Pumunta sa nilalaman

Pagpupunla

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Napunlaan)
Isang similyang pumupunlay sa isang itlog.

Ang pagpupunla, pagpupunlay[1] o pertilisasyon (mula sa Ingles na fertilization at halaw-Kastilang pagbabaybay na fertilizacion[2]; Kastila: fecundación) ay ang pagsasanib ng mga binhi ng lalaki at babae: similya o punlay mula sa lalaki at itlog mula sa babae. Tinatawag din itong paglilihi bagaman maaari ring tumukoy ang katagang "paglilihi" sa pamimithi o pananabik nang labis sa isang bagay na katulad ng pagkain (food craving o dietary craving) na maaaring maranasan ng babaeng naglilihi, o pati na ng lalaking katambal ng babaeng naglilihi.[3][4] Ang paglilihi na nararanasan ng babae ay katumbas ng pagiging "karamdaman tuwing umaga" (morning sickness) o "sakit na pampagdadalangtao" (pregnancy sickness), na maaaring kasangkutan ng pagsusuka, pagduduwal (nausea), mataas na kaselanan sa panlasa at pang-amoy.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Pagpupunlay, fertilization - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "Hango mula sa paggamit ng fertilizacion ni Flavier, na inayon sa palabaybayang Tagalog". Flavier, Juan M., "Doctor to the Barrios" (New Day Publishers). 1970.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Paglilihi: Food Cravings during Pregnancy Naka-arkibo 2011-08-17 sa Wayback Machine., pinoydad.com
  4. Gumap-as Dumadag, Teresa. Men and ’Paglilihi’: It Could Happen to Them, smartparenting.com
  5. Tan, Michael, ‘Paglilihi’ Naka-arkibo 2013-12-22 sa Wayback Machine., Pinoy Kasi, Inquirer Opinion/Columns, Philippine Daily Inquirer, Pebrero 9, 2011

Mga kawingang panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Seksuwalidad Ang lathalaing ito na tungkol sa Seksuwalidad ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.