Moon Geun-young

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Si Moon Geun-young (Hangul: 문근영; Hanja: 文瑾瑩; ipinanganak Mayo 6, 1987) ay isang artista mula sa Timog Korea. Sa gulang na 21, siya ang naging pinakabatang tumanggap ng Malaking Premyo ("Daesang") na napanalunan niya sa SBS Drama Awards para sa Koreanovelang Painter of the Wind (2008).[1]

Karera[baguhin | baguhin ang batayan]

Bago siya nagsimula sa Koreanovela, lumabas si Moon sa ilang mga patalastas at nagmodelo para sa iba't ibang mga magasin. Nagsimula siyang magmodelo sa gulang na 12, at unang lumabas sa dokumentaryong drama na On the Road na dinirehe ni Choi Jae-eun.[2] Naging sikat si Moon nang lumabas siya noong 2000 bilang ang nakakabatang bersyon ng karakter ni Song Hye-kyo para sa dramang Autumn in My Heart.[3]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Kang Myoung-seok (Abril 30, 2010). "10LINE: Actress Moon Geun-young". 10Asia (sa Ingles). Hinango noong July 3, 2013.
  2. "<화제>영화 `길 위에서'주연 문근영양". Yonhap News (sa wikang Koreano). June 9, 1999.
  3. ""가을동화 은서가 왕비 됐어요"". Hankook Ilbo (sa Koreano). Mayp 7, 2001. Check date values in: |date= (tulong)

Mga panlabas na mga link[baguhin | baguhin ang batayan]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.