Pumunta sa nilalaman

Kamatayan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Natigok)
Tumuturo rito ang namayapa, tingnan din ang kaugnay nitong kapayapaan.
Kuoleman puutarha, Hugo Simberg (1906)
Ang bungo ay isang pandaigdigang simbolo ng kamatayan

Ang kamatayan ay ang katapusan ng buhay ng isang organismo. Maraming dahilan ang umaambag sa kamatayan, kabilang ang mga aksidente, pagkakasakit, di-sapat na nutrisyon, at iba pa. Ang pangunahing dahilan ng kamatayan ng tao sa ibang modernisadong bansa ay dahilan sa pagkakatanda. Ang mga tradisyon at paniniwala na patungkol sa kamatayan ay mahalagang bahagi ng kultura at relihiyon. Sa Kristiyanismo at Hudaismo, tumutukoy ang pariralang "unang kamatayan" sa kamatayan ng katawan, samantalang ang pariralang "ikalawang kamatayan" ay tumataguri sa kaparusahan sa impiyerno.[1]

Ang kamatayan ay ang pamalagiang pagwawakas ng mga tungkuling pambiyolohiya na nagpapanatili ng buhay na organismo. Ang mga pangyayari na karaniwang nagdurulot ng kamatayan ay ang edad, paninila, pamamaslang, malnutrisyon, karamdaman, at mga aksidente o trauma na nagreresulta sa kapinsalaang pangkatawan. Ang mga katawan ng nabubuhay na mga organismo ay nagsisimulang maagnas at mabulok saglit lamang pagkaraan ng kamatayan.

Sa mga lipunan ng tao, ang kalikasan ng kamatayan ay naging isang pangunahing tuunin ng mga kaugaliang panrelihiyon ng mundo at ng mga pagsisiyasat na pampilosopiya sa loob ng isang milenyo. Maaaring kabilang dito ang ilang uri ng kabilang-buhay o reinkarnasyon. Ang mga seremonya ng komemorasyon o pag-alala pagkaraan ng kamatayan ay maaaring kabilangan ng pagluluksa o isang sandali ng katahimikan.

Kaugnay na mga kataga

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tao ay nananatiling sa kanluranin Australia, 1905.

Ang diwa at mga sintomas ng kamatayan, at nagbabagu-bagong mga antas ng kaselanan na ginagamit sa mga talakayan sa mga porong publiko, ay nakalikha ng maraming mga katagang katanggap-tanggap na pang-agham, legal, at panglipunan, o mga eupemismo para sa kamatayan. Kapag namatay ang isang tao, sinasabi rin na ang tao ay sumakabilang-buhay na, pumanaw na, yumao na, umakyat na sa langit, kinuha na ng Diyos, kinuha na siya sa atin, binawian na ng buhay, natulog na hindi na magigising, nakalimot nang huminga, o nalagutan na ng hininga, bukod sa marami pang ibang mga katanggap-tanggap na pangpakikipagkapwang mga kataga, mga pananalitang may katiyakang pangpananampalataya, salitang may malabong kahulugan, salitang balbal, at salitang hindi namimitagan o gumagalang. Sa kawalan na ng buhay, ang isang tao ay isa nang bangkay, isang patay na katawan na lamang, at sa panghuli ay kalansay na lamang. Batay sa kalagayan ng bangkay, ang walang buhay na katawan ng tao ay tinatawag ding karneng bulok o lamang bulok, bagaman ang mga ito ay kadalasang nagpapakahulugan na may kaugnayan sa mga labi ng mga hayop na hindi tao.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Abriol, Jose C. (2000). "Unang kamatayan, ikalawang kamatayan". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), paliwanag kaugnay ng Pahayag 20: 6, pahina 1812.


BiyolohiyaPananampalataya Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya at Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.