Pumunta sa nilalaman

Moving Average

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa estadistika, ang moving average, na tinatawag ding rolling average, rolling mean or running average ay isang uri ng padron na ginamit upang pag-aralan ng isang grupo ng mga datos sa pamamagitan ng paglikha ng isang serye ng mga average ng iba't ibang mga subset ng mga datos.

Gamit ang isang serye ng mga numero na may takdang sukat, ang moving average ay maaaring makuha sa pamamagitan ng pagkuha ng average sa unang subset. Makakalikha ng mga bagong datos na nabuo mula sa subsets ng mga orihinal na numero. Ang prosesong ito ay uulit-ulitin sa loob ng buong serye ng datos. Ang linya na kumokonekta sa lahat ng averages ay ang moving average. Kaya, ang isang moving average ay hindi iisang numero, ngunit ito ay isang set ng mga numero na ang bawat isa ay ang average ng kaukulang subset ng isang mas malaking hanay ng mga puntos ng datos. Ang moving average na maaari ring gumamit ng hindi pantay na bigat para sa bawat halaga ng datos sa subset upang bigyang-diin ang mga partikular na halaga sa mga subset.

Ang moving average ay karaniwang ginagamit sa datos na time series upang maayos ang mga short-term na pagbabago-bago sa padron at ipakita naman ang mga long-term na galaw ng datos. Pagkakaiba sa pagitan ng short-term at long-term ay depende sa aplikasyon, at sa mga parameter ng moving average na itatakda nang naaayon. Halimbawa, ito ay madalas na ginagamit sa mga teknikal na pagtatasa ng pinansiyal na data, tulad ng mga presyo ng stock o trading volume. Ito rin ay ginagamit sa economics upang suriin ang gross domestic product, trabaho o iba pang mga macroeconomic time series. Ang isang moving average ay isang uri ng kahukutan kung kaya ito ay katulad din ng mga filter na ginamit sa signal processing. Kapag ginamit sa hindi tamang oras ang datos ng serye, isang moving average ay parang isang generic smoothing na operasyon na wala mang anumang tiyak na koneksiyon sa oras, bagaman ilang mga uri ng pagkakasunod ang ipinahihiwatig.