Pumunta sa nilalaman

Naskapi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Naskapi ay ang tawag sa pangkat ng mga katutubong Indiyano sa silangang Canada na naninirahan sa isang malaking lugar sa hilagang lalawigan ng Quebec. Nagwiwika sila ng wikang Algonkiano subalit wala silang mahigpit na organisyong pangtribo. Nakatira ang mga grupo ng kanilang mga mag-anak sa loob ng mga tipi. Nakaasa ang kanilang pagkain mula sa pangangaso ng mga hayop na karibu (Rangifer tarandus) at oso tuwing panahon ng taglamig. Sa panahon ng tag-init o tag-araw, nangingisda sila at nangangalakal sa pamamagitan ng paraang barter o palitan ng kalakal habang nasa mga pook pangkalakalan. Nagbabagu-bago ang bilang ng kanilang populasyon, na mula 500 hanggang 3,000 katao.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Naskapi". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na N, pahina 430.

TaoCanada Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Canada ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.