National Research University – Higher School of Economics
Ang National Research University Higher School of Economics (HSE, Ruso: Национальный исследовательский университет «Высшая школа экономики», НИУ ВШЭ) ay isa sa mga nangunguna[1] at pinakamalaking unibersidad sa Rusya.
Ang unibersidad ay dalubhasa sa ekonomiya, agham panlipunan, matematika, agham pangkompyuter, komunikasyon, at disenyo. Ito ay mayroong higit sa dalawampung mga kagawaran. Ang pangunahing kampus ay matatagpuan sa Moscow at ang tatlong karagdagang mga kampus ay nasa St. Petersburg, Nizhny Novgorod at Perm.
Noong Oktubre 2009, ang State University HSE (Ruso: Государственный университет ВШЭ, ГУ-ВШЭ) ay nakatanggap ng kasalukuyan nitong katayuan bilang isang pambansang pamantasan sa pananaliksik.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]55°45′40″N 37°38′07″E / 55.76115°N 37.63521°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.