Miss Granny (pelikulang Koreano noong 2014)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Miss Granny (Hangul: 수상한 그녀; RR: Susanghan Geunyeo; Ingles: "Suspicious Girl") ay isang pelikulang komedya-drama na idinirekta ni Hwang Dong-hyuk noong 2014. Bumibida si Na Moon Hee bilang isang 70-anyos na lola na bumalik sa kaniyang 20-anyos na katawan (Shim Eun Kyung) pagkatapos magpakuha ng kaniyang litrato sa isang misteryosong estudyong panlitrato (photo studio). Ito ang pelikulang kung saan binase ang pelikulang Pilipino na may magkaparehong pamagat.