Pumunta sa nilalaman

Uzaki-chan wa Asobitai!

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Nais Gumala ni Uzaki!)
Uzaki-chan wa Asobitai!
Nais Gumala ni Uzaki!
Logo ng serye
宇崎ちゃんは遊びたい!
Uzaki-chan Wants to Hang Out!
DyanraKatatawanan, Slice of Life
Manga
KuwentoTake
NaglathalaFujimi Shobo
ImprentaDragon Comics Age
MagasinNiconico Seiga (Dra Dra Sharp)
DemograpikoShounen
Takbo1 Disyembre 2017 (2017-12-01) – kasalukuyan
Bolyum5
Teleseryeng anime
DirektorKazuya Miura
IskripTakashi Aoshima
MusikaSatoshi Igarashi
EstudyoENGI
Lisensiya
Inere saAT-X, Tokyo MX, BSS, BS11, ABC, TVA
Takbo10 Hulyo 2020 (2020-07-10) – 25 Setyembre 2020 (2020-09-25)
Bilang12 (Listahan ng episode)
 Portada ng Anime at Manga

Ang Uzaki-chan wa Asobitai!,[a] kilala rin sa Ingles nitong pamagat na Uzaki-chan Wants to Hang Out!, ay isang serye ng manga mula sa bansang Hapón na isinulat at iginuhit ni Take. Patuloy itong baha-bahaging inilalathala sa pook-sapot na Dra Dra Sharp ng Niconico Seiga simula pa noong Disyembre 2017. Nakagawa na ang tagapaglathala nitong Fujimi Shobo ng limang tankōbon hanggang Hulyo 2020.

Lisensiyado ang Seven Seas Entertainment para ilathala ito sa Hilagang Amerika. Ginawan rin ito ng isang anime ng estudyong ENGI na ipinalabas sa bansang Hapón simula noong 10 Hulyo 2020.

Tuwang-tuwa ang kolehiyanang si Hana Uzaki nang nalaman niyang nasa parehong kolehiyo ang senpai niya noong haiskul, si Shinichi Sakurai. Gayunman, agad niya ring napagtanto matapos niyang manmanan ito na naging mapag-isa pala ang senpai niya. Kaya naman, nagpasiya siyang pipilitin niyang gumala ang kanyang senpai na kasama siya dahil sa paniniwalang introvert siya o nakakatakot lang lapitan dahil sa hitsura kaya nilalayuan. Sinimulan niyang kulit-kulitin at iniirita si Shinichi para maranasan niya ang isang buhay na masaya. Magagawa kayang maipakita ni Shinichi kay Uzaki na mas nais niyang gawin ang mga bagay nang mag-isa, o mabibighani kaya siya sa kakulitan nito?

Hana Uzaki (宇崎花, Uzaki Hana)

Boses ni: Naomi Oozara (Hapones), Monica Rial (Ingles)[1]
Isang kolehiyanang nasa ikalawang taon. Magkaparehas sila ni Shinichi ng pinapasukang kolehiyo. Madalas siyang mapagkamalang nasa elementary pa siya dahil sa kaiksian niya kahit malantik ang kanyang pangangatawan. Masayahin at palagala, naiinis siya na sinayang lang ni Shinichi ang unang taon nito sa kolehiyo nang mapag-isa. Kaya naman, bilang paraan para mabago ang pamumuhay nito, sumasama siya sa bawat pinupuntahan ni Shinichi, na iritang-irita naman sa kanya. Dahil rin rito, pumasok siya bilang isang part-time na empleyado ng isang kapihang pinapasukan rin ni Shinichi. Sa paglipas ng panahon, nagsimulang magkagusto siya sa kanya, ngunit wala siyang kaalam-alam patungkol rito.

