Pumunta sa nilalaman

Natsume's Book of Friends

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Natsume's Book of Friends
Aklat ng mga Kaibigan ni Natsume
夏目友人帳
DyanraMisteryo, Sobrenatural[1]
Manga
KuwentoYuki Midorikawa
NaglathalaHakusensha
MagasinLaLa DX, LaLa
DemograpikoShōjo
Takbo2005 – kasalukuyan
Bolyum22
Teleseryeng anime
DirektorTakahiro Omori
Kotomi Deai (seasons 5-6)
IskripSadayuki Murai
MusikaMakoto Yoshimori
EstudyoNAS (season 1)
Brain's Base (seasons 1-4)
Shuka (seasons 5-6)
Lisensiya
Inere saTV Tokyo
TakboJuly 7, 2008 – June 21, 2017
Bilang74 (Listahan ng episode)
Original video animation
DirektorTakahiro Omori
IskripSadayuki Murai
MusikaMakoto Yoshimori
EstudyoBrain's Base (OVA 1-2)
Shuka (OVA 3-6)
Inilabas noongDecember 15, 2013 – October 25, 2017
Haba22 minutes (OVA 1)
23 minutes (OVA 2)
Bilang6 (Listahan ng episode)
Other

*Aklat ng mga Kaibigan ni Natsume: The Movie

 Portada ng Anime at Manga

Ang Aklat ng mga Kaibigan ni Natsume (Hapones: 夏目友人帳, Hepburn: Natsume Yūjin-chō) ay isang seryeng manga mula Hapon na gawa ni Yuki Midorikawa. Sinimulan itong iseryalisa ng Hakusensha sa magasing shōjo na LaLa DX noong 2005, bago ito ilipat sa LaLa noong 2008. May humigit-kumulang dalawampu't-dalawang bolyum na maaaring ipunin. Ang serye ay patungkol kay Natsume, isang naulilang binata na nakakakita ng mga multo, na makakatanggap ng isang aklat mula sa kanyang lola na noon ay ginagamit sa pang-aalipin ng mga multo. Ang Aklat ng mga Kaibigan ni Natsume ay isa sa mga naging huling kalahok sa Manga Taishō award noong 2008.

Ginawa rin ito bilang isang serye ng mga drama CD, pati na rin bilang isang serye ng pantelebisyong anime na binigyang-buhay ng Brain's Base (season 1-4) at Shuka (season 5-6), na ipinalabas sa TV Tokyo noong 2008, 2009, 2011, 2012, 2016 at 2017.

Ang Aklat ng mga Kaibigan ni Natsume: The Movie ay ipapalabas sa mga sinehan sa Setyembre 29, 2018.

Ang kwento ay tungkol kay Takashi Natsume. Isang binata na may kakayahang makakita ng mga multo na kanyang minana mula sa kanyang lola na si Reiko Natsume. Dahil sa angking kakayahan, siya ay madalas iwasan ng mga nakakasalamuha niya. Siya rin ay pinagpapasa-pasahan ng mga kamag-anak niya. Sa kanyang pagyao, ipinamana ni Reiko kay Takashi ang kanyang Aklat ng mga Kaibigan, isang aklat na naglalaman ng mga pangalan ng mga multo na kanyang inalipin.

Ang Aklat ng mga Kaibigan ay itinuturing pinakamahalagang bagay sa mundo ng mga kaluluwa, at ang mga multo - parehong mabait at hindi - ay lagi siyang hinahabol dahil dito. Si Reiko man ang bumuo ng kontrata ng pag-aalipin, si Takashi naman ang bumubuwag nito upang mapalaya ang mga multo. May ilang multo na tinangka siyang patayin upang makuha ang aklat. Dito papasok si Madara (o Nyanko-sensei, ayon kay Natsume) na magsisilbing tagabantay at tagapayong espiritwal ni Natsume, kahit na sa kaloob-looban niya ay nais niya ring makamit ang Aklat ng mga Kaibigan. Sa huli, ay mapapalapit din ito kay Takashi.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "The Official Website for Natsume's Book of Friends". Viz Media. Nakuha noong Disyembre 7, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]