Musashi (barkong pandigmang Hapones)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Musashi
Ang Musashi habang lumilisan sa Brunei noong Oktubre 1944 para sa Labanan sa Golpo ng Leyte
Karera (Hapon) A white rectangle with a red circle in the middle that has red stripes coming out of it.
Pangalan: Musashi
Kapangalan: Lalawigan ng Musashi
Hiniling: Hunyo 1937
Tagabuo: Mitsubishi Shipyard, Nagasaki
Simula ng paggawa: 29 Marso 1938
Inilunsad: 1 Nobyembre 1940
Nilagay sa serbisyo: 5 Agosto 1942
Struck: 31 Agosto 1945
Kapalaran: Lumubog noong Labanan sa Golpo ng Leyte, 24 Oktubre 1944
Mga katangiang pangkalahatan
Klase at uri: Padron:Sclass-
Kabuuang bigat: 68,200 long ton (69,300 t) (normal)
72,800 long ton (74,000 t) (full load)
Haba: 244 m (800 ft 6 in) (p/p)
263 m (862 ft 10 in) (o/a)
Lapad: 36.9 m (121 ft 1 in)
Lubog: 10.86 m (35 ft 8 in) (full load)
Lakas: 150,000 shp (110,000 kW)
12 × Kanpon water-tube boilers
Nagpapaandar: 4 × propellers
4 × steam turbines
Bilis: 27.46 knot (50.86 km/h; 31.60 mph)
Range: 7,200 nmi (13,300 km; 8,300 mi) at 16 knot (30 km/h; 18 mph)
Kapupunan: 2,500
Mga sensor at
sistema ng pagpoproseso:
1 × Type 21 air search radar
1 × Type 0 hydrophone system
Armamento:
Baluti:
Eroplanong kinakarga: 6–7 floatplanes
Aviation facilities: 2 × catapults
Ang Musashi noong Agosto 1942, kinunan mula sa harap nito

Ang Musashi (Nihonggo:武蔵) ay ang ikalawang barko ng klaseng Yamato ng Imperyong Hukbong Dagat ng Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Siya at ang kanyang kapatid na barko, ang Yamato, ay ang pinakamabigat at pinakamakapangyarihang armadong barkong pandigma na nalikha sa kasaysayan, na kayang magpatinag ng 72,800 tonelada sa kabuuang bigat at armado ng siyam na 46 na sentimetro (18.1 pulgada) na Type 94 na mga pangunahing baril. Wala sa dalawang barko ang nakaligtas sa digmaan.

Ipinangalan sunod sa sinaunang Lalawigan ng Musashi,[1] ang Musashi ay kinomisyon noong kalagitnaan ng 1942, na binago upang magsilbi bilang punong barko (flagship) ng Pinagsanib na Plota (Combined Fleet), at nanatili sa nalalabing bahagi ng taon na nagsasanay. Inilipat ang barko sa Truk noong unang bahagi ng 1943 at sumugod nang maraming ulit sa loob ng taóng iyon kasama ang plota habang bigong hinahanap ang mga puwersang Amerikano. Ginamit siya upang ilipat ang mga puwersa at kagamitan sa pagitan ng Hapon at iba't ibang mga nasakop na pulò nang maraming ulit noong 1944. Dahil naturpido noong unang bahagi ng 1944 ng isang Amerikanong submarino, napilitan ang Musashi na bumalik sa Hapon upang kumpunihin, kung saan pinalakas ng hukbong dagat ang anti-aircraft armament nito. Naroon ang barko noong Labanan sa Dagat Pilipinas noong Hunyo, subalit hindi nito nakasagupa ang mga nakapalibot na puwersang Amerikano. Pinalubog ang Musashi ng tinatayang 19 na turpido at 17 pambobomba mula sa carrier-based aircraft ng mga Amerikano noong 24 Oktubre 1944 sa kasagsagan ng Labanan sa Golpo ng Leyte. Mahigit sa kalahati ng sakay nito ang nailigtas.

Natagpuan ang napinsalang mga bahagi ng barko noong Marso 2015 ni Paul Allen at ng kanyang pangkat ng mananaliksik.[2]

Mga Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Silverstone, p. 334
  2. Henly, Jon (04 Mar 2015 19:29 GMT). "US billionaire Paul Allen discovers wreck of Japan's biggest warship Musashi". The Guardian. UK: Guardian News and Media Limited. Hinango noong 07 Mar 2015. Check date values in: |accessdate=, |date= (tulong)