Shinichi Sakurai (宇崎花, Sakurai Shin'ichi)

Boses ni: Kenji Akabane (Hapones), Ricco Fajardo (Ingles)[1]
Isang kolehiyanong nasa ikatlong taon, at senpai ni Hana. Una silang nagkakilala noong pareho silang naging miyembro ng club ng haiskul nila sa paglangoy. Kalimitan natatakot ang iba sa kanya dahil sa itsura niya. Madalas siyang naiirita sa kakulitan ni Hana, lalo na kung naapektuhan na siya, pero hinahayaan niya na lang ito para manatiling masaya ang buhay-kolehiyo nito. Nagtatrabaho siya nang part-time sa isang kapihang malapit sa kolehiyo niya, kung saan siyang populár sa mga kostumer nito dahil sa mala-atletang pangangatawan niya at etika sa pagtatrabaho

Ami Asai (亜細亜実, Asai Ami)

Boses ni: Ayana Takesatsu (Hapones), Jad Saxton (Ingles)[1]
Kolehiyanang nasa ikaapat na taon na nag-aaral rin sa kaparehong kolehiyo nina Hana at Shinichi. Nagtatrabaho rin siya sa kapihan ng tatay niya. Tulad ng tatay niya, pinapanood niya ang aabutin ng relasyon ng dalawa. May fetish siya sa mga masel ni Shinichi simula pa nung una itong nagtrabaho sa kanila.

Itsuhito Sakaki (榊逸仁, Sakaki Itsuhito)

Boses ni: Tomoya Takagi[1]
Kaibigan ni Shinichi na nag-aaral din sa kaparehong kolehiyo. Magaling sa mga isports at populár sa mga babae. Nung nalaman niyang madalas magkasama sina Shinichi at Hana, sinamahan niya si Ami sa tangkang isulong ang relasyon ng dalawa.

Ang May-ari (マスター, Masutā, lit. na 'Master')

Boses ni: Yousuke Akimoto (Hapones), Kent Williams (Ingles)[1]
Ang may-ari ng kapihan na pinagtatrabahuan nina Shinichi at Hana. Ang pangalan niya ay Akihiko Asai. Tatay rin siya ni Ami. Pinapanood niya sina Shinichi at Hana kung makakaabante ba ang dalawa sa kanilang relasyon.

Tsuki Uzaki (宇崎月, Uzaki Tsuki)

Boses ni: Saori Hayami[1]
Ang nanay ni Hana. Natatakot siya sa titig ni Shinichi simula pa noong una itong pumunta sa bahay nila. Madalas rin niyang mapagkamalang may gusto si Shinichi sa kanya simula rin sa araw na iyon, hindi alam na gusto lang ni Shinichi na mahawakan ang mga pusa nila.

Ang Uzaki-chan wa Asobitai! ay isinulat at iginuhit ni Take (丈). Baha-bahaging itong nilabas sa pook-sapot na Dra Dra Sharp ng Nico Nico Seiga simula noong 1 Disyembre 2017.[2] Nakagawa na ito ng mga tankōbon - ang una ay inilimbag noong 9 Hulyo 2018[3] at ang pinakabago, ang ikalima nito, naman noong 9 Hulyo 2020.[4] Lisensiyado ang Seven Seas Entertainment para ilathala ito sa wikang Ingles sa Hilagang Amerika.[5] Nilabas ang unang tomo nito sa wikang Ingles noong 17 Setyembre 2019., habang ililimbag ang ikalimang tomo nito naman sa darating na 11 Mayo 2021.[6]

Blg.Petsa ng paglabas (wikang Hapón)ISBN (wikang Hapón)Petsa ng paglabas (wikang Ingles)ISBN (wikang Ingles)
1 19 Hulyo 2018[3]ISBN 978-4-04-072779-017 Setyembre 2019[6]ISBN 978-1-64275-336-3
2 8 Pebrero 2019[7]ISBN 978-4-04-073095-014 Enero 2020[6]ISBN 978-1-64505-193-0
3 9 Hulyo 2019[8]ISBN 978-4-04-073260-216 Hunyo 2020 (ebook)
14 Hulyo 2020 (pisikal)[6]
ISBN 978-1-64505-484-9
4 7 Pebrero 2020[9]ISBN 978-4-04-073499-68 Disyembre 2020[6]ISBN 978-1-64505-817-5
5 9 Hulyo 2020[10][11]ISBN 978-4-04-073712-6
978-4-04-073713-3 (esp.)
8 Mayo 2021[6]ISBN 978-1-64827-215-8

