Rock and roll
Ang rock and roll, na may literal na kahulugang "umugoy at gumulong" o mas literal na "bato at gulong"), ay isang uri ng musikang rock na umunlad noong mga dekada ng 1950 at 1960. Pinagsasama ng tugtuging rock ang maraming mga uri ng tugtugin magmula sa Estados Unidos, katulad ng tugtuging-nayon (country music), tugtuging-bayan, tugtuging gospel, awiting panggawain, blues, at jazz. Umunlad ang rock and roll noong kaagahan ng dekada ng 1950 mula sa isang uri ng tugtuging tinatawag na rhythm and blues na tinutugtog ng mga mang-aawit na itim at mga musikero. Sa una, naging tanyag lamang ang musikang ito sa mga Aprikano-Amerikano. Sa hulihan ng mga dekada ng 1950 at noong dekada ng 1960, naging bantog ito sa kahabaan ng Estados Unidos at sa Europa.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.