!) Sarili
2008–2011 AKBingo! Sarili
2008–2010 AKB48 Nemousu TV (AKB48ネ申テレビ) Sarili
2009 Omoikkiri Don! 1155 (おもいッきりDON! 1155) Sarili
2009–2010 Omoikkiri Pon! (おもいッきりPON!) Sarili
2009–2011 Shūkan AKB48 (週刊AKB) Sarili
2010–2011 PON! Sarili(bilang No3b)
2010 AKB600sec. Sarili
2010- Mujack! Sarili(MC)
2010- AKB to ××! (AKBと××!) Sarili
2011 Documentary of AKB48 Sarili (bilang tagapagsalaysay)
2011 Shin Dōmoto Kyōdai (新堂本兄弟) Sarili

Mga Photobook

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Takamina (たかみな) (Setyembre 22, 2010)
  1. "AKB5400sec" by Nihon TV, July 2010
  2. "Ariyoshi AKB Kyōwakoku", broadcast 2010-10-21 by TBS Television
  3. Ticket refund information of AKB48 Concert "Takamina ni tsuite ikimasu" (AKB48 コンサート「たかみなについて行きます」チケット払い戻しのご案内) AKB48 Official blog 2011-03-18 (sa Hapones)
[baguhin | baguhin ang wikitext]