Pumunta sa nilalaman

My Girlfriend is a Nine-Tailed Fox

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa My Girlfriend is a Gumiho)
My Girlfriend is a Nine-Tailed Fox
Panpromosyon na Poster
UriRomantikong komedya
Isinulat ni/ninaHong Jung Eun
Hong Mi Ran
DirektorBoo Sung Chul
Pinangungunahan ni/ninaLee Seung Gi
Shin Min Ah
No Min-woo
Park Soo Jin
Bansang pinagmulanTimog Korea
WikaKorean
Bilang ng kabanata16
Paggawa
Oras ng pagpapalabasMiyerkules & Huwebes 9:55 p.m. (Timog Korea/KST) Lunes hanggang Biyernes 4:45 p.m. (Pilipinas/PST)
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanSBS
Orihinal na pagsasapahimpapawid11 Agosto (2010-08-11) –
30 Setyembre 2010 (2010-09-30)
Kronolohiya
Sumunod saBad Guy
Sinundan ngDae Mul
Website
Opisyal

My Girlfriend is a Nine-Tailed Fox (내 여자친구는 구미호) ay pinaghalong romantiko at komedyang serye mula sa Timog Korea.[1] Iniere ito ng SBS mula 2010-Agosto-11 hanggang 2010-Setyembre-30.[2] Pinagbidahan ito nina Lee Seung Gi at Shin Min Ah.

Hindi sinasadyang napakawalan ni Cha Dae-woong (Lee Seung Gi) ang isang gumiho, isang sorong maalamat na may siyam na buntot at ikinulong ni Lola Samshin sa ipinintang larawan,sa pamamagitan ng pagguhit ng siyam na buntot sa larawan. Dati nang ginustong maging tao ng gumiho subalit hindi niya natupad ang hininging kapalit na makahanap ng asawa dahil sa sabi-sabing kumakain siya ng atay ng tao. Sa kanilang unang pagkikita, aksidenteng nahulog si Dae-woong, at iniligtas siya ng gumiho sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng Globo. Nakita ni Dae-woong ang isang magandang babae sa kanyang paggising, lingid sa kanyang kaalaman na ang babae ay ang sorong kanyang napakawalan. Nang malaman ni Dae-woong ang resulta ng kanyang ginawa, kailangan niyang pasayahin ang soro at itago sa lahat na siya ay isang gumiho. Ngunit, dahil na kay Dae-woong ang Globo ng gumiho na nagligtas sa kanyang buhay, wala siyang magagawa kung hindi hayaang makasama niya ang gumiho. Habang tumatagal, ang maalamat na gumiho (tinawag na Miho) ay ninais na maging tao. Ipinaalam ng beterinaryong si Park Dong Joo (na kalahating tao) kay Mi ho (Shin Min Ah) na upang maging tunay na tao, kailangang inumin ni Mi ho ang dugo ng beterinaryo at ibigay kay Dae-woong ang kanyan makapangyarihang Globo at hayaang itago nito sa loob ng 100 araw. Kapalit nito, hindi pwedeng sumama si Dae-woong sa ibang babae bukod sa gumiho sa loob ng 100 araw. Subalit, hindi sinabi ni Dong Joo kay Mi ho na pagkatapos ng 100 araw, para siya ay maging tao, kailangang mamatay ni Dae-woong. Naging mas kumplikado ang problema nang mahalin nila ang isat-isa.

