Pumunta sa nilalaman

Bigat ng molar

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Molecular weight)
Bigat molar
Mga kadalasang simbulo
M
Yunit SIkg/mol
Ibang yunit
g/mol
DimensiyonM N−1

Sa kimika, ang bigat ng molar M ay isang pisikal na katangian. Ito ay ang bigat ng isang binigay na sabstans (elementong kemikal o kompuwestong kemikal) na hinahati sa taglay na sabstans.[1] Ang batayang yunit SI para sa bigat ng molar ay kg/mol. Subalit, kadalasang ginagamit ang g/mol bilang ekspresyon ng bigat ng molar.

Halimbawa, ang bigat ng molar ng tubig ay: M(H2O) ≈ 18 g/mol.

Bigat ng molar ng mga elemento

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang bigat ng molar ng isang atomo ng isang elemento ay naibibigay ng batayang relatibong masang atomiko ng isang elemento[2] na pinaparami (multiplied) ng konstant na bigat ng molar, Mu = 1 × 10−3 kg/mol = 1 g/mol:

M(H) = 1.007 97(7) × 1 g/mol = 1.007 97(7) g/mol
M(S) = 32.065(5) × 1 g/mol = 32.065(5) g/mol
M(Cl) = 35.453(2) × 1 g/mol = 35.453(2) g/mol
M(Fe) = 55.845(2) × 1 g/mol = 55.845(2) g/mol.

Nasisiguro na kapag pinarami (multiplied by) gamit ang konstant na bigat ng molar na ang kalkulasyon ay tama sa aspektong dimensyonal: ang batayang relatibong masang atomiko ay walang dimensyonal na kantidad (i.e., purong numero) habang ang bigat ng molar ay mayroong yunit (sa kasong ito, grams/mole).

Ang ilang elemento ay makikita bilang molekula, e.g. Hydrogen/Hidroheno (H2), Sulfur/Asupre (S8), Chlorine/Kloro (Cl2). Ang bigat ng molar ng mga molekula ng mga elementong ito ay ang bigat ng molar ng kanilang atomo na pinaparami (multiplied by) ng bilang ng atomo sa bawat molekula:

M(H2) = 2 × 1.007 97(7) × 1 g/mol = 2.015 88(14) g/mol
M(S8) = 8 × 32.065(5) × 1 g/mol = 256.52(4) g/mol
M(Cl2) = 2 × 35.453(2) × 1 g/mol = 70.906(4) g/mol.
  1. International Union of Pure and Applied Chemistry (1993). Quantities, Units and Symbols in Physical Chemistry, 2nd edition, Oxford: Blackwell Science. ISBN 0-632-03583-8. p. 41. Electronic version.
  2. Wieser, M. E. (2006), "Atomic Weights of the Elements 2005" (PDF), Pure and Applied Chemistry, 78 (11): 2051–66, doi:10.1351/pac200678112051{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]