Pumunta sa nilalaman

Ned Kelly

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Edward "Ned" Kelly (Hunyo 1855– 11 Nobyembre 1880) ay ang pinakabantog na bushranger ng Australia.[1] Siya ay naging isang pigurang simboliko sa kasaysayan, kuwentong-bayan, mga aklat, sining at pelikula ng Australia. Bilang isang huwarang pangkultura, ang kaniyang imahe ay ginamit noong seremonya ng pagbubukas ng Olimpiks ng Tag-init noong 2000 sa Sydney.[1] Naaalala siya sa kasabihang Ingles na "... as game as Ned Kelly"; na ang salitang "game" (literal na "laro") ay may kahulugang "tapang" sa ganitong kaso ng pananalita.[2]

Habang lumalaki si Kelly noong kaniyang kabataan, ang kaniyang mag-anak ay madalas na napapasubo sa gulo na kasangkot ang pulisya. Pagkaraang makipag-away sa isang pulis sa kaniyang tahanan noong 1878, nagpunta si Kelly sa isang lugar na matalahib at magubat upang magtago. Pinaslang niya ang tatlong mga pulis na humahanap sa kaniya. Ginawa ng pamahalaan na sina Ned, ang kaniyang kapatid na lalaki, at dalawa pang mga kaibigan bilang mga manlalabag ng batas. Nakilala ang pangkat nila bilang ang Kelly Gang (literal na "Masamang Barkadahan ni Kelly"). Pinamunuan ni Kelly ang gang na nakawan ang ilang mga bangko, at pati na ang paglusob sa isang buong bayan. Naganap ang isang panghuling magulong pakikipaglaban sa pulisya na nangyari sa Glenrowan. Si Kelly, na nakasuot ng ginawa niyang baluti at helmet na metal, ay nadakip at nilitis. Dahil sa pagkakatagpong siya ay nagkasala ng pagpaslang, binitay siya sa Melbourne Gaol noong 1880.

Isang larawan ni Kelly na ipininta ng Australyanong alagad ng sining na si Sidney Nolan ang naibenta noong 2010 sa halagang AU$5.4 na mga milyon, ang pinakamataas na presyong ibinayad para sa isang dibuhong Australyano.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "About Australia: National Icons". Department of Foreign Affairs and Trade. 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-10-19. Nakuha noong 2011-10-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2011-10-19 sa Wayback Machine.
  2. "Kelly Papers". Heritage Places and Objects. Heritage Council of Victoria. Nakuha noong 2010-02-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Vincent, Michael (2010-03-26). "Nolan's Ned Kelly no steal at $5.4m". Australian Broadcasting Corporation (ABC News). Nakuha noong 2011-07-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)