Natan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Ang propetang si Natan.

Si Natan o Nathan ay isang propetang Hebreong naglingkod bilang tagapayo ni Haring David at Solomon ng Israel. Pinagalitan niya si David dahil sa pagkuha o pagtangay nito kay Batsheba, na asawa ni Uriah. Siya ang pumili kay David, katulong ang paring si Zadok, sa akmang panahon upang mapigilan si Adonijah na kuhanin ang trono. Nahikayat ni Nathan si David na antalahin ang pagtatayo ng templo sa Herusalem hanggang sa pagsapit ng pamumuno ni Solomon. Siya rin ang nagtala ng mga kasaysayan ng mga paghahari nina David at Solomon.[1]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Nathan". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977. Dictionary Index ng titik N, pahina 431.


TalambuhayBibliya Talambuhay, Bibliya
Isa po itong usbong.
Malaking tulong po sa Wikipedia kung magagawa po ninyong mapalawig ito.