Napoleon I ng Pransiya: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Content deleted Content added
Dkes (usapan | ambag)
No edit summary
Linya 26: Linya 26:
Si '''Napoleon Bonaparte''' ([[Agosto 15]], [[1769]]- [[Mayo 5]], [[1821]]), kilala rin bilang '''Napoleon I''' ay ang pinakamahusay na [[heneral]] at [[pinuno]] ng [[Pransya]] na ang mga aksyon ay nagdulot ng napakalaking pagbabago sa [[pulitika]] ng [[Europa]] sa ikalabingsiyam na siglo.
Si '''Napoleon Bonaparte''' ([[Agosto 15]], [[1769]]- [[Mayo 5]], [[1821]]), kilala rin bilang '''Napoleon I''' ay ang pinakamahusay na [[heneral]] at [[pinuno]] ng [[Pransya]] na ang mga aksyon ay nagdulot ng napakalaking pagbabago sa [[pulitika]] ng [[Europa]] sa ikalabingsiyam na siglo.


Nagsimula si Napoleon Bonaparte bilang isang ambisyosong batang [[lieutenant]] mula sa [[isla]] ng [[Corsica]]. Itinaguyod siya bilang [[brigadier heneral]] dahil sa pamumuno sa pag-gapi sa mga [Briton] sa [[Toulon]] noong [[1793]] at bilang [[major heneral]] dahil sa pagtapos sa mga pag-aalsa ng mga [[royalist]] noong [[1795]]. Noong 1799, nagtanghal siya ng matagumpay na [[kudeta]] at inilagay ang sarili bilang unang konsul. Noong 1804, kinoronahan niya ang kanyang sarili bilang Emperador ng Pranses. Linamun ng kanyang [[imperyo]] ang halos buong Europa.
Nagsimula si Napoleon Bonaparte bilang isang ambisyosong batang [[lieutenant]] mula sa [[isla]] ng [[Corsica]]. Itinaguyod siya bilang [[brigadier heneral]] dahil sa pamumuno sa pag-gapi sa mga [[Briton]] sa [[Toulon]] noong [[1793]] at bilang [[major heneral]] dahil sa pagtapos sa mga pag-aalsa ng mga [[royalist]] noong [[1795]]. Noong 1799, nagtanghal siya ng matagumpay na [[kudeta]] at inilagay ang sarili bilang unang konsul. Noong 1804, kinoronahan niya ang kanyang sarili bilang Emperador ng Pranses. Linamun ng kanyang [[imperyo]] ang halos buong Europa.


Ang hindi matagumpay na pananakop ni Napoleon sa [[Rusya]] noong [[1812]] ang nagbaliktad sa kanyang kapalaran. hindi na muling nakabawi sa pagkatalo ang kanyang hukbo at tuluyang natalo sa [[Leipzig]] noong [[1813]]. Isang taon nakalipas, sinakop ng [[Coalisyon]] ang Pransya at napilitan siyang bumaba sa trono at ikinulong sa isla ng [[Elba]]. Hindi pa nag-iisang taon, tumakas siya at bumalik sa kapangyarihan ngunit muling natalo sa [[Digmaan ng Waterloo]]. Ikinulong siya sa isla ng [[Santa Helena]] sa [[Atlantic]] at doon binawian ng buhay
Ang hindi matagumpay na pananakop ni Napoleon sa [[Rusya]] noong [[1812]] ang nagbaliktad sa kanyang kapalaran. hindi na muling nakabawi sa pagkatalo ang kanyang hukbo at tuluyang natalo sa [[Leipzig]] noong [[1813]]. Isang taon nakalipas, sinakop ng [[Coalisyon]] ang Pransya at napilitan siyang bumaba sa trono at ikinulong sa isla ng [[Elba]]. Hindi pa nag-iisang taon, tumakas siya at bumalik sa kapangyarihan ngunit muling natalo sa [[Digmaan ng Waterloo]]. Ikinulong siya sa isla ng [[Santa Helena]] sa [[Atlantic]] at doon binawian ng buhay

Pagbabago noong 03:50, 28 Setyembre 2009

Napoleon I, the Great
Emperador ng mga Pranses; Hari ng Italya,
Tagapamagitan ng Kumpederasyong Suwiso,
Tagapagtanggol ng Kumpederasyon ng mga Rhine
[[File:Talaksan:Naprobe.jpg|frameless|alt=]]
Ang Emperador Napoleon I nang siya ay ginawaran ng korona noong 1804
PaghahariMarso 20, 1804 – Abril 6, 1814
Marso 1, 1815 – Hunyo 22, 1815
KoronasyonDisyembre 2, 1804
Buong pangalanNapoleon Bonaparte(dati ay Napoleone di Buonaparte)
PinaglibinganLes Invalides, Paris
SinundanKonsuladong Pranses (Tagapagpaganap ng Unang Republikang Pranses, kung saan si Napoleon I ang unang konsul);
Dating namahala bilang Hari : Louis XVI bilang Hari ng mga Pranses (namatay 1793)
KahaliliLouis XVIII (de facto)
Napoleon II (de jure)
Konsorte kayJoséphine de Beauharnais
Marie Louise ng Austria
SuplingNapoleon II ng Pransya
AmaCarlo Buonaparte
InaLetizia Ramolino

