Pumunta sa nilalaman

Mantsa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Namantiyahan)
Mga mantsa sa sahig.

Ang mantsa[1] ay mga hi duming-dungis sa anumang bagay tulad ng mga damit at tela, na karaniwang mahirap alisin kahit labhan, hugasan o punasan man. Tinatawag din itong batik at bahid. Halimbawa ng mga nagiging mantsa ang mga tinta, dugo, nginunguyang gam, tsokolate, kokwa, katas ng prutas, damo, grasa, sorbetes, at sopdrinks.[2]

May mga payak na paraan ng mga pag-aalis ng mga mantsa. Ilan lamang mga halimbawa ang mga sumusunod:[2]bakit

Natatanggal ang mga mantsa ng dugo sa pamamagitan ng paggamit ng espongha at malamig na tubig, o pagbabad. Hinuhugasan ang tela o damit sa maligamgam na tubig na may sabon.

magaling

Naaalis ang chewing gum o nangangatang goma sa pamamagitan ng pagpapatigas muna sa gam habang gumagamit ng yelo. Kinikiskis ang yelo hanggang sa matanggal ang mga mantsa. May mga gumagamit din ng solbentong pang-tuyong-paglilinis.

Tsokolate at kokwa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kinakayod ng mapurol na kutsilyo ang mga mantsa ng tsokolate at kokwa, at hinuhugasan pagkaraan ng maligamgam na tubig na may sabon. Gumagamit din ng idrohenadong peroksayd (o aguwa oksinada)[3] para sa mas matitinding mantsang hindi matanggal, at babanlawan ng mabuti ang tela o damit.

Agad na hinuhugasan ng malamig na tubig ang namantsahang bagay, na nilalabhan pagkaraan; kung hindi pa rin matanggal, gumagamit ng pangkula (bleach)[4] Kapag naplantsa ang kasuotan o tela na naroon pa rin ang bahid, maaaring hindi na ito matanggal.

matatanggal ito sa pamamagitan ng espongha, nilalagyan ng alkohol ang tela, at hinuhugasan pagkatapos. Maaari ring hugasan ito ng mainit na tubig at sabon, habang kinikiskis para maalis ang mantsa. Ginagamitan din ito ng bleach kapag hindi talaga matanggal.

Karaniwang kinikiskis ang tela sa pamamagitan ng mga deterhente at hinuhugasan pagkaraan ng mainit na tubig. Kapag hindi maalis, gumagamit ng natatanging pluwidong panlinis.

Natatanggal ang mantsa ng sorbetes sa pamamagitan ng malamig na tubig o sa paghugas gamit ang maligamgam (hindi kumukulo) na tubig at sabon.

Natatanggal ang mantsa mula sa soda o sopdrink sa pamamagitan ng malamig na tubig at espongha. Isinasawak ang mga puting damit sa solusyon ng klorina at pangkula sa loob ng isang minuto. Binubuhusan naman ng gliserina ang mga damit na may-kulay, na pinatatagal sa damit ng may kalahating oras, at hinuhugasan ng tubig pagkaraan.

  • Pagtitina
  1. English, Leo James (1977). "Mantsa". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Laundry, removing stains". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Aguwa oksinada", hydrogen peroxide Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., Bansa.org, at Regala, Armando A.B., Geocities.com)
  4. "Kula," bleach Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org