Musmos na Sumibol sa Gubat ng Digma

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang "Musmos na Sumibol sa Gubat ng Digma," na pinamagatang  "Unless the Water is Safer than the Land" sa wikang Ingles, ay isang sineng Pilipino na gawa nung 2018 sa direksiyon ni Iar Lionel Arondaing, na siya ring sumulat ng iskrip.

Ito ay inilabas noong Agosto 3, 2018 bilang bahagi ng ika-14 (2018) na Cinemalaya Independent Film Festival.[1]

Sa pelikula, ang isang matandang lalaki ang nagsasalaysay ng  kuwento ng isang Muslim na batang babae na nagngangalang Eshal (Junyka Sigrid Santarin), na napilitang magtago sa kagubatan kasama ang kanyang sanggol na kapatid na si Affan dahil kailangan nilang makatakas sa rido) na kinasasangkutan ng kanyang pamilya. Sa kagubatan any nakilala niya ang isang batang lalaki na nagngangalang Farhan (JM Salvado) na siya ring nagtatago sa Rido.  naging magkaibigan ang dalawa habang naghihintay na may sumaklolo sa kanila.[2]

Ang titulo ng pelikula sa Ingles ay kinuha mula sa tulang "Home" ng Somali-British na makatang si Warsan Shire, na ginamit bilang panimula ng pelikula.

Mga gumanap[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Junyka Sigrid Santarin (bilang Eshal)
  • JM Salvado (bilang Farhan)
  • Star Orjaliza
  • Jun Salvado
  • Darril Ampongan
  • Romerico Jangad
  • Haide Movero

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Rido
  • Ika-14 na Cinemalaya Independent Film Festival
  • Cinemalaya Independent Film Festival
  • Eddie Garcia
  • Tony Labrusca
  • Liway
  • ML (film)
  • Ang mga kababaihan ng pag-Iyak Ilog

Panlabas Na Mga Link[baguhin | baguhin ang batayan]

Musmos na Sumibol sa Gubat ng Digma sa Internet Movie Database

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "MUSMOS NA SUMIBOL SA GUBAT NG DIGMA (Unless the Water is Safer than the Land) : Cinemalaya" (sa English). Hinango noong 2018-08-10.
  2. "Musmos na sumibol sa gubat ng digma". 2018-08-04. Hinango noong 2018-08-10.