Inanunsyo ng Kadokawa ang pagsasa-anime ng manga noong 3 Pebrero 2020. Prinodyus ito ng istudyong ENGI. Dinirek ni Kazuya Miura ang naturang serye, habang si Takashi Aoshima ang namahala komposisyon nito. Si Manabu Kurihara ang nagdisenyo sa mga karakter, at si Satoshi Igarashi naman ang gumawa ng musika ng anime.[12] Inere ito mula 10 Hulyo hanggang 25 Setyembre 2020 sa AT-X at iba pang mga tsanel.[13] Kinanta ni Kano, isang virtual YouTuber, at ang nagboses kay Uzaki, si Naomi Oozora, ang pambungad na tema nito, "Nadamesukashi Negoshiēshon" (なだめスかし Negotiation, Filipino: Nakakapawing Negosasyon),[13] habang kinanta naman ni YuNi, isa ring virtual YouTuber, ang pangwakas na tema nitong "Kokoro Nokku" (ココロノック, lit. na 'Katok sa Puso').[14] Nagkaroon ito ng labindalawang (12) episode.[15] Noong 3 Hulyo 2020, inanunsyo ng Funimation sa FunimationCon na nakuha na nila ang lisensiya para ipalabas ito sa kanilang websayt sa Hilagang Amerika at sa Reyno Unido, at sa AnimeLab naman para sa Awstralya at Bagong Selanda.[16] Noon namang 10 Setyembre 2020, inanunsyo rin nila na magkakaroon ito ng isang dub sa Ingles, na nagsimulang pinalabas kinabukasan.[17]

Noong 25 Setyembre 2020, inanunsyo pagkaraang pinalabas ang huling episode nito na naka-greenlit na ang serye para sa ikalawang season nito.[18][19]