Siya ay naulila sa murang edad kaya't lumaki kasama ang kanyang lolo at tita nang higit 20 taon. Hindi niya gustong pumasok ng kolehiyo; sa halip, gusto niyang maging aktor. Nang tangkain ng kanyang lolo na dalhin siya sa paaralang pangaserahan, tumakas si Dae-woong at siya ay nawala. Isang boses ng babae ang nagsabi sa kanya na guhitan ng siyam na buntot ang larawan ng soro sa templo ng mga budista at dahil dito, napakawalan niya ang gumiho. Nakilala niya ang isang babae na nagsabi sa kanya na siya ang sorong napakawalan niya. Nang malaman niyang ang babae ay isang gumiho (tinawag na Mi ho), kinailangan niyang pasayahin siya (sa pamamagitan ng pagbili para rito ng karne) at itago sa lahat na siya ay isang gumiho. Hanggang, umibig si Dae-woong kay Mi ho.
Isang maalamat na sorong may siyam na buntot na nakulong sa isang nakapintang larawan sa loob ng 500 taon. Pinangarap maging tao ni Mi ho at gusto niyang gawin ang mga ginagawa ng tao. Ngunit, nang marining ng mga tao na kumakain ng atay ng tao ang mga gumiho, walang nagtangkang lumapit sa kanya. Nang makilala niya si Dae-woong, naramdaman niyang para na rin siyang tao subalit minsan ay ginagamit pa rin niya ang kanyang kakaibang lakas kapag walang ibang nakakakita maliban kay Dae-woong (nakita siya minsan ng dalawang bata sa parke). Naging nobya siya ni Dae-woong at pinilit na maging normal ang kanilang pagsasama bilang magkasintahan. Kahit na ang mga gumiho ay mababangis, naiiba siya dahil siya ay nakakatuwa at mabait. Sapagkat gawa siya sa apoy, takot siya sa tubig.
Isang beterinaryo, hindi siya isang tao at hindi rin naman isang maalamat na hayop. Marami siyang alam sa pamumuhay ng tao. Si Dong Joo ay nagmukhang kontrabida. Mahinahon siyang magsalita kay Mi Ho subalit hindi sa ibang tao. Sinubukan niyang hulihin si Mi Ho at ibalik sa larawan, ngunit nang sabihin ni Mi Ho sa kanya na gusto nitong maging tao, nagbago ang kanyang isip. Kaya sinabi niya kay Mi Ho na magiging tao ito kung iinumin nito ang kanyang dugo at kapag itinago ni Dae-woong ang globo sa loob ng 100 araw. Pero hindi niya sinabi na mamamatay si Dae-woong kapag naibalik na ninyo kay Mi Ho ang globo matapos ang 100 araw. Nang malaman ni Dong Joo na si Mi Ho ay gawa sa apoy na natira mula kay Kil Dal (ang babaeng kanyang minahal ngunit hiniling na patayin niya mismo), sinubukan niyang protektahan si Mi Ho.
Kontrabida sa drama, siya ay ang makatatandang kamag-aral ni Dae-woong. Matagal na nagkaroon ng pagtitinginan sina Dae-woong at Hae In. Subalit nang malaman ni Dae-woong na ginamit lang siya nito, nawalan siya ng interes at hindi na siya binigyan ng atensiyon. Hindi gusto ni Hae In si Mi Ho, at nadagdagan ito ng selos nang maging nobya ni Dae-woong si Mi Ho. Sinubukan niyang lumabas kasama si Dae-woong subalit dahil hindi maaaring sumama si Dae-woong hanggat nasa kanya ang globo ni Mi Ho, palaging nabibigo si Hae In. Pinaghihinalaan niya na iba si Mi Ho kaya humanap siya ng mga paraan para malaman ang katauhan ni Mi Ho.
  • Sung Dong Il bilang Ban Doo Hong
Siya ang Direktor sa paaralang pang-aksiyon ni Dae-woong. Naibigan niya ang kakayahan ni Dae-woong kaya binibigyan niya ito ng pabor. Nang makita niya si Mi Ho na tumalon ng mataas at mabilis na tumakbo, hinanap niya ito ngunit kapag nakikita niya ito, nakakaalis ito agad. Nang makita siya ni Mi Ho, hindi naman niya ito nakita. Mayroon din siyang pagtingin sa tita ni Dae-woong na si Cha Min sook. Sa unang pagkikita nila ng tita ni Dae-woong, mag-isa ito sa elevator at namimilipit sa sakit ng tiyan. Pumasok siya sa loob at naamoy ang utot ni Min Sook hanggang may iba na ring pumasok. Tinignan ng mga tao si Min Sook at pinaghinalaan na sa kanya galing ang masamang amoy. Ngunit si Ban Doo Hong ang umako rito. Natuwa si Cha Min Sook. Byudo si Ban Doo Hong, mag-isa niyang pinalaki ang anak na si Seoh Nyuh.
Anak ni Doo Hong at matalik na kaibigan ni Dae-woong. My pagtingin siya kay Dae-woong subalit parang hindi sobrang nagseselos kay Mi Ho nang maging nobya ito ni Dae-woong ahit na siya ay bigo. Naging malapit na kaibigan din siya ni Mi Ho.
Gusto niyang magdesisyon ng tama si Dae-woong ngunit natanggap na gusto ni Dae-woong maging aktor nang makita niya itong tumino.
  • Yoon Yoo Sun bilang Cha Min Sook
Tita ni Dae-woong. Ginagawa niya ang kahit anong utos ng lolo ni Dae-woong. May pagtingin siya kay Ban Doo Hong subalit hindi maamin. Palagi siyang nagmumukhang tanga kapag nakikita niya ito.
  • Kim Ho Chang bilang Kim Byung Soo
Matalik na kaibigan ni Dae-woong. Palagi niyang sinusuportahan si Dae-woong. Hindi alam ni Seoh Nyuh na may pagtingin ito sa kanya.
  • Furitsu Chino bilang Jae Jin
Matalik na kaibigan ni Dae-woong sa sekondarya.

