Pumunta sa nilalaman

Eddie Garcia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Eddie Garcia
Si Eddie Garcia noong Abril 2019
Kapanganakan
Eduardo Verchez Garcia

2 Mayo 1929(1929-05-02)
Kamatayan20 Hunyo 2019(2019-06-20) (edad 90)
Makati, Pilipinas
NasyonalidadPilipino
Ibang pangalanManoy
TrabahoAktor, direktor, negosyante
Aktibong taon1946–2019
AsawaLucilla Scharnberg (n. 1995)
Anak3

Si Eddie Garcia (Mayo 2, 1929 – Hunyo 20, 2019)[1] ay isang artista sa Pilipinas. Una siyang lumabas sa pelikula noong maagang dekada 1950.

Nakatanggap siya sa FAMAS ng 34 na nominasyon (13 bilang pinakamahusay na pangalawang aktor, 10 bilang pinakamahusay na aktor at 11 bilang pinakamahusay na direktor) at 16 na gawad (6 bilang pinakamahusay ng pangalawang aktor, 5 bilang pinakamahusay na direktor at 5 bilang pinakamahusay na aktor). Siya ay FAMAS Hall of Famer sa mga sumusunod na kategorya: Pinakamahusay na Actor, Pinakamahusay na Pangalawang Aktor at Pinakamahusay na Direktor. Bukod pa rito ay napanalunan din niya ang Lifetime Achievement Award at Fernando Poe, Jr. Memorial Award ng FAMAS.

Lumang retrato ni Eddie Garcia

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]