Batasang Pambansa
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. |
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng maayos na salin. (Enero 2014) |
Ang Batasang Pambansa, na kilala rin sa palayaw nito, ang Batasan, ay ang dating parlamento ng Pilipinas, na itinatag bilang isang pamagitang asembleya noong 1976 at bilang isang opisyal na institutsyon noong 1981. Sa ilalim ng Saligang Batas ng 1973, pinalitan nito ang dating Kongreso sa ilalim ng pang-Komonwelt na saligang batas ng 1935. Ang Batasan ay isa sa dalawang parlamentong may isang kapulungan, ang isa pa bilang Kongreso ng Malolos sa ilalim ng saligang batas ng 1899.
Ngayon, ang terminolohiya ay tumutukoy sa hugnayan ng Batasang Pambansa, kung saan dating nagtipon ang dating parlamento, at kung saan ngayon nagtitipon ang mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan. Nagbubuo ng 212 kasapi na hinahalal sa pamamagitan ng sistemang first past the post at 23 miyembro na hinalal sa pamamagitan ng party list na pagkakatawang proporsiyonal, ang mga kinatawan ay nagdedebate sa mga isyung pang-ekonomika, panlipunan at iba pa sa loob ng gusali. Nasa Daang Batasan (o Batasan Road), Batasan Hills, Lungsod Quezon ang Batasang Pambansa.
Ang punong bulwagan ng Batasang Pambansa ay ginagamit rin para sa mga magkasamang sesyon ng Kongreso ng Pilipinas, tulad ng mga pulong sa kumpirmasyon ng mga resulta ng halalan, at ng mga talumpati ng Pangulo o ibang panauhing pandangal. Ang Talumpati sa Kalagayan ng Bansa na binibigay ng Pangulo ng Pilipinas taong-taon sa isang magkasamang sesyon ng Kongreso ay isang halimbawa ng talumpating iyon.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Politika, Pamahalaan at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.