Talaan ng episode

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Blg. Pamagat Petsa ng pag-ere
1"Uzaki-chan wa Asobitai!"
Gustong Gumala ni Uzaki!
(Hapones: 宇崎ちゃんは遊びたい!)
10 Hulyo 2020 (2020-07-10)
Sinimulan ni Uzaki na "pagalingin" mula sa pagiging mapag-isa ang senpai niya, si Shinichi Sakurai. Magkasama silang nanood ng pelikula, sumubok maglaro ng isang larong VR kung saan aksidenteng nahawakan ni Shinichi ang dibdib ni Uzaki, pumunta sa isang batting center kung saan naman sumakit ang likod ni Hana dahil sa maling paraan ng paghampas, at kumain kung saan naman kinain ni Hana ang pagkaing nakahain sa plato ni Shinichi. Inis na inis at iritang irita si Shinichi kay Hana habang ginagawa nila lahat ito.
2"Masutā wa Kaimamitai!"
Gustong Sumulyap ng May-ari!
(Hapones: マスターは垣間見たい!)
17 Hulyo 2020 (2020-07-17)
Nagkataong napadaan si Hana sa kapihang pinapasukan ni Shinichi. Sinubukan ni Shinichi na paalisin si Hana, pero pilit nitong sinabi na galangin siya bilang customer. Makaraan, na-stuck si Hana sa isang palumpong (bush) matapos subukang habulin ang isang ligaw na pusa para mapasaya ang yamot na yamot na si Shinichi, na lalo pang napahiya dahil sa mga sumunod na nangyari. Nagulat na lang si Hana nang malaman niyang may kaibigan pala si Shinichi na sumabay sa tanghalian niya; sunod-sunod niya itong pinadalhan ng text. Nang gabing iyon, pumunta uli si Hana sa kapihan para magpatulong sa isang sulatin. Nakiusap siya pagkatapos kung pwede ba siyang tumuloy sa bahay niya dahil malapit lang naman ito sa paaralan nila. Ikinagulat at ikinasaya nito ng may-ari ng kapihan.
3"Asai Oyako wa Mimamoritai!"
Gustong Kaming Manmanan ng Pamilya Asai!
(Hapones: 亜細親子は見守りたい!)
24 Hulyo 2020 (2020-07-24)
Nakilala ni Ami Asai, ang anak na babae ng may-ari ng kapihan at senpai ni Shinichi, si Hana. Nagkasakit si Shinichi dahil sa mga nangyari, at inalagaan siya ni Hana. Para ipagdiwang ang paggaling ni Shinichi, lumabas ang apat para kumain. Nagselos si Hana nung tinawag ni Shinichi si Ami sa pangalan nito. Dahil rito, sa paaralan nila, sinubukan ni Hana na ihipnotismo si Shinichi para tawagin siya nito sa unang pangalan niya.
4"Renkyuu wa Issho ni Asobitai!"
Gusto Kong Sama-samang Maglaro sa Bakasyon!
(Hapones: 連休は一緒に遊びたい!)
31 Hulyo 2020 (2020-07-31)
Sumapit ang Golden Week, at tatlong araw na naglaro lang si Shinichi ng mga laro niya. Nagpakita si Hana at nagdesisyon silang laruin ang Doramon Go. Nakita nila si Ami habang namimili sila ng salamin. Sa isang tren na punô, naging mahiyairi (self-conscious) si Shinichi habang katabi niya si Hana. Pagkadating ni Shinichi sa kolehiyo, umoo siya sa hiling ni Hana na gumala sa susunod na weekend. Isang linggo pagkatapos, gumala sila buong araw nang magkasama.
5"Shin'yuu ni Osekkai Shitai!"
Gusto Kong Makialam sa Buhay ng Kaibigan Ko!
(Hapones: 親友におせっかいしたい!)
7 Agosto 2020 (2020-08-07)
Pinagtripan ni Hana si Shinichi matapos itong magising mula sa isang bangungot habang may klase, pero nakabawi agad ito sa kanya. Nakialam si Itsuhito Sakaki, ang kaibigan ni Shinichi, sa relasyon ng dalawa, na ikinasama ng loob ni Ami. Nagbigay si Hana ng isang mahabang manologo kay Shinichi tungkol sa mga tsokolateng mint matapos nitong maliitin ang nasabing produkto.
6"Natsuda! Umida! Ki mo Dame Shitai!"
Tag-init na! Hayun na ang Dagat! Gusto Kong Sulitin 'To!
(Hapones: 夏だ!海だ!きもだめしたい!)
14 Agosto 2020 (2020-08-14)
Tinanggap si Hana sa kapihang pinapasukan ni Shinichi, na nainis dahil rito. Nagdesisyon si Hana na pumunta sa dalampasigan para mapigilan itong magkulong sa bahay buong tag-init. Sumali sina Ami at Sakaki sa kanila at naglaro sila ng isang laro ng pagbibiyak sa pakwan nang nakapiring. Nang gabi iyon, nagdaos sila ng isang pagsubok sa katapangan kung saan maraming nangyaring di inaasahan. Matapos nito, pinagtripan ni Hana ang natutulog na si Shinichi.
7"Neko Kafe to Izakaya de Asobitai!"
Gusto Kong Tumambay sa isang Cat Café at Izakaya!
(Hapones: 猫カフェと居酒屋で遊びたい!)
21 Agosto 2020 (2020-08-21)
