Pumunta sa nilalaman

Mito ng pinagmulan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mitolohiya ng pagkakatatag)

Ang isang mito ng pinagmulan ay isang mitong naglalayon na ilarawan ang pinagmulan ng ilang tampok ng mundong natural o sosyal. Ang isang uri ng mito ng pinagmulan ay ang mitolohiyang kosmogoniko, na naglalarawan sa paglikha ng mundo. Gayunpaman, maraming kultura ang may mga kwentong itinakda matapos ang alamat na kosmogoniko, na naglalarawan sa pinagmulan ng mga likas na pangyayari at mga institusyon ng tao sa loob ng isang nauna nang uniberso.

Sa Grekoromanong kaisipan, ang mga katagang etiolohikal na mito at aition (mula sa Sinaunang Greek αἴτιον, "sanhi") ay ginagamit minsan para sa isang mitong nagpapaliwanag ng isang pinagmulan, lalo na kung paano umiral ang isang bagay o kagawian.