Pumunta sa nilalaman

Nena Del Rosario-Villanueva

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nena Del Rosario-Villanueva
Kapanganakan
Natividad del Rosario

22 Setyembre 1935(1935-09-22)
Kamatayan4 Hunyo 2021(2021-06-04) (edad 85)
NasyonalidadPilipino
EdukasyonCurtis Institute of Music
AsawaGeneroso Villanueva, Jr.
ParangalGawad CCP Sining Pantanghalan (1997)

Si Nena Del Rosario-Villanueva (Setyembre 22, 1935 – Hunyo 4, 2021) ay isang Pilipina na itinuring na batang henyo sa larangan ng pagtugtog ng piyano. Siya ay ginawaran ng Gawad CCP bilang Sining Pantanghalan Awardee noong 1997.

Unang yugto ng buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Nena Del Rosario-Villanueva bilang Natividad del Rosario noong Setyembre 22, 1935. Ikinasal siya kay Generoso Villanueva, Jr. at nagkaroon sila ng limang anak.[1][2]

Nagsimulang mag-aral si Nena Del Rosario-Villanueva sa Curtis Institute of Music sa Philadelphia noong siya ay labing-isang taong gulang. Naging guro niya sina Isabelle Vengerova, Vladimir Horowitz at Ilona Kabos. Nakatapos siya noong 1956 at natanggap ang Artist’s Diploma. Siya ang unang Pilipinong nakapagtapos sa naturang institusyon.[3][1]

Sampung taong gulang si Nena del Rosario-Villanueva noong tumugtog siya para sa kanyang unang piano recital sa Kumbento ng Assumption sa Kalye ng Herran kasama ang Manila Symphony Orchestra noong 1945.[2] Tumugtog siya ng piyesa ni Mozart.[4]

Siya ay labingdalawang taong gulang noong nagtanghal siya sa Carnegie Hall sa New York para sa isang pangbenepisyong pagtatanghal at labinglimang taong gulang noong tumugtog siya sa parehong lugar kasama ang NewYork Philharmonic Orchestra para sa kaniyang recital pagkatapos niyang manalo sa isang paligsahan sa musika na ginawa ng New York Times.[4]

Nakapagtanghal siya sa mga lugar na katulad ng Hapon, Tsina, Espanya, Pransiya, Ekwador, Hong Kong, London, at New York kasama sina Mstislav Rostropovich, Renato Lucas, Geronimo Velasco, Rony Rogoff, Oscar Yatco, Dino Decena, at Antonio Rodriguez. Nakasama na rin niya sa mga konsiyerto ang Little Symphony ng New York, CBS Symphony, New Haven Symphony, NHK Orchestra, Japan Philharmonic, at Orchestra Villa de Madrid.[1]

Nagkaroon siya ng mga solo recitals sa Musée de l’Armee sa Paris at sa Santory Hall sa Tokyo noong 2002.[4]

Bilang edukador

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagturo ng asignaturang musika si Nena del Rosario-Villanueva sa Unibersidad ng Saint Paul sa Maynila.[5]

Mga parangal na natanggap

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Natanggap ni Nena del Rosario-Villanueva ang Gawad CCP para sa Sining Pantanghalan noong 1997 bilang pagkilala sa kanyang natatanging kasiningan sa pagtugtog ng piano na isang talento na lalong humuhusay sa pagdaan ng mga taon, na nagbibigay ng isang pamantayan ng kahusayan sa mga batang henerasyon ng mga artista na kanilang pagsusumikapan.[4]

Namatay si Nena Del Rosario-Villanueva noong Hunyo 4, 2021 sa edad na walungpu't limang taong gulang.[1][6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Siytangco, Deedee (Hulyo 4, 2021). "Remembering child piano prodigy Mama Nena". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 3, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  2. 2.0 2.1 Jarque, Edu (Marso 17, 2002). "Nena Del Rosario Villanueva: Play it again, Nena". www.philstar.com. Nakuha noong 2024-05-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  3. Tariman, Pablo A. (2019-11-09). "Of time, history and the Ilonggo artists". VERA Files (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-05-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 "Nena Del Rosario-Villanueva". Hanggang sa Muli - Pagpupugay at Pasasalamat sa mga Pumanaw. Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Nakuha noong Mayo 3, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  5. "IN THESE PANDEMIC TIMES…". St. Paul University Manila. 1 Pebrero 2022. Nakuha noong 2024-05-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  6. Silvestre, Jojo G. (2023-05-30). "NENA VILLANUEVA: Portrait of a Virtuoso Pianist as a Mother". Daily Tribune Lifestyle (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-05-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga bidyo ni Nena del Rosario-Villanueva na nasa YouTube