Instrumento (musika)
Ang mga instrumentong pangmusika, instrumentong musikal, kagamitang pangtugtog, o kasangkapang panugtog ay mga kagamitan o kasangkapang ginagamit o tinugtog upang makalikha ng musika o tugtugin. Maaaring ituring bilang kagamitang pangtugtugin o kasangkapang pangtugtugin ang alinmang bagay na nakagagawa ng tunog, subalit pangkalahatang nangangahulugan ang parirala na mga bagay na espesipiko, partikular, o tiyakang gumagawa ng musika. Maipepetsa ang kasaysayan ng mga pangmusikang instrumento mula sa mga simulain ng kalinangan ng tao. Tinatawag na organolohiya ang akademikong pag-aaral ng mga instrumentong musikal.
Maaaring hatiin ang mga instrumentong musikal sa mga uring:
- Instrumentong may bagting (kinakalabit o ginagamitan ng hilis o bow)
- Instrumentong hinihipang yari sa kahoy (woodwind)
- Instrumentong tanso (brasswind)
- Instrumentong pinapalo (Percussion instrument)
- Instrumentong may tipahan (keyboard instrument)
Ang orkestra ay may mga instrumentong nagmula sa apat na mga mag-anak:
- Mga instrumentong may bagting na ginagamitan ng hilis (halimbawa, biyolin)
- Instrumentong hinihipang gawa sa kahoy (halimbawa, plawta)
- Instrumentong tanso (halimbawa, trumpeta)
- Perkusyon (halimbawa, tambol)
Iba pang halimbawa ng mga kasangkapang pangtugtog:
- Tselo
- Klarinete
- Tambuling Pranses
- Gitara
- Kudyapi
- Organo
- Piyano
- Trombono
- Tuba
- Biyola
- Biyulin
- Bandyo
- Tselo
- Yukulele
- Bandolin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.