Ang Nandito Ako ay ang panglimang album na inilabas ni Thalía. Ito ay tanging inilabas lang sa Pilipinas, na kung saan siya ay naging malaking bituin dahil sa kanyang telenobelangMarimar. Ang album ay naglalaman nag sampung cuts kasama na ang unang single na Nandito Ako. Ang Nandito Ako ay nirecord niya pagkatapos ng kanyang malaking konsyerto sa Pilipinas. Ito rin ay naglalaman ng bersyong Tagalog ng María La Del Barrio, El Venao at Juana at ang bersyong Ingles ng "Quiero Hacerte El Amor" at "Gracias A Dios". Siya rin ay gumawa ng sariling bersyon ng kantang Tell Me at Hey, It's Me.
Makalipas ng sampung taon, ito ay muling nilabas sa Pilipinas kasama na ang kantang Marimar.