Nakatanggap si Hana ng tawag mula kay Shinichi - nangangailangan ito ng tulong niya. Nalaman niya anng nagkita sila na nagpapasama lang pala si Shinichi sa isang cat café, na napainis sa kanya. Matapos nilang tumambay doon, sinabi ni Hana kay Shinichi na malapit na ang kaarawan niya. Habang nagtatrabaho, nag-isip si Shinichi ng pwedeng mairegalo kay Hana. Habang naghahanap siya ng maireregalo, nakatanggap naman siya ng tawag mula Hana - sinabi nito na kailangan nilang magkita agad. Nang nagkitaan sila, pumasok sila sa isang izakaya. Umorder si Hana ng napakaraming alak. Matapos nito, dinala ni Shinichi sa bahay niya ang lasing na si Hana, kung saan pinagtripan uli siya nito. Kinabukasan, nagkaroon si Hana ng hangover.
8"Futari de Hanabi o Miagetai!"
Gusto Kong Manood Tayo ng Paputok!
(Hapones: 二人で花火を見上げたい!)
28 Agosto 2020 (2020-08-28)
Habang nasa labas, humingi si Hana ng kapatawaran kay Shinichi matapos niyang sumuka sa kutson nito habang lasing, na gumawa na isang nakakahiyang sitwasyon kay Shinichi. Sa kapihan, binigyan ng may-ari si Shinichi ng isang voucher para sa isang pista ng mga paputok, habang pinayuhan naman ni Ami si Hana, na pahiyang pahiya pa rin sa nangyari. Tinangka ni Hana na pasayahin si Shinichi, kaso lang, aksidenteng nasapak niya ito. Nagbaliktanaw si Shinichi sa haiskul. Pagkaraang magising, inalala niya ang mga bagay na nagawa nilang magkasama simula nang pumasok sila sa kolehiyo.
9"Uzaki Tsuki wa Tokimekitai?"
Gusto Bang Kiligin ni Tsuki Uzaki?
(Hapones: 宇崎月はときめきたい?)
4 Setyembre 2020 (2020-09-04)
Nakilala ni Tsuki Uzaki, ang nanay ni Hana, si Shinichi sa unang pagkakataon. Inakala niya na may pagtingin si Shinichi sa kanya, kahit na gusto lang nitong hawakan ang mga pusa ni Hana. Pumunta si Tsuki sa kapihan para panoorin si Hana na nagtatrabaho, ngunit nalaman din niyang doon din nagtatrabaho si Shinichi. Matapos magkaliwanagan sa naunang akala, nagkamali muli siya ng akala nang marinig niya ang usapan ng dalawa. Nagsimulang maging katulad ng nanay niya si Hana matapos di sinasadyang insultuhin siya ni Shinichi. Pagkaraang humingi ito ng patawad, nagsimula silang magtalo, na humantong sa pagbibigay ng isang batang customer ng isang tiket sa lotto para magbati na sila. Nang ginamit nila ang tiket, nanalo sila ng isang trip papuntang Tottori.
10"Tottori de Asobitai!"
Gusto Kong Gumala sa Tottori!
(Hapones: 鳥取で遊びたい!)
11 Setyembre 2020 (2020-09-11)
Sa Tottori, nakasalubong nina Hana at Shinichi sina Sakaki at Ami, na parehong may balak na siguraduhing aabante ang relasyon ng dalawa. Habang namamasyal, napansin nina Hana at Shinichi ang ilang mga magnobyo. Inihayag nina Sakaki at Ami kina Hana at Shinichi, nang marating nila ang Templo ng Hakuto, na sikat ang Tottori bilang isang puntahan ng mga magnobyo. Parehong nakaramdam ng kahihiyan sina Hana at Shinichi dahil sa rebelasyong ito. Matapos nito, nagsaya silang dalawa kinabukasan. Samantala, may napadaan at nakapansin sa kanila.
11"Sakurai mo Asobitai?"
Gusto rin bang Gumala ni Sakurai?
(Hapones: 桜井も遊びたい?)
18 Setyembre 2020 (2020-09-18)
Nagsimulang magreklamo at pagalitan ni Shinichi si Hana matapos nitong pumunta sa bahay nito, dahil sa kalat na palagi nitong iniiwan sa tuwing pumupunta ito. Para mapigilan ito, sinabi ni Hana na magluluto siya. Sa kapihan, palpak na nakagawa si Shinichi ng isang lutuin, kaya naman nagpaturo siya sa mag-inang Uzaki paano magluto. Muling nagkamali na naman si Tsuki ng pag-intindi sa usapan ng dalawa. Matapos nito, pumunta sila sa isang rock climbing gym. Mamaya-maya, pumunta sina Ami at Hana sa karaoke bar na pinuntahan ni Shinichi nang mag-isa. Kinabukasan, umuulan, sinabi ni Hana kay Shinichi na hindi na siya makakagala kasama siya.
12"Uzaki-chan wa Motto Asobitai!"
Gusto pa ring Gumala ni Uzaki!
(Hapones: 宇崎ちゃんはもっと遊びたい!)
25 Setyembre 2020 (2020-09-25)
Ibinunyag ni Hana kay Shinichi na ang dahilan kung bakit hindi na makakagala siya kasama ito ay dahil sa hindi pa niya nagagawa ang mga takdang-aralin niya para sa tag-init. Sa kapihan, naaksidente ang may-ari habang nagbubuhat ito, at idinala sa isang klinikang kiropraktiko (chiropractic clinic). Naiwan sina Ami at Hana sa kapihan, at napakuwento si Hana kay Ami tungkol sa unang pagkikita nilang dalawa ni Shinichi noong nasa haiskul sila. Nagdaos ng isang inuman si Hana sa bahay ni Shinichi matapos niyang tanungin ang lahat sa kapihan patungkol sa kung anong nagpapalasing kay Shinichi. Kinaumagahan, nalaman na lang nilang natulog sila sa parehong kutson. Sa kapihan, pilit nilang inalala kung anong nangyari kagabi. Nagtapos ang bakasyon nila sa tag-init, at muli silang pumasok sa paaralan, kung saan sinabi ni Shinichi kay Hana na magkasama sila palaging gumala.