Si Napoleon Bonaparte (Agosto 15, 1769- Mayo 5, 1821), kilala rin bilang Napoleon I ay ang pinakamahusay na heneral at pinuno ng Pransya na ang mga aksyon ay nagdulot ng napakalaking pagbabago sa pulitika ng Europa sa ikalabingsiyam na siglo.

Nagsimula si Napoleon Bonaparte bilang isang ambisyosong batang lieutenant mula sa isla ng Corsica. Itinaguyod siya bilang brigadier heneral dahil sa pamumuno sa pag-gapi sa mga Briton sa Toulon noong 1793 at bilang major heneral dahil sa pagtapos sa mga pag-aalsa ng mga royalist noong 1795. Noong 1799, nagtanghal siya ng matagumpay na kudeta at inilagay ang sarili bilang unang konsul. Noong 1804, kinoronahan niya ang kanyang sarili bilang Emperador ng Pranses. Linamun ng kanyang imperyo ang halos buong Europa.

Ang hindi matagumpay na pananakop ni Napoleon sa Rusya noong 1812 ang nagbaliktad sa kanyang kapalaran. hindi na muling nakabawi sa pagkatalo ang kanyang hukbo at tuluyang natalo sa Leipzig noong 1813. Isang taon nakalipas, sinakop ng Coalisyon ang Pransya at napilitan siyang bumaba sa trono at ikinulong sa isla ng Elba. Hindi pa nag-iisang taon, tumakas siya at bumalik sa kapangyarihan ngunit muling natalo sa Digmaan ng Waterloo. Ikinulong siya sa isla ng Santa Helena sa Atlantic at doon binawian ng buhay

Pinagmulan at Edukasyon

Si Napoleone di Buonaparte ay isinilang bilang ikalawang anak sa pitong mga magkakapatid sa Casa Bonaparte sa Ajaccio, Corsica noong Agosto 15, 1769, isang taon mula nang pormal na ibinigay ng Republika ng Genoa ang isla sa pamahalaan ng Pransya. Ang kanyang ama ay si Carlo Bonaparte, isang abugado, pulitiko, at kinatawan ng Corsica sa hukuman ni Haring Louis XVI ng Pransya. Ang pamilyang Bonaparte ay nagmula sa mababang kamaharlikahan na nanggaling sa Corsica noong ika-labing-anim na siglo. Ang kanyang ina naman na si Maria Letizia Ramolino ay ang tanging taong nagpasunod sa katigasan ng kanyang ulo.[1] Ang kanyang mga kapatid ay sina Joseph, Lucien, Elisa, Louis, Pauline, Caroline at Jérôme. Siya ay bininyagan bilang Katoliko ilang buwan bago siya mag-dalawang taong gulang sa Ajaccio Cathedral noong Hulyo 21, 1771. Pinalitan niya ang kanyang pangalan para maging mas tinig Pranses.

Dahil sa katayuan sa buhay, naranasan ni Napoleon Bonaparte ang mga kariwasaan.[2] Noong Enero 1779, nag-aral siya sa isang relihiyosong paaralan sa Autun, sa Pransya, upang matuto ng wikang Pranses, at noong Mayo, pumasok siya sa isang paaralang militar sa Brienne-le-Château.[3] Sa pagtatapos ng kanyang pag-aaral sa Brienne noong 1784, natanggap si Napoleon I sa École Militaire sa Paris kung saan napagpasyahan niyang sumubok pumasok sa Paaralang Pandagat ng Britanya.[4] Sa halip na ituloy ang aplikasyon, nagsanay na lamang siya bilang pinuno ng artilyeriya sa pamamagitan ng dalawang taong kurso; ngunit ang kamatayan ng kanyang ama ang naging dahilan upang umikli ang pag-aaral niya ng isang taon.[5] Siya ay tinuos ng pamosong siyentipikong si Pierre-Simon Laplace na pinili rin niya sa Senado nang siya ay naluklok sa trono.[6]

Buhay Militar

Ikalawang tinyente Bonaparte

Sa kanyang pagtatapos noong Setyembre 1785, si Napoleon Bonaparte ay hinirang bilang ikalawang tinyente sa rehimente artilyeriyang La Fère. Nagsilbi siya sa isang garison sa Valence, Drôme at Auxonne hanggang sa pagsiklab ng Himagsikang Pranses noong 1789, kung saan ay nagpabalik-balik siya sa Corsica at Paris.

