Modelong Heckscher-Ohlin
Itsura
Ang modelong Heckscher–Ohlin (modelong H–O) ay isang pangkahalatang ekwilibriyo na pangmatematikang modelo ng internasyunal na kalakalan, na ginawa nina Eli Heckscher at Bertil Ohlin sa Paaralan ng Ekonomika sa Stockholm. Binubuo ito mula sa teoriya ni David Ricardo na kompartibong pakinabang sa pamamagitan ng prediksyon ng mga huwaran sa komersyo at produksyon batay sa kadahilanang pagkakaloob ng isang rehiyong nakikipagkalakalan. Pangunahing sinasabi ng modelo na ang mga bansa nagluluwas ng produkto na ginagamit ang kanilang sagana at murang kadahilanan ng produksyon, at nag-aangkat ng mga produkto na ginagamit ang kakulangang kadahilanan ng bansa.[1]
Mga pagpapalagay
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Para sa kapayakan: nangangailangan ng 2 x 2 x 2 modelo kung saan may 2 kalakal ( & ), may 2 bansa (bansang lokal at bansang banyaga), at 2 salik (K – kapital, L – trabaho/paggawa)
- Mayroong perpektong kompetisyon sa mga bansa
- Ang mga salik ay hindi maaaring ilipat sa ibang bansa ngunit maaaring ilipat sa ibang industriya sa loob ng isang bansa
- Ang panustos ng mga salik ay nakapirmi
- Pareho ang mga kagustuhan ng 2 bansa (pareho ang indiperensyang kurba) – halimbawa ay punsyon ng Cobb-Douglas
- Pareho ang teknolohiyang panggawa ng isang tiyak na kalakal sa 2 bansa (pareho ang isokuwantang mapa)
- Magkamukha ang punsyon ng produksiyon ng 2 bansa
- Ang mga punsyon ng produksiyon ay dapat nagpapakita ng hindi nagbabagong tubo sa iskala
- May mga kaibahan sa mga kaloob na salik ng mga bansa
- Walang pagpapatumbalik sa kasidhian ng paggamit sa mga salik – halimbawa kung ang ay masidhi sa paggamit ng salik na trabaho, at ang y ay masidhi sa paggamit ng salik na kapital, ito ay nagaganap saanmang bansa, anuman ang panumbasan ng pasahod at upa (wage-rental ratio)
Karagadangan Impormasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ang panumbasan ng pasahod at upa ay ibinibigay ng:
- Pisikal na depinisyon ng kasaganaan sa salik:
- Depinisyon ng kasaganaan sa salik ayon sa presyo:
- ; kung saan ang ay pasahod at ang ay upa
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Krugman, Paul at Obstfeld, Maurice. International Economics Theory & Policy, 2009, nakuha noong: 19 Marso 2011
- ↑ Blaug, Mark (1992). The methodology of economics, or, How economists explain (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. p. 190. ISBN 978-0-521-43678-6.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)