Uzaki-chan wa Tottori de Asobitai!

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Hulyo 2020, inilunsad ng Prepektura ng Tottori ang Nais Gumala ni Uzaki sa Tottori! (宇崎ちゃんは鳥取で遊びたい!, Hepburn: Uzaki-chan wa Tottori de Asobitai!). Inilabas ang mga collaboration visuals para sa mga sikat na pasyalan ng prepektura. Pinangunguhan ito ng Komisyon sa Palabas ng Prepektura ng Tottori.[20]

Itinampok ng ikasampung episode ng anime ang naturang prepektura.

Pumang-sampu ang manga sa kategoryang "Web Manga" ng gawad-parangal na Tsugi ni Kuru Manga (lit. na 'Ang Susunod na Manga') ng Niconico noong 2018.[21]

Kontrobersiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Blood donation ng Krus na Pula

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 2019, nakipagtulungan ang Krus na Pula sa Uzaki-chan para sa isang ginanap na kampanya ng pamimigay ng dugo noong 2019, ngunit nakatanggap ito ng samu't saring batikos, matapos punahin itong pinuna ng isang Amerikano sa Twitter.[22] Ang naturang paskil ay nagpapakita sa titular na karakter na nasa posisyong nakakabastos o hindi kaaya-aya.

Kabilang sa mga bumatikos si Keiko Ota, isang kilalang abogado at pemenista, na nagreklamo sa Krus na Pula ng bansang Hapón. Pinuna niya ang pagkapokus ng larawan sa dibdib ni Uzaki, na inihalintulad niya sa "pambabastos sa pinagtatrabahuhan" (環境型セクハラ kankyougata sekuhara) sa pampublikong lugar.[23] Pinabulaan ito ng isang abogado - hindi raw ito isang pambabastos sa ilalim ng batas, at pasok ito sa kalayaan sa pagpahayag.[24]

Nilinaw ito ng mga nag-organisa na isa itong "hindi pagkakaunawaan."[24] Idinaos ang naturang pamimigay ng dugo sa ika-97 Comiket, at ang karamihan sa mga idinaos na kampanya sa rehiyon ng Kanto ay kasama sa Comiket.[24]

Ayon sa inilabas na opisyal na pahayag ng organisasyon, isa lamang itong "novelty gift" hindi nila ito kinokonsiderang "pambabastos."[25][26]

Noong Enero 2020, kahit na matindi ang pagbatikos, nakipagtulungan muli ang Krus na Pula matapos makita ang malaking pagbaba sa dami ng mga nagbibigay ng dugo. Dahil sa kasikatang nagawa ng unang kampanya, lumawak pa lalo ang saklaw na rehiyon ng kampanya.[26]

Kontrobersiya sa Kanluraning Twitter

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkatapos magsahimpapawid ang anime nito, marami ang pumuna sa "maling" proporsyon ng katawan ni Uzaki. Partikular na pinuna ng mga ito ang laki ng dibdib ng naturang tauhan, at isa raw itong uri ng pagse-sexualize sa mga babae at pedopilya.[27] Dahil dito, marami ang nag-post ng kanilang mga tangkang "ayusin" ang pagguhit ng tauhan.[27]

Gayumpaman, marami rin ang nagtanggol sa pagguhit ng tauhan, at sinabi na isa daw itong "pag-atake" ng Kanluraning kalinangan sa kalinangan ng bansang Hapon.[28]

  1. 宇崎ちゃんは遊びたい!, Filipino: Gustong Gumala ni Uzaki!

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 "Uzaki-chan Wants to Hang Out! (TV)". Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Uzaki-chan wa Asobitai! / Take Osusume Manga - Niconico Seiga" 宇崎ちゃんは遊びたい! / 丈 おすすめ漫画 - ニコニコ漫画 [Uzaki-chan wa Asobitai! / Take Inirerekomendang Manga - Niconico Seiga]. Niconico Seiga (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Enero 2021. Nakuha noong 2 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Uzaki-chan wa Asobitai! 1" 宇崎ちゃんは遊びたい!1. Kadokawa (sa wikang Hapones). Nakuha noong 25 Setyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Uzaki-chan wa Asobitai!" 宇崎ちゃんは遊びたい! (sa wikang Hapones). Kadokawa. Nakuha noong 2 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Ressler, Karen (15 Pebrero 2019). "Seven Seas Licenses Uzaki-chan Wants to Hang Out! Manga" [Nakuha ng Seven Seas ang lisensiya ng mangang Uzaki-chan Wants to Hang Out!]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 6.5 "Uzaki-chan Wants to Hang Out!". Seven Seas Entertainment (sa wikang Ingles). Nakuha noong 25 Setyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Uzaki-chan wa Asobitai!" 宇崎ちゃんは遊びたい!2. Kadokawa (sa wikang Hapones). Nakuha noong 25 Setyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Uzaki-chan wa Asobitai! 3" 宇崎ちゃんは遊びたい!3. Kadokawa (sa wikang Hapones). Nakuha noong Pebrero 3, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Uzaki-chan wa Asobitai! 4" 宇崎ちゃんは遊びたい!4. Kadokawa (sa wikang Hapones). Nakuha noong 26 Setyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Uzaki-chan wa Asobitai! 5" 宇崎ちゃんは遊びたい!5. Kadokawa (sa wikang Hapones). Nakuha noong 26 Setyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Uzaki-chan wa Asobitai! 5 Tokusou-ban" 宇崎ちゃんは遊びたい! 5 特装版 [Uzaki-chan wa Asobitai! 5 Espesyal na Edisyon]. Kadokawa (sa wikang Hapones). Nakuha noong 26 Setyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Hodgkins, Crystalyn (3 Pebrero 2020). "Take's Uzaki-chan Wants to Hang Out! Manga Gets TV Anime in July" [Magkakaroon ng isang TV anime ang manga ni Take na Uzaki-chan Wants to Hang Out! sa [darating na] Hulyo.]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  13. 13.0 13.1 Pineda, Rafael Antonio (9 Hunyo 2020). "Uzaki-chan Wants to Hang Out! Anime's Video Reveals Opening Song, More Cast, July 10 Debut" [Ibinunyag ng bidyo ng anime na Uzaki-chan Wants to Hang Out! ang pambungad na kanta, karagdagang cast, debu sa Hulyo 10.]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  14. Komatsu, Mikikazu (14 Hunyo 2020). "Virtual YouTuber YuNi Performs TV Anime Uzaki-Chan Wants to Hang Out! ED Song" [Inawit ng virtual YouTuber na si YuNi ang kantang ED ng TV anime ng Uzaki-chan Wants to Hang Out!]. Crunchyroll (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  15. Hodgkins, Crystalyn (15 Hunyo 2020). "Uzaki-chan Wants to Hang Out! Anime Listed With 12 Episodes" [May 12 episode ang anime na Uzaki-chan Wants to Hang Out!]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Whisennand, Haley (3 Hulyo 2020). "Teasing Ahead! Uzaki-chan Wants to Hang Out! Joins the Funimation Summer Lineup" [Maagang pangungulit! Uzaki-chan Wants to Hang Out! kasama sa lineup sa tag-init ng Funimation]. Funimation (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Friedman, Nicholas (10 Setyembre 2020). "Uzaki-chan Wants to Hang Out! English Dub Cast" [Cast ng dub sa Ingles ng Uzaki-chan Wants to Hang Out!]. Funimation (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Frye, Patrick (25 Setyembre 2020). "Uzaki-chan Wants to Hang Out! Season 2 release date: Sequel confirmed for Uzaki-chan wa Asobitai! Season 2" [Petsa ng paglabas ng ikalawang season ng Uzaki-chan Wants to Hang Out!: Kumpirmado ang kasunod para sa ikalawang season ng Uzaki-chan wa Asobitai!]