Nanatili siya sa Corsica sa mga unang taon ng Himagsikan, habang nilalabanan ang mga rebolusyonaryo at mga separatistang Corsican. Sinuportahan niya ang samahang Jacobin, umangat patungo sa ranggong tinyente koronel at pinamunuan ang batalyon ng mga nagkusang lumaban. Pagkatapos niyang malagpasan ang itinakdang leave of absence at matagumpay na pinamunuan ang gulo ng mga sundalong Pranses sa Corsica, nakuha niya ang simpatiya ng mga nakatataas sa Paris kung saan siya ay hinirang bilang Kapitan noong Hulyo 1792.[7] Nagbalik siyang muli sa Corsica, at nakasagupa si Pasquale Paoli, isang Pranses na nagtataguyod ng paghiwalay ng Corsica mula sa Pransya sa pamamagitan ng pananabotahe sa plotang pandigma ng Pransya na sasalakay sana sa isla ng Sardinia at La Maddalena, at si Bonaparte ay isa mga pinuno ng ekspedisyon. Noong Hunyo 1793, ang buong pamilyang Bonaparte ay kinailangang magtungo sa lupaing Pransya dahil sa gulong kinasangkutan kay Paoli.

Pagkubkob sa Toulon

Noong Hulyo 1793, nilimbag niya ang Le Souper de Beaucaire (Ang Hapunan sa Beaucaire) na naglalaman ng mga kaalaman na kampi sa republica (pro-republican); ito ay nagbigay sa kanya ng pagkagiliw at admirasyon mula kay Augustin Robespierre, ang nakababatang kapatid ng lider ng Himagsikan na si Maximilien Robespierre. Sa tulong ng kababayang si Antoine Christophe Saliceti, napili si Bonaparte na maging pinuno ng artilyeriya ng mga pwersang maka-republika sa pagkubkob sa Toulon. Nag-alsa ang siyudad laban sa pamahalaan kung saan ito ay nakuha ng mga hukbong Briton.[8] Sa parehong taon, siya ay ipinagkasundo kay Désirée Clary, isang anak ng mayamang mangangalakal na Marselyano. Ngunit noong Marso 9, 1796, pinakasalan niya si Josephine de Beauharnais.

Heneral ng Pransya

Pinuno ng Pransya

Imperyong Pranses

Mga Reporma

Dakilang Imperyo

Pagkatalo

Ang Pananalakay ng mga Pranses sa Rusya noong 1812 ang naging hudyat ng pagbabago ng kanyang kapalaran. Noong 1813, tinalo ng Ikaanim na Koalisyon ang kanyang hukbo sa labanan sa Leipzig; noong 1814, sinalakay ng koalisyon ang Pransya kung saan ay napuwersa si Napoleon I na iwanan ang trono at magtungo nang palihim sa isla ng Elba. Makalipas ang kalahating taon, tumakas siya sa Elba at muling umakyat sa kapangyarihan, ngunit siya ay tuluyang natalo sa pamosong labanan sa Waterloo, Belhika noong Hunyo 1815. Siya ay ipinatapon ng pumalit na haring Bourbon sa isla ng Saint Helena sa ilalim ng mga bantay na Briton. Ilang aral ang nag-imbestiga sa kaso ng kamatayan ni Napoleon I, kung saan siya ay pinatunayang namatay sa kanser sa bituka, ngunit ayon naman kay Sten Forshufvud, siya ay namatay dahil sa paglason gamit ang arseniko.

Pamana

Ang kaguluhan sa Europa na idinulot ng malawakang pananakop ni Napoleon I ay nagdulot ng malaking pagbabago sa sistemang pulitika ng mga nasakop na mga bansa: ang kanyang mga istilo sa kampanyang pangdigmaan ay inaral ng iba't ibang paaralang pang-militar. Ginamit rin ang kanyang kodigong Napoleonic bilang batayan ng batasan ng mga kasalukuyang mga bansa.

Talababa

Unang talababa

  1. Cronin 1994, p.20–21
  2. Cronin 1994, p.27
  3. Roberts 2001, p.xvi
  4. McLynn 1998, p.23
  5. Hibbert 1998, p.21–2
  6. McLynn 1998, p.26
  7. McLynn 1998, p.55
  8. Schom 1998, p.16

Kawing

Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA