Multan
Multan مُلتان | |
---|---|
Paikot pakanan mula sa itaas: Dambana ni Bahauddin Zakariya mula sa ika-13 siglo, Mosque Shahi Eid Gah, Ghanta Ghar, Libingan ni Shah Rukn-e-Alam mula sa ika-14 na siglo, Dambana ni Shamsuddin Sabzwari, Bughaw na tisang libingan ni Shah Gardez | |
Palayaw: Ang Lungsod ng mga Santo | |
Kamalian ng Lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/Punjab Pakistan" nor "Template:Location map Punjab Pakistan" exists. | |
Mga koordinado: 30°11′52″N 71°28′11″E / 30.19778°N 71.46972°E | |
Country | Pakistan |
Province | Padron:Country data Punjab |
Division | Multan |
District | Multan |
Autonomous towns | 6 |
Union council | 4 |
Pamahalaan | |
• Uri | Metropolitanong Korporasyon[1] |
• Alkadle | Khawaja Burair Abbas (Pola Baraadri) |
• Katuwang na Alkalde |
|
Lawak | |
• City | 286 km2 (110 milya kuwadrado) |
• Metro | 3,721 km2 (1,437 milya kuwadrado) |
Pinakamataas na pook | 129 m (423 tal) |
Populasyon | |
• City | 1,871,843 |
• Ranggo | Ikapito sa Pakistan |
• Kapal | 6,500/km2 (17,000/milya kuwadrado) |
• Pangalang-turing | Multani |
Sona ng oras | UTC+05:00 (PST) |
Kodigo ng lugar | 061 |
Websayt | mda.gop.pk |
Ang Multan (مُلتان ; [mʊltaːn] ( pakinggan)) ay isang lungsod at kabesera ng Dibisyong Multan na matatagpuan sa Punjab, Pakistan. Matatagpuan sa pampang ng Ilog Chenab, ang Multan ay ang ikapitong pinakamalaking lungsod ng Pakistan at ang pangunahing sentrong pangkultura at pang-ekonomiya ng katimugang Punjab.[6][7]
Ang kasaysayan ng Multan ay umaabot hanggang sa sinaunang panahon. Ang sinaunang lungsod ay kinalalagyan ng kilalang Templo sa Araw ng Multan, at kinubkob ni Alejandro ang Dakila habang nasa Kampanyang Malli.[8] Ang Multan ay isa sa pinakamahalagang sentro ng pangangalakal ng medyebal na Islamikong India,[9] at inakit ang maraming mistikong Sufi noong ika-11 at ika-12 siglo, na kinilala ang lungsod sa palayaw na Lungsod ng mga Santo. Ang lungsod, kasama ang kalapit na lungsod ng Uch, ay kilala sa maraming bilang ng dambanang Sufi na nagmula pa sa panahong iyon.
Tanawin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang tipolohiya ng lungsod ni Multan ay katulad ng ibang sinaunang lungsod sa Timog Asya, tulad ng Peshawar, Lahore, at Delhi–na lahat ay itinatag malapit sa isang pangunahing ilog, at may kasamang isang lumang lungsod na napapalibutan ng pader, pati na rin ang isang maharlikang kuta.[10] Kaiba sa mga lungsod na iyon, wala na ang maharlikang kuta ng Multan, dahil ito ay higit na winasak ng Briton noong 1848, na kung saan ay negatibong nakaapekto sa pagkakahabi ng lungsod.[10]
Ang mga lumang tahanan ng kapitbahayan ni Multan ay nagpapakita ng mga salik ng mga Muslim hinggil sa pagkapribado, at depensa laban sa malupit na klima ng lungsod.[10] Ang morpolohiya ng lunsod ay nailalarawan sa mga maliit at pribadong cul-de-sac na sumasanga sa mga bazaar at mas malalaking mga ugat.[10]
Ang isang natatanging estilo ng arkitekturang Multani ay nagsimulang mag-ugat noong ika-14 na siglo sa pagtatatag ng mga monumento ng libing,[10] at nailalarawan sa pamamagitan ng malalaking pader ng ladrilyo na pinalakas ng mga kahoy na angkla, na may mga paloob na bubong.[10] Ang arkitekturang panlibing ay makikita rin sa mga tirahan ng lungsod, na humiram ng mga elemento ng arkitektura at dekorasyon mula sa mga mausoleo ng Multan.[10]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ https://www.dawn.com/news/1524621
- ↑ "Archived copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 14 Abril 2006. Nakuha noong 2009-09-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2006-04-14 sa Wayback Machine. - ↑ Area reference Naka-arkibo 14 April 2006 sa Wayback Machine., Density reference Naka-arkibo 26 September 2009 sa Wayback Machine. statpak.gov.pk
- ↑ https://www.citypopulation.de/php/pakistan-distr-admin.php?adm2id=72102
- ↑ "PROVISIONAL SUMMARY RESULTS OF 6TH POPULATION AND HOUSING CENSUS-2017". pbs.gov.pk. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 10 Enero 2019. Nakuha noong 24 Nobyembre 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 10 January 2019[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ "POPULATION OF MAJOR CITIES CENSUS - 2017" (PDF). www.pbscensus.gov.pk. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2017-08-29. Nakuha noong 2018-01-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2017-08-29 sa Wayback Machine. - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2018-12-25. Nakuha noong 2020-11-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2018-12-25 sa Wayback Machine. - ↑ Bury, John Bagnell (2015). A History of Greece. Cambridge University Press. p. 810. ISBN 9781108082204.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Levi, Scott (2016). "Caravans: Punjabi Khatri Merchants on the Silk Road". Penguin UK. ISBN 9789351189169. Nakuha noong 12 Abril 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 10.0 10.1 10.2 10.3 10.4 10.5 10.6 Bignami, Daniele Fabrizio; Del Bo, Adalberto (2014). Sustainable Social, Economic and Environmental Revitalization in Multan City: A Multidisciplinary Italian–Pakistani Project. Springer Science & Business Media. ISBN 9783319021171.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)