Hakusensha

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Hakusensha, Inc. (株式会社白泉社, Kabushiki-gaisha Hakusensha) ay isang Hapones na kompanyang tagalathala. Makikita ito sa Chiyoda, Tokyo.[1] Pangunahing inilalathala ng kompanya ang mga magasing manga ng maraming uri o genre at sangkot din sa paggawa ng sarili nilang laro, orihinal na animasyong bidyo, musikal at ang kanilang seryeng animasyong pantelebisyon.

Tinatayang nasa 27,200 isyu ng mga magasin ang nailalathala bawat buwan. Nailalathala ang magasin sa ilang mga wika kabilang ang Hapon, Ingles, Tsino, Pranses, Aleman, at Kastila. Ang kompanya ay sanga ng Shueisha, samakatuwid; bahagi itong pagmamay-ari ng Shogakukan.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "白泉社 会社案 – Profile" (sa wikang Hapones). Hakusensha. Nakuha noong 2009-05-05.