Georges Cuvier
Georges Cuvier | |
---|---|
Kapanganakan | 23 Agosto 1769
|
Kamatayan | 13 Mayo 1832 |
Libingan | Sementeryo ng Père Lachaise |
Mamamayan | Pransiya |
Nagtapos | Unibersidad ng Stuttgart |
Trabaho | heologo, paleontologo, politiko, soologo, ornitologo, propesor ng unibersidad, propesor, biyologo, iktiyologo, botaniko, arkeologo, pilosopo, antropologo, manunulat, naturalista |
Pamilya | Frédéric Cuvier |
Si Baron Georges Léopold Chrétien Frédéric Dagobert Cuvier, Georges Cuvier, o Léopold Cuvier[1] (23 Agosto 1769 – 13 Mayo 1832) ay isang Pranses na naturalista at soologo. Siya ang mas matandang kapatid na lalaki ni Frédéric Cuvier (1773–1838), isa ring naturalista. Isa siyang pangunahing katauhan sa kapulungang makaagham sa Paris noong kaagahan ng ika-19 daantaon, at nakatulong sa pagtatalaga ng mga larangan ng hambingang anatomiya at paleontolohiya sa pamamagitan ng pagkukumpara ng nabubuhay na mga hayop sa mga kusilba. Kilalang-kilala siya bilang tagapagtatag ng diwang ang ekstinksiyon o pagkawala na ng mga nilalang bilang isang katotohanan, bilang isang tagapagtangkilik ng katastropismo sa heolohiya noong kaagahan ng ika-19 daantaon, at bilang kalaban ng maaagang mga panukala o teoriyang pang-ebolusyon. Pinakatanyag ang kanyang akdang Règne animal distribué d'après son organisation (1817; na isinalin sa Ingles bilang The Animal Kingdom o "Ang Kaharian ng mga Hayop"). Namatay siya sa Paris dahil sa kolera.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Harvey, Anthony; Barry Cork; Maurice Allward; Teresa Ballús; Roser Oromi (1978). "Léopold Cuvier". Qué Sabes del Universo 1 (orihinal na pamagat: New World of Knowledge: Our Earth and the Universe). Ediciones Nauta, S.A. (nilimbag sa Espanya) / William Collins Sons and Company Limited, ISBN 84-278-0441-5, ISBN 84-278-0453-9.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 10.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Pransiya at Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.