Kutsilyo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Iba't ibang uri ng kutsilyo

Ang kutsilyo ay isang uri ng kubyertos o armas. Ginagamit itong panghiwa ng pagkain o kaya'y pangdepensa sa sarili.[1]

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang mga pinakaunang kutsilyo ay ginawa gamit ang iba't ibang uri ng bato tulad ng Obsidian at Flint. Sa panahon ng Paleolithic , gumamit ang mga "Homo habilis" ng kahoy at buto. Limang-libong taon nang nakakaraan, unti-unti itong napalitan ng mga bakal. Kahawig nito ang mga sinaunang kutsilyo na gawas sa flint. Ang mga modernong kutsilyo naman ay gawa sa mga pinaghalong mga bakal, carbon fiber, ceramic at titanium.

Uri ng mga Kutsilyo[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Bayoneta: Isang kutsilyong nakakabit sa dulo ng mga mahahabang baril.
  • Kutsilyong Militar: Uri ng kutsilyo na karaniwang ginagamit ng mga sundalo at tauhang-militar.
  • Kutsilyong Pangtinapay: Kutsilyong ginagamit na panghiwa sa tinapay at emparados.
  • Kutsilyong Pangkusina: Kahit anong uri ng kutsilyo na ginagamit sa paghanda ng pagkain.
  • Kutsilyong Pangsisid: Ginagamit ng mga maninisid para sa pagkuha ng perlas atbp.
  • Skalpel: Gamit ng mga siruhano sa pag-oopera

Mga talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X



Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.