Nadine Heredia
Si Nadine Heredia Alarcón de Humala (ipinanganak sa Lima, Peru noong 25 Mayo 1976) ay ang Unang Ginang ng Peru, sapagkat siya ang asawa ng Pangulo ng Republika ng Peru. Mayroon silang tatlong mga anak na lalaki: sina Illary, Nayra at Samín. Isa siya samg naging kasamang tagapagtatag ng Partido Nacionalista Peruano.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Nadine Heredia de Humala ay nagmula sa isang mag-anak na ayacuchana ng lalawigan ng Páucar del Sara Sara. Ang ina ni Ollanta Humala na si Elena Tasso Heredia ay pinsan ng kaniyang manugang na babaeng si Nadine. May mga taong nagsasabi na si Nadine ay tiyahing makalawa ng kaniyang asawang si Ollanta Humala.[1][2][3]
Nagtapos ng pag-aaral na pangsekundarya si Heredia mula sa Kolehiyo ng María de las Mercedes; pagkatapos ay nag-aral siya sa Pamantasan ng Lima upang kuhanin ang kursong Agham ng Komunikasyon.[4] at pagkaraan ay nakamit niya ang kaniyang pagka-Master sa Sosyolohiya.
Noong 1996, nakilala ni Nadine si Ollanta Humala noong ang huli ay isang opisyal ng hukbo. Pagkalipas ng tatlong mga taon, nagpakasal ang dalawa ang nagkaroon sila ng tatlong mga anak na lalaki.
Si Heredia ay isang tagapagtatag na kasapi ng Partido Nacionalista Peruano (Gana Perú), kung saan si Ollanta Humala na kaniyang asawa ay naging pangulo ng partido at, sa dalawang pagkakataon, ay naging kandidato para sa pagkapangulo ng Peru.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Diario La Tercera (2011). "Nadie Heredia la carismática compañera política de Humala". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-03. Nakuha noong 2011-07-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2016-03-03 sa Wayback Machine. - ↑ Diario Patria Grande de Venezuela (2011). "Detrás de Humala, un ángel". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-10-02. Nakuha noong 2011-07-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2011-10-02 sa Wayback Machine. - ↑ Terra.com.pe (2011). "Nadine Heredia: Así es la futura primera dama del Perú". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-12-08. Nakuha noong 2011-07-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2015-12-08 sa Wayback Machine. - ↑ Keiko Fujimori y Nadine Heredia cumplen años el mismo día Martes (24 Mayo 2011)