Pumunta sa nilalaman

Narayan Rayamajhi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Narayan Rayamajhi (Nepali: नारायण रायमाझी  ; ipinanganak noong Abril 25, 1961) ay isang Nepali na kompositor, lirisista, nagsusulat ng script ng mga pelikula, direktor ng pelikula, at producer. [1]Siya ay patuloy na nagtagumpay bilang isang mang-aawit at siya ay gumawa ng isang makabuluhang amabag upang ipatambol ang industriya ng musikang Nepali. Nagsulat siya ng higit sa labing-apat na dosenang mga katutubong awit, higit sa anim na dosenang mga modernong kanta, dalawang dosenang mga kanta sa soap-opera, tatlong musikal na dula, dalawang dokumentaryo at nagdirekta siya ng dalawang pelikulang Gorkha Paltan[2] at Pardeshi.[3]

Maagang buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Narayan Rayamajhi ay ipinanganak noong Abril 25, 1961 sa Jhadewa −05, Distrito ng Palpa, Nepal kina Suryabhadur Rayamajhi at Krishna kumari Rayamajhi. Siya ay nagkaroon ng matalim na interes sa larangan ng musika mula sa kaniyang pagkabata. Niyakap niya ang kaniyang sarili sa maraming musikal at kultural na pag-aari. Natuto siyang tumugtog ng mga instrumentong pangmusika nang mag-isa. Nang maglaon sa kaniyang unang bahagi ng 20s lumipat siya sa Kathmandu upang simulan ang kaniyang Nepali na karera sa musika, nakakuha ng Bachelor in Arts (BA) mula sa Pamantasang Tribhuvan at Diploma in Vocal mula sa Prayag Sangeet Samiti, Allahabad, India . Ang delegasyon ng Rayamajhi upang hikayatin ang kaniyang pangarap ay sumusunod sa hakbang ng kanuyang yumaong nakatatandang kapatid na si Laxman Rayamajhi.[4] Si Rayamajhi ay naging tagapayo ng Museo ng Musika Nepal sa loob ng humigit-kumulang 20 taon at patuloy niyang sinusuportahan at tinulungan ang museo sa maraming larangan noong panahong iyon sa pamamagitan ng paggawa ng pelikula, pagdidirekta at pag-edit bilang miyembro ng hurado ng pandaigdigang pistang pampelikulang musikang-pambayan noong 2012. Siya ay gumanap ng isang mahalagang papel sa pagtataguyod at pagprotekta sa mga nanganganib na Nepali na musikang-pambayan.

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Rayamajhi ay ikinasal kay Chanda Rayamajhi at may tatlong anak, sina Alina Rayamajhi, Saru Rayamajhi, at Paras Rayamajhi. Ang yumaong si Laxman Rayamajhi, ang kaniyang nakatatandang kapatid ay may malaking papel sa kaniyang buhay, dalawang nakababatang kapatid na babae na sina Shakuntala Rayamajhi, Chadani Rayamajhi, na sinundan ng kaniyang dalawang nakababatang kapatid na sina Jeevan Rayamajhi at Durga Rayamajhi na aktibo rin sa Nepali na Industriya ng Musika.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Narayan Rayamajhi". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-03-03. Nakuha noong 2022-02-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2017-03-03 sa Wayback Machine.
  2. "Narayan Rayamajhi as a Director, Story, Screenplay, Dialogue". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-03-03. Nakuha noong 2022-02-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2017-03-03 sa Wayback Machine.
  3. Rayamajhi as a Director, Story, Screenplay, Dialogue Singer.
  4. Biography of Narayan Rayamajhi by Like Nepal