Ang mga gumanap sa dating drama ng mga may-akda ng You're Beautiful ay lumabas sa serye: Uee bilang estudyante, Lee Hongki bilang Jeremy sa isang photoshoot, at Park Shin Hye bilang Park Shin Hye na nakita sa bus. Pinalabas ito sa Pilipinas ng ABS-CBN tuwing Lunes-Biyernes sa ika-5 ng hapon. Nagsimula ito noong 9 Mayo 2011 at natapos noong 17 Hunyo 2011.

Ratings ng mga Kabanata

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Petsa Kabanata Buong Bansa Seoul
2010-08-11 1 12.7 (6th) 13.0 (6th)
2010-08-12 2 12.6 (8th) 13.1 (8th)
2010-08-18 3 14.6 (6th) 14.9 (6th)
2010-08-19 4 14.1 (7th) 14.0 (7th)
2010-08-25 5 14.0 (6th) 14.1 (6th)
2010-08-26 6 14.2 (8th) 14.1 (8th)
2010-09-01 7 13.4 (9th) 13.4 (9th)
2010-09-02 8 13.4 (12th) 13.6 (12th)
2010-09-08 9 13.2 (9th) 12.8 (9th)
2010-09-09 10 12.3 (11th) 12.6 (11th)
2010-09-15 11 13.0 (9th) 12.8 (9th)
2010-09-16 12 10.7 (11th) 10.4 (11th)
2010-09-22 13 20.9 (1st) 21.3 (1st)
2010-09-23 14 20.9 (1st) 21.3 (1st)
2010-09-29 15 18.6 (3rd) 18.6 (3rd)
2010-09-30 16 21.3 (2nd) 21.0 (2nd)

Pinagmulan: TNS Media Korea

Petsa Kabanata Buong Bansa
2011-05-09 1 11.2 (21st)
2011-05-10 2 10.4 (22nd)
2011-05-11 3 10.2 (22nd)
2011-05-12 4 10.8 (22nd)
2011-05-13 5 9.6 (25th)
2011-05-16 6 10.9 (19th)
2011-05-17 7 11.1 (21st)
2011-05-18 8 10.7 (20th)
2011-05-19 9 12 (18th)
2011-05-20 10 11.6 (19th)
2011-05-23 11 12.7 (15th)
2011-05-24 12 11.4 (19th)
2011-05-25 13 13.6 (16th)
2011-05-26 14 14.2 (13th)
2011-05-27 15 13.1 (17th)
2011-05-30 16 14.5 (10th)
2011-05-31 17 13.3 (15th)
2011-06-01 18 12.9 (14th)
2011-06-02 19 11.7 (19th)
2011-06-03 20 16.6 (10th)
2011-06-06 21 12.9 (14th)
2011-06-07 22 11.7 (18th)
2011-06-08 23 14.8 (13th)
2011-06-09 24 14.8 (12th)
2011-06-10 25 14.0 (14th)
2011-06-13 26
2011-06-14 27
2011-06-15 28
2011-06-16 29
2011-06-17 30

Pinagmulan: Kantar Media/TNS Philippines Naka-arkibo 2012-04-06 sa Wayback Machine.

  1. http://www.newsen.com/news_view.php?uid=201003150915021001
  2. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-11-06. Nakuha noong 2011-06-19.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na Kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]