Pumunta sa nilalaman

Montréal, Québec

Mga koordinado: 45°30′32″N 73°33′42″W / 45.5089°N 73.5617°W / 45.5089; -73.5617
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Para sa mga ibang pook ng magkagayang pangalan, tingnan ang Montreal.
Montréal

Montréal
Molian
Mooniyang
Tiohtià:ke
Tiohtiake
lungsod o bayan sa Quebec, metropolis, territory outside RCM, college town
Watawat ng Montréal
Watawat
Eskudo de armas ng Montréal
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 45°30′32″N 73°33′42″W / 45.5089°N 73.5617°W / 45.5089; -73.5617
Bansa Canada
LokasyonUrban agglomeration of Montreal, Montreal Region, Québec, Canada
Itinatag17 Mayo 1642
Bahagi
Pamahalaan
 • Mayor of MontrealValérie Plante
Lawak
 • Kabuuan498 km2 (192 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2021, Senso)[1]
 • Kabuuan1,762,949
 • Kapal3,500/km2 (9,200/milya kuwadrado)
Websaythttps://montreal.ca/

Ang Montréal ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa Canada at ang pinakamalaking lungsod sa lalawigan ng Québec. Ito ang sentrong Francophone ng Hilagang Amerika. Ayon sa sensus ng 2001, may populasyon ito ng 1 583 590, habang nagtataglay naman ang Kalakhang Montréal ng populasyon ng 3 635 700 (2005 Naka-arkibo 2005-07-24 sa Wayback Machine.), ginagawa itong isa sa mga pinakamalaking kalakhang Francophone sa daigdig. Ipinapalagay ito bilang pang-15 pinakamalaking kalakhan sa Hilagang Amerika ([3] Naka-arkibo 2005-07-24 sa Wayback Machine. at [4]) at pang-77 sa daigdig. Noong 2006, kinilalang ng Traveler’s Digest Naka-arkibo 2018-09-12 sa Wayback Machine. at AskMen.com Naka-arkibo 2018-09-12 sa Wayback Machine. ang Montréal bilang ang nangungunang lungsod sa buong daigdig para manirahan, dala ng kultura, arkitektura, kasaysayan, at ambience nito. Ang Montréal din ang pang-25 pinakamayamang lungsod sa daigdig at ang pang-37 pinakamagastos na lungsod para manirahan sa balat ng lupa.[2]

Nakatayo ang Montréal sa timog-kanlurang sulok ng lalawigan ng Québec, mahigit-kumulang 270 km ang layo mula sa Lungsod ng Québec, ang kabisera panlalawigan, 190 km mula sa Ottawa, ang kabisera ng bansa, at 539 km naman mula sa Toronto.

Matatagpuan ang lungsod sa Pulo ng Montréal sa kung saan nagtatagpo ang mga ilog ng San Lorenzo at Ottawa; ang daungan ng Montréal ay nasa isang dulo ng Bambang ng San Lorenzo. Hinahanggan ang Montréal ng Ilog San Lorenzo sa timugang gilid, at ng Rivière des Prairies sa hilaga.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Quebec Ang lathalaing ito na tungkol sa Québec ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.