Pumunta sa nilalaman

NasaanAngPangulo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang #NasaanAngPangulo ay isang hashtag na ginagamit sa social media, lalo na sa Twitter, upang batikusin ang hindi paglitaw ng pangulo sa mga press briefings sa tuwing may kalamidad (lindol, bagyo, pagputok ng bulkan, atbp.) o kawalan ng tugon sa mga kalamidad. Una itong nag-trending noong termino ni Noynoy Aquino, ngunit mas maraming beses na nag-trending ang hashtag sa termino ni Rodrigo Duterte.

Halimbawa ng hashtag na ginamit ay ang kawalan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa press briefing tungkol sa paghahanda para sa Bagyong Goni, na kilala bilang bagyong Rolly. Si Duterte ay umani ng batikos mula sa netizens dahil absent siya sa press briefings at maraming nagtatanong kung nasaan ang pangulo tuwing bagyo. Dahil ito, nag-trend sa Twitter ang #NasaanAngPangulo (#WhereIsThePresident) Nobyembre 1, 2020.[1] Noong kasagsagan ng Bagyong Vamco, na kilala bilang Ulysses, na tumama sa Pilipinas noong Nobyembre 12, 2020, nag-trend ulit sa social media ang hashtag na iyon. Noong Nobyembre 14, 2020, iginiit ng Palasyo ng Malakanyang na ang kawalan ng pangulo ay hindi nangangahulugang "natutulog siya sa trabaho. sa panahon ng kalamidad."[2]

Bukod pa sa hashtag, ilang mga gumagamit ng Twitter ang nag-post din ng larawan ni Duterte na natutulog sa kama, na ginamit ng mga Twitter users upang ipakita ang kanyang kawalan o katamaran.[kailangan ng sanggunian] Ang larawang iyon ay nakunan noong 2017, ngunit patuloy pa rin nag-post.[3][4]

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "#NasaanAngPangulo trends on Twitter as Duterte skips super typhoon briefing". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Nobyembre 17, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Palace tells critics to dump #NasaanAngPangulo". The Philippine Star. Nakuha noong Nobyembre 17, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Its still morning.... Duterte must be sleeping..." @naynab15. Nakuha noong Nobyembre 17, 2020 – sa pamamagitan ni/ng Twitter.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "HONEYLET AVANCEÑA BREAKS SILENCE OVER DUTERTE COMMENT ON MOLESTING MAID". Adobo Chronicles. Nakuha noong Nobyembre 17, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)