Pumunta sa nilalaman

Musikang rock

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Musikang bato)
Musikang rock
Pinagmulan na istiloRock and roll
Blues
Country
Pangkulturang pinagmulanUnang bahagi ng dekada 1950 sa Nagkakaisang Kaharian at Estados Unidos
Tipikal na mga instrumentoElektrikong gitara, gitarang baho, tambol
Hinangong anyoAlternative rock - Heavy metal - Punk rock
Mga anyo sa ilalim nito
Art rock - Bhangra rock - Christian rock - Desert rock - Detroit rock - Emo - Experimental rock - Garage rock - Girl group - Glam rock - Group Sounds - Grunge - Hard rock - Heartland rock - Instrumental rock -Indie rock - Jangle pop - Krautrock - Power pop - post-punk (post-punk revival) - Protopunk - Psychedelia - Soft rock - Southern rock - Surf - Symphonic rock
Pinagsamang anyo
Rap rock - Aboriginal rock - Afro-rock - Anatolian rock - Blues-rock - Boogaloo - Country rock - Flamenco-rock - Pambayan na rock (Folk rock) - Glam Punk - Indo-rock - Punk rock - Jazz fusion - Madchester - Merseybeat - Progressive rock - Punta rock - Raga rock - Raï rock - Rock opera - Rockabilly - Rockoson - Samba-rock - Space rock - Stoner rock - Sufi rock
Eksenang panrehiyon
Argentina - Armenia - Australia - Belarus - Belgium - Bosnia and Herzegovina - Brazil - Canada - Chile - China - Cuba - Croatia - Denmark - Dominican Republic - Estonia - Finland - France - Greece - Germany - Hungary - Iceland - India - Indonesia - Ireland - Israel - Italy - Japan - Spanish-speaking world - Latvia - Lithuania - Malaysia - Mexico - Nepal - New Zealand - Norway - Pakistan - Peru - Pilipinas - Poland - Portugal - Russia - Serbia - Slovenia - Spain - Sweden - Switzerland - Tatar - Thailand - Turkey - Ukraine - United Kingdom - United States - Uruguay - SFR Yugoslavia - Zambia
Ibang paksa
Backbeat - Rock opera - Bandang rock - Mga tumutugtog - Bulwagan ng mga Tanyag - Epektong panlipunan

Ang musikang rock (lit. na '"bato", "dumuduyan", "umuugoy"') ay maluwag na binibigyang kahulagan bilang isang uri (genre) ng musikang popular na pumasok sa prinsipal na tagapakanig noong kalagitnaan ng dekada 1950. Nag-ugat ito sa ilang uri ng musika noong dekada 1940 hanggang 1950 na rhythm and blues, musikang country at iba pang mga impluwensiya. Karagdagan pa dito, kumuha din ang musikang rock ng iba pang impluwensiyang pang-musika, kabilang ang musikang pambayan (folk music), jazz, at klasikong musika.

Kadalasang umiikot ang tunog ng rock sa gitarang de-kuryente o gitarang akustika, at gumagamit ng malakas na backbeat (kumpas na pantay) na binabalangkas sa pamamagitan ng isang ritmong seksiyon ng elektrikong gitarang baho, tambol, at mga instrumentong de-tiklado katulad ng organo, piyano, o, simula noong dekada 1970, sintetisador. Kasama ng gitara at mga instrumentong de-tiklado, ginagamit din ang saksopon at istilong-blues na silindro bilang pang-isahang mga instrumento. Sa kaniyang "pinakadalisay na anyo", mayroon itong "tatlong sayusay, isang matapang, mapilit na kumpas na pantay, at nakakahalinang himig."[1]

Noong huling bahagi ng dekada 1960 at unang bahagi ng dekada 1970, umunlad ang musikang rock sa iba't ibang mga uri sa ilalim nito. Nang humalo sa musikang pambayan, naging rock na pambayan o folk rock, sa blues nagkaroon ng blues-rock at sa jazz, nakalihka ng jazz fusion. Noong dekada 1970, sinama ang rock mula sa impluwensiya ng soul, funk, at musikang latin. Gayon din noong dekada 1970, nagkaroon ng ilang uri ang rock sa ilalim nito, katulad ng soft rock, glam rock, heavy metal, hard rock, progressive rock, at punk rock. Noong dekada 1980, namayagpag ang mga ilang uri na rock na kabilang ang new wave, hardcore punk at alternative rock. Noong dekada 1990 naman, kabilang sa mga uri ng rock na lumitaw ang grunge, Britpop, indie rock, at nu metal.

Tinatawag na bandang rock, bandang rakista, o grupong rock ang mga musikerong nagdadalubhasa sa musikang rock. Binubuo ang mga bandang ito ng gitarista, bokalista, bahista, at tagatambol, na binubuo ang apatan o kuwarteto (Halimbawa: The Beatles o The Eraserheads). May mga pangkat na tinatanggal ang isa o higit pa na tumutugtog at/o gamitin ang bokalista na tumutugtog ng instrumento habang umaawit, na kadalasang binubuo ang tatluhan o dalawahan; may iba na sinasama ang ibang musikero katulad ng isa o dalawang ritmong gitara at/o tekladista. Mas bihira, ginagamit rin ng grupo ang ibang naka-kuwardas na instrumento katulad ng biyolin o tselo, o mga hinihipan na mga instrumento ng saksapon, trumpeta o trombon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Musika Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.