Molave
Molave | |
---|---|
Katayuan ng pagpapanatili | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Klado: | Asterids |
Orden: | Lamiales |
Pamilya: | Lamiaceae |
Sari: | Vitex |
Espesye: | V. parviflora
|
Pangalang binomial | |
Vitex parviflora |
Ang molave, mulawin, o malaruhat ay isang uri ng puno sa pamilyang Verbenaceae, at ng kahoy na nakukuha sa punong ito. Ang ngalang-agham nito ay Vitex parviflora, ngunit itinuturing na rin na "molave" ang kahoy mula sa punong Vitex cofassus. Mula ang pangalang "molave" sa wikang Kastila na hinango mula sa katutubong salitang Tagalog na "mulawin." Sa mga wikang Bisaya, tinatawag itong "tugas."[2]
Matatagpuan ang espesye ng puno na ito sa Timog-silangang Asya, partikular sa Indonesia, Malaysia, at Pilipinas. Pinapahalagaan ito sa Pilipinas dahil sa makapal at matibay na kahoy nito, at minsa'y ginagamit upang makagawa ng mga muwebles, bangka, at kubyertos, at bilang materyal sa konstruksyon. Madalas hiramin ang pangalan ng punong ito bilang pangalan ng mga lugar, tulad ng Molave, Zamboanga del Sur at Ilog Mulawin ng Los Baños, Laguna, ng mga institusyon at organisasyon, at bilang apelyido o palayaw ng tao.
Bago ang 2019, naitala sa mga pagtatasa ng IUCN ang espesye na ito bilng kritikal na nanganganib, nababantaan, at maaring mawala.[3][4] Ayon noong 2017, inuri ito ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman ng Pilipinas bilang nanganganib dahil sa labis na pag-aani at pagkawasak ng tirahan ng mga ito.[5][6] Bagaman noong 2019, muling tinasa ang espesye ng IUCN bilang maliit na pag-alala.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 de Kok, R. (2020). "Vitex parviflora". IUCN Red List of Threatened Species (sa wikang Ingles). 2020: e.T33339A67741355. doi:10.2305/IUCN.UK.2020-1.RLTS.T33339A67741355.en. Nakuha noong Nobyembre 15, 2021.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bareja, Ben G. "Two Strains of Molave Tree Distinguished". Cropsreview.com. Nakuha noong 14 Agosto 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Threatened plants of the Philippines: a preliminary assessment" (PDF). National Red List (sa wikang Ingles). p. 28. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2022-01-20. Nakuha noong 2022-09-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Berame, Julie; Bulay, Minie L.; Mercado, Rissa M. (2021-06-05). "Sustaining angiosperms' diversity of Bood Promontory and Eco-Park, Butuan City, Philippines: Step towards a community based-protection management program". Biodiversitas Journal of Biological Diversity (sa wikang Ingles). 22 (6). doi:10.13057/biodiv/d220662. ISSN 2085-4722.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Molave". The Return of the Philippine Native Trees (sa wikang Ingles). Rain Forest Restoration Initiative. Nakuha noong 14 Agosto 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bareja, Ben G. "The Molave Trees are Amazing, What With Their Plenty of Conventional Uses and New Ones That Evolved". Cropsreview.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 14 Agosto 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)