Pumunta sa nilalaman

Balaklaot

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Monsoon)
Mga parating na ulap at ulan ng balaklaot sa Aralvaimozhy, malapit sa Nagercoil, Indiya

Ang isang balaklaot (Ingles: monsoon, bigkas: /mɒnˈsn/) ay tradisyunal na isang kapanahunan na bumabaligtad na hangin na sinasamahan ng katumbas na mga pagbabago sa presipitasyon[1] subalit ginagamit ngayon upang isalarawan ang pagbabago sa kapanahunan sa sirkulasyong atmosperiko at kinakabit sa taunang pang-latitud na osilasyon ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ, lit. na 'Intertropikal na Sonang Nagtatagpo') sa pagitan ng hangganan nito sa hilaga at timog ng ekwador. Kadalasan, ginagamit ang katawagang balaklaot upang tukuyin ang yugtong maulan ng huwarang nagbabago sa pana-panahon, bagaman mayroon din na yugtong tuyo sa teknikal na aspeto. Ginagamit din ang katawagan upang isalarawan ang lokal na mabigat subalit mailkling panahong tag-ulan.[2][3]

Ang mga pangunahing sistemang balaklaot sa mundo ay binubuo ng mga balaklaot sa Kanlurang Aprika, Asya-Australya, Hilagang Amerika, at Timog Amerika. Sa Pilipinas, tinatawag ang timog-kanlurang balaklaot bilang Habagat at tinatawag Amihan ang hilagang-silangang balaklaot.[4] Tinatawag naman na "siyam-siyam" ang maraming araw na tuloy-tuloy na pag-uulan na na dulot ng Habagat at tanda ito ng simula ng kapanahunan ng tag-ulan.[5][6] Magkasingkahulugan minsan ang Habagat at balaklaot.

Minsang tinuring ang balaklaot bilang malawakang simoy ng dagat[7] na dulot ng mas mataas na temperatura sa lupa kaysa karagatan. Hindi na ito ang tinuturing na dahilan at tinuturing na ngayon ang balaklaot bilang isang pangyayaring nagaganap sa buong planeta na kinakasangkutan ng taunang paglipat ng Intertropical Convergence Zone (lit. na 'Intertropikal na Sonang Nagtatagpo') sa pagitan ng mga hangganan nito sa hilaga at timog. Naiiba ang hangganan ng ITCZ ayon sa kaibahan ng pag-iinit ng lupa-dagat at naisip na ang hilagang sakop nito ng balaklaot sa Timog Asya ay naiimpluwensiyahan ng mataas na Tibetanong Talampas.[8][9] Nagaganap ang hindi balanseng temperaturang ito dahil sinisipsip ng mga karagatan at lupa ang init sa iba't ibang paraan. Sa mga karagatan, nananatili ang temperatura ng hangin na relatibong matatag sa dalawang kadahilanan: may relatibong mataas na kapasidad ng init ang tubig (3.9 hanggang 4.2 J g−1 K−1),[10] at dahil ang konduksyon at kombeksyon ay babalansehin ang mainit o malamig na ibabaw (0.19 hanggang 0.35 J g−1 K−1),[11] at maipapasa lamang nila ang init sa daigdig sa pamamagitan ng konduksyon at hindi ng kombeksyon. Samakatuwid, nananatili ang anyong tubig sa mas pantay na temperatura habang mas pabagu-bago ang mga temperatura sa lupa.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ramage, C. (1971). Monsoon Meteorology. International Geophysics Series (sa wikang Ingles). Bol. 15. San Diego, CA: Academic Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Welcome to Monsoon Season – Why You Probably Are Using This Term Wrong" (sa wikang Ingles). 29 Hunyo 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Hunyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Definition of Monsoon" (sa wikang Ingles). 28 Hulyo 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Hulyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Arceo, Acor (2023-10-20). "Philippines' northeast monsoon season underway". RAPPLER (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-01-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Cruz, Neal H. (2012-08-09). "What we had was the 'siyam-siyam'". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-01-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Malig, Jojo (2012-08-07). "What are 'siyam-siyam' rains?". ABS-CBN News. Nakuha noong 2024-01-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Sea breeze – definition of sea breeze by The Free Dictionary". TheFreeDictionary.com (sa wikang Ingles).
  8. Gadgil, Sulochana (2018). "The monsoon system: Land–sea breeze or the ITCZ?". Journal of Earth System Science (sa wikang Ingles). 127 (1): 1. doi:10.1007/s12040-017-0916-x. ISSN 0253-4126.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Chou, C. (2003). "Land-sea heating contrast in an idealized Asian summer monsoon". Climate Dynamics (sa wikang Ingles). 21 (1): 11–25. Bibcode:2003ClDy...21...11C. doi:10.1007/s00382-003-0315-7. ISSN 0930-7575. S2CID 53701462.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Liquids and Fluids – Specific Heats" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-08-09. Nakuha noong 2012-10-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Solids – Specific Heats". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-09-22. Nakuha noong 2012-10-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)