Pumunta sa nilalaman

Reyna Bandida

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Reyna Bandida ay isang pelikulang Pilipino. Si Rita Gomez ang gumanap bilang Reyna ng mga Bandido na nakatira sa bundok. Ipinagbubuntis pa lang siya ng kanyang ina (na ginampanan din ni Rita) ay tumulak papuntang bayan at nagpaiwan ang kanyang asawa hanggang sa tambangan si Rita at ang kanyang katulong na si Herminia Carranza ng mga grupong bandido na sina Gregorio Ticman kung saan tumayong kanyang ama-amahan at nagpalaki sa kanya hanggang sa magdalaga at si Martin Marfil.

Kasama rin sa mga grupong bandido sina Eddie Garcia, si Panchito na noo'y ang mga papel ay mga drama at gumaganap na ama sa mga pelikula at si Ric Rodrigo na kanyang napupusuan Subalit si Cesar Ramirez na isang espiya na nagpapanggap na bandido ang kanyang nakatuluyan.

Makikita si Lolita Rodriguez na dating katipan ni Cesar na kanyang iniwan ng ang huli ay umakyat sa bundok para manghuli ng mga Bandido. Ang pelikula ay gawa ng Sampaguita Pictures at ipinalabas sa mga sinehan noong 1953.


Pelikula-Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pelikula mula sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.