. Monsters and Critics (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Oktubre 2020. Nakuha noong 6 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Sherman, Jennifer (25 Setyembre 2020). "Uzaki-chan Wants to Hang Out! Anime Gets 2nd Season" [Nakakuha ng ikalawang season ang anime na Uzaki-chan Wants to Hang Out!]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. ""Uzaki-chan wa Asobitai!" × "Tottori" Koraburēshon "Uzaki-chan wa Tottori de Asobitai!" Dai-4 johou koukai!" 「宇崎ちゃんは遊びたい!」×「鳥取」コラボレーション「宇崎ちゃんは鳥取で遊びたい!」第4弾情報公開! [Kolaborasyong Uzaki-chan wa Asobitai! × Tottori "Uzaki-chan wa Tottori de Asobitai!" Ikaapat na Paglabas ng Impormasyon!]. Uzaki-chan wa Asobitai! (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Oktubre 2020. Nakuha noong 9 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Loveridge, Lynzee (23 Agosto 2018). "Raise wa Tanin ga Ii, Senpai ga Uzai Kōhai no Hanashi Take Top Prizes at Tsugi ni Kuru Manga Awards" [Nakuha ng Raise wa Tanin ga Ii [at] Senpai ga Uzai Kouhai no Hanashi ang mga Pinakamatataas na Parangal sa gawad-parangal na Tsugi ni Kuru Manga]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Fujisaki, Taketo (26 Oktubre 2019). ""Uzaki-chan" Kenketsu Posutā, Naze Giron ga Kojireru no ka" 「宇崎ちゃん」献血ポスター、なぜ議論がこじれるのか [Poster ng "Uzaki-chan" sa pamimigay ng dugo, bakit lumala ang debate?]. Harbor Business Online (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-10-11. Nakuha noong 9 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Moe-kyara `Uzaki-chan' no kenketsu PR posutā ni josei bengoshi ga `kankyou-gata sekuhara' to kurēmu" 萌えキャラ「宇崎ちゃん」の献血PRポスターに女性弁護士が「環境型セクハラ」とクレーム [Sinabi ng isang babaeng abogado na isang "pambabastos sa kalikasan" ang PR poster ng karakter na moe na si Uzaki-chan.]. Tokyo Sports Web (sa wikang Hapones). 16 Oktubre 2019. Nakuha noong 9 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  24. 24.0 24.1 24.2 ""Komike 97" 'Uzaki-chan kenketsu posutā' enjou wa kanchigai ga hottan? Sono mondaiten o bengoshi to un'ei ni kiita" 【コミケ97】「宇崎ちゃん献血ポスター」炎上は勘違いが発端? その問題点を弁護士と運営に聞いた ["Komiket 97" "Poster ng Uzaki-chan sa pamimigay ng dugo," isang di pagkakaunawaang nagliyab? Tinanong ko ang isang abogado at ang namamahala patungkol sa problemang ito]. Oricon News (sa wikang Hapones). 31 Disyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  25. Baseel, Casey (19 Oktubre 2019). "Busty blood drive anime girl artwork "not recognized as sexual harassment" by Japanese Red Cross" [Larawang-guhit ng isang babaeng anime sa pamimigay ng dugo na may malaking dibdib "hindi itinuturing na isang pambabastos" ng Krus na Pula ng Hapón]. Sora News 24 (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  26. 26.0 26.1 Baseel, Casey (27 Enero 2020). "Japanese Red Cross renews partnership with busty-heroine manga series for new blood drive". Japan Today (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  27. 27.0 27.1 Zhang, Mary (21 Agosto 2020). "How Uzaki-Chan Wants to Hang Out Became Controversial" [Paano naging Kontrobersiyal ang Uzaki-chan Wants to Hang Out[!]]. CBR (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  28. Rivera, Maria (1 Setyembre 2020). "American journalists against Uzaki-chan: "Immoral and sexist", chaos breaks out on Twitter" [Kontra sa Uzaki-chan ang mga dyornalistang Amerikano: "Imoral at sexist", nagkagulo sa Twitter]. Asapland (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)

Kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]